A Pilipino Poetry: Sariling Kalungkutan
Lihim man ang aking pagiging ako
Sa harapan ninyo ako'y totoo
Nakatawa man o malungkot ang mukhang ito
Pero totoo ako, hindi nga lang perpekto
Bawat pagkakamali aking napagtanto
Tanong sa sarili, bakit ba ako ganito?
Minsan iniisip, sadya ba'ng ganito
Ang Lupit ng mundo na s'yang iniikotan ko
Napaluha nalang sa isang sulok
Ramdam ang hamon na tumutusok
Sa puso ko'y nagdulot ng sobrang kirot
Hindi kayang alisin ng simpleng gamot
Ginawa ko lahat sa aking makakaya
Gustong ibigay upang kayo'y mapasaya
Ngunit sa di inaasahang paanyaya
Biglang nawala pati pagtitiwala
Tanggap ko man, hindi ako perpekto
Mahalin sana ako ng totoo at buong-buo
Sapagka't ito'y aking inaasam ng buong puso
Tanggapin ako bilang isang ako
Hiniling ko nalang na sana magwakas na
Na sa pag-gising ko, lahat tapos na
Pagkakamaling sana maaayos pa
Na sana ang bukas may bagong umaga