Dream come true/@maimai80

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang araw po sa lahat ng mga myembro ng Steemit Philippines . Sana nasa mabuting kalagayan po tayo kahit na nakaharap po tayo ng crisis dahil sa pandemic na ito.

Ito po yung una kung blog mula ng ma verify po ako sa steemit Philippines.
Nais ko lang po i share sa inyo ang isang puno ng apple na nakita ko dito sa japan.

IMG_20190721_150455.jpg

Noong nasa pilipinas pa ako, lagi ko ng nakikita sa mga post nila sa facebook na napakagandang puno ng apple, kaya sabi ko sa sarili ko sana ako din maka pag picture dyan. Kaya ng binigyan ako ng chance na makapunta dito para makapagtrabaho ang saya ko dahil maliban sa pangarap ko talaga maka pag abroad, makikita ko na ang napakagandang lugar.
Kaya pagdating ko tamang tama na mumunga na yong apple kaya agad kong pinuntahan at nagpa picture.

IMG_20190721_145602.JPG
.
Nakakatuwa tingnan kasi mula pag ka bata hindi pa ako nakakita ng puno ng apple.
Screenshot_20210908_181219.jpg

Kaya naman tinikman ko dahil sa totoo lang hindi pa ako nakakain ng green apple. Kahit medyo ma asim asim pa kinain ko talaga.
Ito po yung una at napaka gandang experience ko dito sa japan.

Sana natuwa rin po kayo katulad ko.
Maraming salamat sa lahat ng sumoporta at susuporta pa.

God bless po sa lahat

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Diary Game Contest Rule

Diary Game Contest with new Rule Added

God Bless po!!!

 3 years ago 

kagagmay pa ana..😂

 3 years ago 

Oi green apple! Hindi pa din ako nakakita ng apple tree sa personal sa pictures lang.

Enjoy eating apples sis!

 3 years ago 

Yes, nakaka mangha talaga

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 67879.12
ETH 3787.66
USDT 1.00
SBD 3.46