The Diary Game Season 3, Week 18 | September 10, 2021 | 10% to @steemitphcurator | Ang request ng aking mga anak
Magandang araw Steemit Philippines!
Kumusta po ang lahat? Sana ay ligtas at healthy po kayo. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking ganap ngayong araw at bilang entry ko sa contest.
Noong nakaraang buwan, bumisita ang aking kapatid at mama galing probinsya at dahil minsan nalang sila makapunta dito sa amin, dito sila natutulog at kinabukasan ang kanilang uwi. Ilang oras bago sila uuwing probinsya, ang kapatid at ang kanyang asawa ay may lakad at pagbalik nila sa bahay namin may dala silang pang meryenda. J.Co Donut ang dala nila at sobrang saya ng mga anak. Ngayon lang kasi sila nakatikim ng J.Co Donut at sobrang nasasarapan sila dahil hindi raw matamis hindi katulad ng ibang donut na napakatamis. So ayon nga, dahil marami kami kaya tig-iisang piraso lang kami at nakukulangan ang mga bata. Sinabi namin ng asawa ko sa kanila na kapag may konting extra na pera bibilhan namin sila.
Kanina, dahil walang kaming trabaho naisipan naming mag-asawa na pumunta sa drug store malapit sa SM City para bumili ng vitamins ko dahil nauubusan na ako. Doon lang kasi sa drug store na yon ang may tinda ng ganoong vitamins. At pupunta narin kami sa SM City para bibili ng J.Co Donut. Hindi namin sinasabi sa mga bata dahil nais namin silang surpresahin. Sa unang bridge kami dumaan ng asawa ko dahil sa ikalawang bridge ay sobrang ma-traffic. Traffic din naman sa unang bridge pero hindi masyado.
Pagdating namin sa chinese drug store ay tambay muna ng konti sa labas dahil limited ang papapasukin sa loob. At nang makapasok na ako ay agad bumili ng vitamins ko.
Pagkatapos namin sa drug store ay dumiretso na kami sa SM City. Pagpasok namin nilibot pa namin ang SM kasi hindi namin alam mag-asawa kong anong floor ang J.Co Donut. At nung nakita na namin agad akong pumila. Mahaba-haba ang pila sa bumibili ng J.Co donut, may makakapasok lang na isa pag may tapos na sa kanilang order kong baga limited lang din ang makakapasok dahil sa sitwasyon ngayon (pandemya). Siguro mga siyam o sampu lang ang pwede sa loob na kustomer at pag may lumabas na o tapos na sa kanyang order saka pa sila magpapapasok. Tatlo o apat ang nasa unahan para mamili ng kanilang order at anim naman ang naka-upo para hintayin yong turn para tawagin ng staff pagtapos na ang nasa unahan.
At nang ako na turn ko na, hindi muna ako pinapapasok ng guard dahil may pipil-apan pang form. At pagkatapos kong mag fill-up, umupo muna ako dahil may nag-oorder pa. Uurong lang kami sa upoan pag tapos ng umorder sa nauna sa amin.
Ang presyo ng J.Co Donut ay nasa Php255.00 ang kalahating dosena, Php405.00 ang isang dosena at Php660.00 para sa dalawang dosena. Mag se-serve din sila ng drinks gaya ng Espresso & Coffee, Affogato, Chocolate & Tea, Coffee Jelly Series at mga Frappe.
Nag-order lang ako ng isang dosenang donut sa halagang Php405.00. At pag-uwi namin ng bahay sobrang saya ng mga anak ko dahil hindi nila inaasahan na bibili kami ng pang meryenda na gusto uli nilang matikman. Ang sabi lang kasi namin sa kanila na bibili lang kami ng vitamins ko, yon pala bibili din kami ng J.Co. Wala nga lang drinks pero kontento na sila sa donut kasi ang sarap raw.
Sobrang saya ko rin na masaya ang mga anak ko kahit sa simpling paraan lang napapasaya namin sila. Sa susunod sana madamihan na namin at sana may kasama ng drinks.
Hanggang dito nalang po. Salamat po sa oras at sa pagbisita sa post ko. Sa uulitin.
God bless po sa inyong lahat at more power!
Nais ko pong imbitahan ang mga kaibigan ko na sina @marlon82, @richel at @reyarobo na sumali sa contest na ito.
Always,
@momshie85
Masarap talaga sya
Sobra. Sa uulitin @marlon82
Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.
Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.
New Diary Game Contest Rule
Diary Game Contest with new Rule Added
God Bless po!!!
Maraming salamat po sa impormasyon.
Also my favorite too. 😊
Thank you for dropping by.
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Thank you po