A Right Place For Calling a Help: Steemit

in Steemit Philippines2 years ago

We can't really predict the journey of our life. Ups and down sometimes may occur in unexpected. But the worst thing in reality was accept the circumstances. And move on then go forward no matter what...

20220602_130146.jpg

Gaano ka man ka ingat sa iyong kalusugan. Darating at darating din talaga ang hindi ina-asahan. Mga karamdaman na hindi sinasadya. Kung baga hereditary at kusang namamana...

20220602_130046.jpg

Akala ko ay simpleng LBM lang. Pero ng kunan na ako ng sample at ma laboratory. At ma examine ang aking mga dumi. Ay nakita na may mga crystal stone sa aking pantog. Yan talaga ang aking pinagtaka dahil mahilig naman akong uminom ng maraming tubig. At magbawas ng nasa tamang oras...

20220602_195401_mfnr.jpg

20220602_111743.jpg

Dahil kanina lang ay pumunta kami ng aking asawa sa ospital. Dahil nag LBM ako ng halos tatlong araw. Kaya nakapag desisyon na kami na magpasuri na sa doktor...

Labag man sa aking kalooban na i cash-out ang natitira kung steem rewards. Pero mas mabuti siguro na unahin ko muna ang aking sarili "Health is Wealth" kung baga...

Medyo kapus din talaga sa pinansyal. Kaya na naisipan kung gamitin ang natitira kung steem. Para sa mga pangtustos sa aking laboratory...

Nung una'y akala koy LBM lang. At na shock na lang kami ng aking asawa ng nag request ang nars ng dextrose para ako ay ma dextrose. Kailangan pa ba akong ma dextrose? Yan ang sabi ko. At sabi ng nars ay kailangan sir...

At nag request din ng cbc, urine, stool, potassium at sodium. At may karagdagang pang request ang prostate ultrasound. Yan ang hindi pa namin na sumite dahil kapus na sa pera. Sakto lang kasi ang pera namin para pang examine. Medyo may kamahalan kasi ang prostate ultrasound...

Kaya dito na kami nagtaka ng aking asawa bakit may prostate ultrasound. Dahil meron daw mga crystals na nadetect sa aking pantog. At sabi ng doktor meron ba akong mga kamag-anak na may bato. Sabi ko meron at sabi ng doktor kaya pala. At may pinag mamanahan daw ako na karamdaman...

Sabi ko sarili, ay tanggapin ang katotohanan. At patuloy pa rin sa buhay. Wala na akong magagawa at nandyan na yan. Buti na ito at maagapan pa habang maaga pa. At hindi pa masyadong malala...

Importante ay nadiskubre agad. At mabigyan kaagad ng gamot. Medyo may kamahalan ang gamot pero sikapin talaga sa sarili. Na malunasan ang mga crystals na nakikita sa aking pantog...

Siguro'y sa susunod na mga araw pag makahiram na ng pera para pang ultrasound at pangbili ng gamot. Ay babalik kaagad kami sa ospital.

At higit sa lahat kusang loob ko itong ipinagkatiwala sa ating Maykapal...

Maraming Salamat Po...

Natz04...

Sort:  
 2 years ago 

Get well soon bro, always pray lang po na mawawala yang mga crystal stones mo sa pantog po. God Bless you.

 2 years ago 

Daghang salamat brad. Siya rajud ang atong madangpan sa tanan.

 2 years ago 

ganun talaga ang buhay sir... kahit na maingat tayo, di padin natin talaga makokontrol lahat.. mabuti at naagapan ng maaga yan sir..health is wealth po talaga.. God bless and get well soon!

 2 years ago 

Daghang salamat maam..

 2 years ago 

Get well soon sir.

 2 years ago 

Salamat..

 2 years ago 

praying for your fast recovery sir.

 2 years ago 

Salamat kaayo maam..

 2 years ago 

Praying for healing miracle sayo bro @natz04 just believe to Jesus Christ your healing source ....

 2 years ago 

Daghan kaayong salamat brad..

 2 years ago 

Get well soon, Bro. God speed.

 2 years ago 

Thank you po maam..

 2 years ago 

I 🙏 for your healing my friend. Sana maging okay kana.

 2 years ago 

Daghang kaayong salamat friend.