Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| September 24, 2022|| "Old Port Travel"

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

png_20220924_183512_0000.png

Edited By: Canva Application
Magandang gabi sa ating lahat mga ka-steemians.
Isa na namang puno ng kasiyahan na araw ang nararanasan ko ngayong araw na ito. Kanina ay napag-isipan kong gumala sa mga magagandang lugar malapit dito sa amin. May isang lugar dito sa amin na gusto ko talagang puntahan at curious ako kong ano ang nasa loob ng lugar. Kaya kanina ay nalakas loob akong pumunta para tuklasan ang mga magagandang lugar o bagay na nandoon. Tara, samahan nyo ako sa aking paglalakbay sa isa sa mga magagandang puntahan lalo na kapag may sunset at ito ay ang Lumang pantalan ng PGMC sa lungsod ng Manticao, Misamis Oriental.

IMG20220924144822.jpg

Ito ang labasan ng naturang lugar kong saan nagsisilbing entrance din ito sa mga taong gustong pumasok sa lugar. Napakakapal ng mga damo sa lugar at sa katunayan, dito pinapastol ang mga hayop gaya ng mga baka. Ito ay parte rin ng PGMC o Philippine Group Metal Corporation. Dito pinapasokang kanilang produkto at inilagay sa mga barko. Medyo mababato ang lugar dahil dito inilagay ang mga sementong kinuha sa mga lubak na mga daan lalo na kapag papalitan ang lubak na kalsada.

IMG20220924144849.jpg

Sa halagang 10 Pesos, ay makakapasok ka na sa lugar na ito. Ang mga bataang nagbabantay dito at ayun sa may-ari ng lupa na nakakabili dito, dapat magbabayad ng 10 pesos para sa mga gustong papasok sa lugar. Isa itong pribadong lugar kaya ang lahat ng lugar ay puro nakabakod. Walang time limitations kapag nakapasok ka na.

IMG20220924145028.jpg

Pagpasok ko sa loob ng pribadong lugar ay nakita ko itong lumang-luma na struktura ng planta. Ito ang dating opisina ng pabrika at dito nagsasagawa ng mga pagpirma ng mga papeles para may otoridad na mag-angkat o di kaya ay magbenta sa ibang lugar. Pero sa maraming taon ang dumaan at dahil naabandona na ang lugar ay naging masukal na ito at napapaligutan ng maraming punong-kahoy. Unti-unti nang nawasak ang mga pader nito at ang lugar ay nilamon na ng mga punong-kahoy at mga nagtataasang mga damo.

IMG20220924145016.jpg

Hindi agad tayo makakarating sa dalampasigan, kinakailangan pang maglakad ng ilang metro bago makarating malapit sa dagat. Hindi naman mahirap dumaan dito dahil maluwag at hindi na madamo ang mismong daanan ng tao. May mga motorsiklo din ang dumadaan dito lalo na sa mga nagplanong magpicnic at mag bonding. Nababalot talaga ng mga damo ang naturang lugar at kadalasang mga halaman ang makikita dito ay Yung mga halamang may mga tinik at tinatawag namin itong Bulonsiri.

IMG20220924145243.jpg

Pagdating ko sa dalampasigan ay ito ang nakita ko. Napakagandang dalampasigan at ang lugar ay maraming mga bato gaya ng slog. Isang uri ng matutulis na mga bato. Makikita dito sa lugar ang malawak na karagatan. Swerte naman ako at hindi umulan at napansin ko na marami palang mga tao ang naliligo dito.

IMG20220924145237.jpg

Ang dalampasigan ay may maraming mga maliliit at malalaking bato. Kadalasan sa mga ito ay ang tinatawag namimh slog. Malapit sa lugar na ito, matatagpuan din ang tinatawag naming bukana. Ang lugar na ito ay dating pantalan at dahil napabayaan na kaya ipinagbili rin sa Iba.

Ang dating pantalan ay napalitan na ng tahimik at masukal na damo. May mga nakita rin ako kanina na nagsisipagligo malalim kasi ang tubig kaya masarap talagang magligo.

images(2).jpg

Malilibang talaga ako lalo na yung ganda ng lugar. Maraming magsisipagselfie dito lalo na yung mula pa sa malalayong lugar. Bago ko tatapusin ang talaarawan ko ay nais kong imbitahan sina ate @amayphin, ate @jurich60 at @jessmcwhite

Ang 25% mula sa payout kong ito ay ibabahagi kay @null.
Sort:  
 2 years ago 

Kudos! maganda lagi ang iyong mga articles, very informative

 2 years ago 

Salamat po.. 😊😊