Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan..

in #wordchallenge6 years ago (edited)

"Tagpuan"

Ako'y naglalakad pauwi sa aking tahanan,
Napaisip akong bigla nang sa parke ay mapadaan.
Ako'y napatulala sa mga batang naghahabulan,
Isip ay lumipad ikaw kaya'y nasaan?

Sinong makakalimot sa ating pinagdaanan,
Panahong kahit sa sorbetes tayo'y nagtatawanan.
Duyan na paborito habang tayo'y nagkekwentuhan,
Buong palaruan puno ng ating halakhakan.

Di mawala ngiti tuwing aking maaalala,
Hawak kamay naglalakad habang nakapaligid sila.
Rosas na mapupula marahang binabato nila,
Palakpakan at ngiti habang sila'y kumakanta.

This-adorable-5-year-old-girl-asked-for-to-marry-with-her-best-friend-before-a-complicated-surgery-5a056c3002727__880-1.jpg
Pinang-galingan ng Litrato

Narating ang gitna saya'y walang pagsidlan,
Kasal kasalan ng ating mga murang isipan
Kapit sa isa't isa'y hindi mapipigilan
Di maiwawaksi ang mga nararamdaman.

Ako'y napapitlag sa isang businang malakas,
Nagising ang diwa sa ilaw ng nasa harap.
Sasakyang kulay asul pintua'y bumukas,
Lalong napatulala sa sumunod na nakita.

Tinitigan kong maigi nasa harap na mukha,
Di makapaniwala sa aking nakikita.
Ikaw na nga ba iyan na aking kababata?
Yung lalaking inibig at puso'y pinagluksa.

soph0-600x398.jpg
Pinang-galingan ng Litrato

Sinong mag aakala na nilaro tayo ng tadhana,
Lugar na huling nagsama doon din pala muling magkikita.
Palaruan at taguan noong ating kabataan,
Ngayo'y naging tagpuan ng ating pagmamahalan.

Luha'y pinipigilan muli kitang nasumpungan!
Panginoon sana ngayon po ay wala nang katapusan..
Yung anim na gulang na batang aki'y minahal,
Sya paring natatangi ng puso't pinagdarasal.

Mahigpit na yakap gumising saking pagdarasal,
"Mahal kita" bulong ng dati'y kalaro ko sa kasal.
Sampung taon ang nakaraan sa pag ibig walang nabawas.
Di napagod mag hintay kahit ilang libong oras ang lumipas.

7R1B6586-Edit-800x534.jpg
Pinang-galingan ng Litrato

Tagpuang parke ang naging saksi,
Sa pangakong pagmamahal ng dalawang bata.
Naging lugar ng sugat, hirap at mga luha,
Siya ring naging saksi ng muli nating pagkikita.

Ngayon tayo'y nandito parin sa duyan na kalawangin,
Tayo'y di na bata kundi anak na natin.
Lugar na kina-lakihan siyang kalalakihan nya rin.
Tagpuan ng pagmamahalan, habang buhay na aangkinin.

image.png

Magandang hapon! Salamat at aking nasumpungan ang patimpalak na ito dahil kay kaibigang @reginecruz haha! Ginoong @jassennessaj, labis nakatutuwa gawan ng tula at istorya itong naisip mo. <3

Sa mga nais sumali bisitahin ito.

Thank you for dropping by!
~ Yhien <3

I am a proud supporter of these awesome communities;
@steemitpowerupph @steemitfamilyph @teardrops @steemph @steemph.manila @gratefulvibes #steemitachievers @steemschool @steemgigger @ulogs @steemitdora @bayanihan

Share some love and let's support our boy @surpassinggoogle by voting @steemgigs as witness.

image.png

Sort:  

Nakakakilabot at nakakamangha ang iyong gawa kabayan@neihyo05.😊 akoy napapangiti habang binabasa ang iyong akda..at tila ba akoy may naalala. Malakas hatak at bagsak ng akda mo. May pag asa na isa sa manalo.😊 Gudluck kabayan!

Wow! Hindi ko inaasahan iyang mababanggit mo.
Pagkat hindi ako sanay lumaban sa mga talastasang ganito.
Gayumpaman, maraming salamat Ginoo!
Tunay na nakagagalak na naibigan mo itong likha ko.
At kung sakali nga na ako'y manalo?
Yun ang kauna unahan na pagka-panalo ko!
Salamat ulit @blessedsteemer. <3

nice yhien , galing!!! sana manalo tayo hahaha:)

Hehehe sana nga po. <3

Mga kaibigan ko napaka husay !!! Tila ba akoy napag iwanan ng mga salitang binitawan! Akoy napanganga sa inyong husay! Mabuhay ka kaibigan. Naway manalo kayo sa patimpalak na ito :)

Hahaha nawa'y mag dilang anghel ka kitty.

Yep maswerte ang aking salita!

@resteemator is a new bot casting votes for its followers. Follow @resteemator and vote this comment to increase your chance to be voted in the future!