Ang pagpasok ni typhoon odette sa aming lugar at Ang epekto nito

in Steemit Philippines3 years ago

Hello Po sa inyong lahat kamusta na Po kayo? Sana Po ay nasa mabuti kayong kalagayan ngayon at Sana naman ay malakas at malusog kayo. Matagal tagal narin Ako Hindi nakapost dito nawalan Kasi ng signal dito sa lakbayan sa Lapu lapu dahil sa dulot ni bagyong odette. Nawalan din ng tubig at kuryente dahil napakaraming nasirang mga poste dito sa Amin.

IMG20211217053533.jpg

December 16,2021

First time ko makaranas nang ganito di ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon akala ko si virus lang Ang magiging problemahin ko Hindi Pala, dahil may mas Malala pa sa virus Ang dadarating o papasok sa Buhay ko. Napakabigat sa dibdib na Makita ko Ang bahay ko na ganito nalang, tila parang nawalan ng laman Yung utak ko nang Makita ko Ang bahay ko, napakalakas ng bagyong odette napakaraming bahay nasisira ng dahil sa typhoon.

IMG20211217053656.jpg

Buti na lamang ay agad ko dinala sa safe Yung dalawa kong anak Kaso nga lang Ako, Ang husband ko at Ang panganay kong anak Ang natira sa bahay namin akmang lalabas kami upang pumunta sa safe na Lugar ay biglang humangin ng napakalakas at umulan ng napakalakas kaya agad namin sinara Ang pintuan at nanatili na lamang kami sa aming bahay, hanggang sa nasira na Ang aming kwarto Yung kwarto Kasi Ang unang nasira kaya agad kaming pumasok sa Cr para maprotektahan namin Ang Sarili namin, abot hanggang langit Ang dasal namin na Sana ay magiging ayos Ang lahat, hanggang sa unting unti na tumutulo Ang Aking luha na nakita ko Yung atop namin sa Cr ay unting unti nadin nasisira, Yung mga kapit bahay namin ay tinatawag na kami para madala sa safe na Lugar pero Hindi kami makalabas dahil Ang daming atop na nagsililiparan kaya nanatili na lamang kami sa Cr, Todo ako nagdasal na Sana Hindi mabali Yung punong sambag sa aming likuran.

IMG20211217053500.jpg

Ang daming damage na dulot ni bagyong odette labis Ako nagpapasalamat sa diyos dahil Hindi niya kami pinabayaan, safe na safe kami dahil di kami pinabayaan ng diyos. Kahit sirang sira na Ang aming tahanan Ang mahalaga ay nasa maayos kaming kalagayan kaya thank you Lord dahil di mo kami pinabayaan.

Hanggang dito na lamang at maraming salamat

By; @melinjane