Tagalog Poetry #04 : “Sana”

in #poetry6 years ago

215CDF67-8676-4D25-9D55-D3BE37B836CB.jpeg

Gusto ko lumipad kasama ka
Ating aabutin ang alapaap na nais makita
Sabay nating hihilingin sa mga tala
Na sana tayo na nga talaga

Kay sarap langhapin ang hangin
Magmula nang dumating ka sa akin
Sa wari ko’y, wala na akong hihilingin
Dahil sa saya’t galak batid ng pagmamahalan natin

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana
Yung akala ko’y akin, pagmamayari pala ng iba
Ngayon, bukambibig ko ang salitang “sana”
Na sana hindi ka na nakilala

Bukas, ang ngayon ay magiging kahapon
Kaya’t alaala ay aking nang ibabaon
Sa lugar na kung saan binigyan mo ako ng pagkakataon
Na maniwala sa pagibig kahit konting panahon

Paano ko na aabutin ang aking hiling
Kung sa pagpikit ng aking mata, nawala ka sa aking piling
Nawa’y magising ako sa aking pagkakahimbing
Upang di na masilayan muli ang iyong pagdating

Pinagkuhanan ng Imahe

Salamat po sa pagbasa.

9539BEF1-6822-4D6C-8937-56851BD2E3EC.jpeg

Sort:  

Naks Manong @oscargabat! 👏🏻 Ang galing! Makatang-makata na talaga... bilib na ako.... ang deep talaga, parang wishing well lang na nakita ko, soooo deep. Galing naman ni Manong oh!!!! Proud Manang here.. 🤗

Haha. Thank you manang @iamqueenlevita. Umilag ka ba? baka natamaan ka kase eh. 😂

Manong @oscargabat hahhahaha luuhhh manong! Chill lang naman ako, read2x lang . Nice yung lines hehehhe lam mo naman trip ko magbasa ng ganito. Hahahah 😂😂😂

Hahaha. Kasi related.😀

Para sa akin po ba ang tulang ito kuya @oscargabat? Nakakakilig naman po masyado.

Kay tagal kitang hinintay
Napawi ang matagal na paglulumbay
Salamat sa komentong iyong ibinigay
Oo nga , sayo ko nga ito inaaalay.😁

Hi lingling-ph. Matagal kitang hindi nakita.

Binaha din po kasi kami dito. At tumutulong po ako kay nanay sa pag-akyat ng mga gamit sa bubong. Mabuti na lang po at nakagawa ng silong si tatay sa aming bubong.

Magiingat kayo dyan. Huwag pabayaan ang sarili. Mahirap magkasakit. Kung may sugat sa paa, mas mabuting wag ng sumulong sa baha. Kung nilalagnat ka, punta ka agad sa malapit na pagamutan. Dasal lang tayo, titila din ito.🙏