Sa Aking Pangungulila at Pag-iisa sa Desyerto

in Steemit Philippines5 years ago (edited)

Magandang araw po sa lahat kong mga mahal na kababayang Filipino. Isalawat ko po ang nasa damdamin ko at tagos sa buto na pag-iisip.


Pangungulila at Pag-iisa

Muli kong binalikan sa aking isipan
Sa oras na asawa at anak aking naiwan
Sa bansang Pilipinas aking nilisan
Sa Diyerte ako nangingibang bayan
Para sa pamilya ang kapakanan

Lumipas ang dalawang dekadang paglalakbay
Sinisisid ang kahahian ng mga banyaga
Hindi para ako ako'y sumaya
Bagkos naging alila para kumita
Sa marangal na pamamaraan umaasa

Di biro ang aking tadhana
Mga pagsubok sa buhay ay di mabilang
Ngunit sarili ko'y nililibang ko na lamang
Para magkaroon ng sapat na lakas
Labanan ang lahat na pagdadaanan

Sa kabila ng lahat na pagsisikap
Natamasa ko ang bunga ng lupang Arabyano
Napatapos ko mga kapatid ko at anak
Nakatulong pa ako sa kapwa
At ako'y natoto maging matatag at malakas

Kahit ako ay panatag na sa aking kinalalagyan
Dinadalaw pa rin ng kalungkutan
Sa pagtapos ng pag aaral, kapatid at anak
Wala ako sa tabi nila sa pagdiriwang
Kasal ng anak, binyag ng mga apo
Ako ay wala sa piling nila..

Itanong ko po sa inyo? Kaya ba ninyo ang dinadala ko? Luha ang nasa unan ko, pagtulog ko hanggang sa pagising ay di ma alintana
Mapaglaro at ako'y binibiro ng tadhana
Ngunit matapang kong hinaharap
Walang takot,haharapin ang hamon ng buhay

Kaya ko, kaya mo, kaya natin ito dahil tayo tatak Filipino!

Maraming salamat sa bagong kumunidad na Filipino sa Steemit. Sana po ay magkaroon tayo ng supporta galing sa taas na kinaukulan. Nanawagan po ako sa @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator06, @steemcurator08, @booming @steemitblog @steemexclusive na sana po ay magkaroon kami ng supporta para lalo naming mapaunlakan ang aming sinimulan at makatulong kami sa kapwa Filipino. Nais ko pong tayo ay magkskaisa. Buohin muli ang samahan ng mga magsusulat na mga Filipino at ito ay makatulong sa ekonomiya at katayuan ng mga Filipinong naghihirap dahil sa pandemya.

Maraming salamat po Steemians na mga kababayaan and all the steemit community.

Maraming salamat @loloy2020. Inaanyayahan ko po lahat na komunidad Filipino at magkaisa tayo dito sa isang community. Pantay pantay tayo dito.

Ako po ang inyong kaibigan,
@olivia08

Sort:  
 5 years ago 

Maraming Salamat po sa iyong supporta. Sa iyong pangungulila andito lang po kami na ma lalapitan mo. Salamat din po sa paghikayan sa nakakataas. 😇

 5 years ago 

Salamat din sa iyo.

 5 years ago 

laban Nay! andito lang kami.