Happy FEB-ibig Month

in Steemit Philippines3 years ago

IMG_20220216_161305.jpg
Actually, love is not setted by dates or season but everyday. Hello to steemians at happy feb-ibig naman dyan. Ngayong araw nato, habang masaya akong tinignan ang mga larawan sa gallery bigla akong napatigil at napa-SANAOL nalang ng makita ko ang picture nato. Back then, kumakain kasi kami ng saging sa mga panahong ito sabay asaran kay lola at lolo na subuan sa isa't-isa. "Kaway sa mga magshuta dyan, may nanalo na sa araw ng mga puso akala nyo kayo lang ha". Kung sa mga sosyal ang sinusubo ng mga couple ay mga malasosyal na pagkain, well sa dalawang sweet na lolo at lola ko saging ang labanan. Alam nyo, ang motto ng lolo ay "Bahalag saging basta labing" at ngayon tignan nyo talo ang KATHNIEL at JADINE nadamay pa ang saging tuloy.
Hiyang-hiya naman ako na single dito. Ito tuloy inggit na inggit, but for me no rush. Palusot?? Araw-araw kong nakikita ang pagmamahalan ng lolo at lola ko na kahit panahon sa pandemic the sweetness still on. Paminsan-minsan may tampuhan at away na nangyayari at ang pinakamabunganga sa dalawa ay walang iba kondi si lola. Kaya naman si lolo napapasocial distancing kasi galit pa ang isa. Kapag humina na ang bagyo sa bunganga ni lola ay agad lalapit si lolo at magsaing at maglinis sa bakuran. Para-paraan di ba? Ilang minuto lumipas oh bati na sila.
Sa 50 years na pagsasama nila, masasabi kong "how great our God is", kasi yung pagmamahalan nila without HIM is impossible to survive. Maaaring humina ang mga tuhod nila, sumasakit ang mga likod nito, malabo na ang mga paningin, pinipili na ang kakainin, hirap ng makatulog tuwing gabi at marami ng sakit na dinaramdam pero sa kabila ng pisikal na kahinaan, ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan ay mananatiling HAPPILY EVER AFTER parin ang ending. God bless to my lolo at lola. Sana tumagal pa ang init ng kanilang pagsasama.

Sort:  
 3 years ago 

Booming Support Eligibility

#Club5050 Eligible✅

• Not user of bot✅

• Plagiarism free✅
This post has been recommended for booming support today. Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.
Maraming salamat po🙂