BEST FRIEND

in #teardrops7 years ago (edited)

Paano kayo magkukulitan ng matalik nyong kaibigan?
Kami kasi halos kambal tuko na. Marami nang naipon na magagandang bagay mula pa noon, naging saksi sa kahinaan ng bawat isa, alam na ang mga sekretong pilit na kinukubli mo sa lahat ng tao.
Kasabay sa pag'abot ng pangarap. Kahit pamang sabihin natin na ako ay taga Leyte at sya naman ay nasa koronadal, ang layo kaya non! Walang pamasahe 😂
IMG20180520201022.jpg

Dumating sa puntong kailangan kong may makapitan at masandalan dahil sa away ng pamilya ko. Akala ko walang tutulong sa akin eh, pero hindi sya ganon, pumunta ako sa lugar nila kahit ang layo 😂. "Bahala na si batman " ang iniisip ko kasi noon ay puro terurista ang taga Mindanao, baka maging bala ako ng kanyon. 😂. Pero napagtanto ko na mali pala ako. Tinuring akong anak ng mga magulang nya at kapatid ng mga kapatid nya. Sinasama nya ako para maghanap ng trabaho kaya heto ako ngayon teacher na, sya andon! Sa hospital, nagpapagaling sa bone cancer nya. 😭iniwan nya ako.
Nakakaiyak kaya. 😭
Hindi lahat nabiyayaan ng kaibigan na kaya kang alagaan at arugain kahit wala kang pera, walang kapalit na hinihingi.
Pero bakit kaya ganoon? Ang ganda-ganda na ng lahat eh, minsan naisip ko ang daya ng panahon. Tsk! 😒
Wala akong kapatid na babae ngunit pakiramdam ko meron na ako....😂 kapatid tinutukoy ko ha, hindi yong "anu "baka green minded kayo.
Matanong ko nga- Sino yong kaibigan nyo na walang paki'alam sa baho ng utot nya? Minsan pa pinapaamoy pa talaga sayo 😆. Or yung kainigan na ang aga'aga hihingaan ka nya! Yuck! Haha 😂minsan nakakaasar na, aminin! Pero pano ba yan nong nawala sya na miss ko sya, haloskalahati ng pagkatao ko ang nadurog. Ghaaad....! Halos di na ako matigil sa kakaiyak. Dati rati kasi sya ang napgapapatahan sa akin, ngayon? All by myself...
Dati ang dami nyang pabaon pag umaalis ako ng bahay at may kasamang kaibigan.Minsan talaga napagsabihan ko sya, "para kang tatandang dalaga koy, (koy means parekoy) daig mo pa nanay ko, nanay ko nga gusto ako palabasin ikaw, pwede naman kaso dami pang pabaon. "
Pero lahat ng yon di naman big deal sa amin, kasi alam namin pareho na kapakanan lang ang iniisip ng bawat isa sa amin, minsan ang sinasabi nya sa akin sinasabi ko rin sa kanya, copy paste ba. 😆Pero sagot nya?
"wag kang ano... Sa simbahan lang ako, pambihira kasi catholic ka at Baptist ako. "Hahahaha😁😂
Paano ba naman kasi, di naman sya palalabas, at kung lalabas man, sinasama ako.
Para sa kaalaman ng lahat pareho kaming ipimanganak noon 1995 December. Pareto din kaming muntik mamatay, sumabay ata ang pag putok ng mga paputok at panubigan ng inay namin.
Wala tong halong biro ha, totoo to.
Kaya kayo kung may ganito kayong kaibigan, alagaan nyo ang bawat isa.
Kasi ako? Ewan, inaantay ko paggaling nya.
IMG20180520200901.jpg

Sort:  

The strongest feelings —