Club5050: Vitamin Sea | Summer Outing With Love Ones

in Steemit Philippines3 years ago

Holy Thursday po,

Talagang summer na, masarap lumangoy, magtampisaw at magbabad sa tubig dagat. Gumugol ng kalidad na mga oras kasama ang mga mahal sa buhay. Kung gaano kahalaga ang oras para sa pamilya. At pumunta sa mga pampublikong dalampasigan at magsaya kasama sila. Magpalamig, magpahinga at magsaya kasama ang buong pamilya.

20220314_090717.jpg

At dahil Semana Santa, kaya nakabakasyon ulit kaming buong pamilya sa aming probinsya. Gumising kami ng maaga at inihahanda ang mga sarili sa pagpunta sa pampublikong dalampasigan malapit sa amin. Gusto kasi ng mga anak ko na maligo at lumangoy sa tubig alat. At sanabihan ko sila, na dapat maaga tayong maghanda para sa ating pagkaing dadalhin sa dalampasigan.

20220414_132807.jpg

Ang aking asawa at ang aking kapatid na babae ang naghanda ng mga simpleng pagkain. Pinagtulungan nilang lutuin ang mga pagkaing ito upang madali itong matapos. Samantalang ako ang naghanda sa inihaw na isdang bangus. Para dadalhin ang mga ito at pupunta kaagad sa dalampasigan dahil pareho na silang lahat at sabik na ng maligo sa dagat.

20220414_195725.jpg

Tapos doon sa dalampasigan, sobrang saya ng mga anak ko at ng kanilang pinsan. Sa pagtampisaw at paglangoy sa tubig dagat. Para bang mga ibon na malayang nakalabas sa kanilang mga hawla. Sabik na sabik silang maligo sa tubig dagat. Dahil sa pandemyang ito, matagal na silang hindi nakalabas ng bahay. Talagang sinasamantala nila ang pagkakataong maligo sa tubig dagat. Tinatamasa ang kagandahan ng inang kalikasan na ibinigay sa atin ng Diyos.

20220414_132845.jpg

Nakita ko talaga ang mga ngiti sa kanilang mga mukha. Ang saya-saya na kadalasang nararamdaman ng bata. Tumakbo, tumalon, lumangoy, sumigaw na talagang nakakatuwang pagmasdan. Hindi ko man maipaliwanag ang saya na naramdaman ko. Pero kitang-kita ko talaga sa kanilang mga mukha ang kasiyahan. Ang saya talagang nilang tingnan na malayang naglalaro at lumalangoy sa tubig dagat.

20220314_090412.jpg

Walang anumang tunay na oras kaysa sa paglaan ng kalidad na oras sa pagbubuklod ng pamilya. Na inukit na ang masaya at di malilimutang sandali. Dahil ito na ay nasa iyong puso at isipan man. Gayunpaman hindi ang ganitong panahon ng pandemya. Para ito ang maging hadlang upang makamit ang tunay na kaligayahan. Lalo na't para sa kaligayahan ng mga mahal sa buhay. Ang iyong ama, ina, kapatid, asawa't mga anak. Gagawin talaga ang lahat para maging masaya ang buong pamilya.

At hanggang dito na lang po. Maraming salamat po.

Gumagalang,
natz04

Sort:  
 3 years ago 

Napaka enjoy niyo naman po! God Bless!

 3 years ago 

Opo, enjoy na enjoy talaga ang mga bata. Maraming salamat. God bless din.

 3 years ago 

Oi kalingaw nila oi!! summer na summer na gyud sir!

 3 years ago 

Lingaw jud kaayo mga bata maam. Salamat sa pagbisita.

 3 years ago 

ang ganda ng dagat.. buti walay mga katol katol diha...a day well spent!

 3 years ago 

Hello maam, thank you. Wa man sad jud pud nuon mi naka experience ug mga katol2x diri maam.

 3 years ago 

Sana all maka bakasyon pag my time.... Enjoy the summer vacation @natz04...

 3 years ago 

Balik nag post sa steemit @reyarobo