Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| September 26, 2022|| "Ang Sitwasyon Sa Dalampasigan"

in Steemit Philippines2 years ago

png_20220926_180649_0000.png

Edited By: Canva Application
Magandang gabi sa ating lahat. Halos boung bansa ang nakakaranas ng masasamang panahon dulot ng bagyong Karding. Napaulat na naging super typhoon na ito at humihigop ng hangain at ulap mula sa habagatang deriksyon. Dahil dito, hindi talaga makakaligtas ang lugar malapit sa dagat. Ito kasi ang unang maapektohan ng mga malalakas na alon at hangin na nagdudulot ng matinding pagkawasak sa mga pananim malapit sa mga baybaying dagat. Kagabi pa lang ay nakararanas na ng malakas na hangin sa mga lugar kong saan malapit sa dagat. Isa na dito ang Barangay Calangahan na matatagpuan sa lungsod ng Lugait sa Misamis Oriental. Nagpasya akong pumunta sa naturang lugar para tingnan ang naging epekto ng nakaraang malakas na hangin at alon.

IMG20220926173228.jpg

Pagdating ko doon ay ito ang tumambad sa akin, isang malaking tambak ng basura na nagmula pa sa karatig na lugar. Dahil sa malalakas na alon kaya natangay ang mga basura dito sa lugar. Mga plastics, mga kahoy at iba pang mga basura ang napunta sa dalampasigan. Ayun sa mga Barangay Officials, magsasagawa sila ng clean up drive activity kapag huhupa na ang malakas na hangin at alon. Epekto kasi ito ng bagyong Karding na humahatak ng hangin at ulap. Siguradong malakihang paglilinis ang magaganap nito dahil sa mga maraming basura dito.

IMG20220926173053.jpg

Hanggang ngayon ay malakas at malalaki pa rin ang mga alon na siyang nagdadala ng mga basura sa dalampasigan. Maiingay ang lugar dahil sa tubig na bumabangga sa mga malalaking bato dito sa dalampasigan.

IMG20220926172855.jpg

Makikita sa larawan na kuha ko ang ang napakalaking ulap mula sa malalayong lugar. Siguro sa lugar kong saan naroon ang mga ulap ay tiyak may malakas na pag-ulan o masungit ang panahon dito. Pero kahit ganito ang kalagayan ng lugar, maganda pa rin dito lalo na sa mga ulap at araw na palubog na.

IMG20220926173536.jpg

Habang nasa kalagitnaan ako sa aking paglalakbay ay napansin ko itong tao na abalang-abala sa paghahanap ng mga tulya. Simula nang dumating ako dito ay napansin ko na siya sa may kalayuan na parang may hinahanap sa mga bato. Kaya nilapitan ko talaga ang tao at nagtanung kong ano ang kanyang hinahanap. Mga tulya o kinhason kong tawagin namin dito. Aniya, makikita lang daw ito sa mga malalaking bato o di kaya ay sa ilalim ng buhangin. Malalaman lang daw kapag meron kong may buhangin na nakaumbok sa ibabaw.

IMG20220926173602.jpg

Tiningnan ko ang mga nakuha niyang mga kabebe o tulya at lubos akong namangha sa aking nakita, puro malalaki ang kanyang nakuha at aniya, libre na ang kanilang ulam sa hapunan. Kahit medyo masungit ang karagatan ay may mga tao ang pumupunta pa rin para manghuli at maghanap ng pwedeng mauulam. Sagana ang Barangay Calangahan sa ganitong uri ng pagkain, mga alimasag, tulya, kabebe, isda, hipon at pati na rin ang mga seaweeds kong tawagin.

IMG20220926173419.jpg

Sa di kalayuan naman ay nakita ko itong mga tao na buhat-buhat ang isang bangka at inilagay nila sa mataas na lugar para hindi abutan ng alon. Malalaki at malalakas kasi ang alon kaya napag-isipan nila na buhatin ito at ilagay sa mataas na lugar. Nakikita sa kanila ang pagbabayanihan o pagtutulungan ng bawat isa. Isa itong magandang kaugalian nating mga pinoy ang magdadamayan at magtutulungan sa lahat ng gawain. Lubos akong namangha sa aking nakita at parang hindi sila nabigatan sa kanilang pinapasan na bangka.

IMG20220926172816.jpg

Nagtapos ang aking paglalakbay ng matagumpay. Medyo nalulungkot lang ako dahil sa sitwasyon ng lugar kong saan maraming mga basurang nakatambak sa gilid ng dalampasigan. Ang dating malinis na lugar, ay napalitan ng marumi pero hindi pa huli ang lahat, maibabalik din sa dati ang kagandahan ng lugar sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat residente.

images(2).jpg

Bago ko tatapusin ang talaarawan ko para sa gabing ito ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite dito sa steemit Philippines diary game season 3. Ang 25% na payout mula sa post kong ito ay mapupunta sa @null.

IMG_20220922_191546.jpg

Sort:  

TEAM 4 CURATORS

Congratulations!
This post has been upvoted through steemcurator07.
We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @nadeesew

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

Hmm mabuti kahit masungit ang panahon may makuha pa ang mga tao pang ulam basta mag sipag lang at least di na gagagatos libre na.

 2 years ago 

Tama ka ate.. Nagpapasalamat din sila dahil sagana sa pang ulam ang lugar nila.

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by Blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

Visit our Discord - Visita nuestro Discord

 2 years ago 

Nahugaw na pod but still naay mga beauty behind 😊

 2 years ago 

Yes naa. Ang Local Government naghimu na aksyon para malimpyo ang lugar.

 2 years ago 

Maganda pala ang dagat dyan sa inyo.

 2 years ago 

Opo. Kaya maraming magsisipuntahan dito. Maraming salamat sa pagbisita sa aking post..