Ikaw ba'y Maganda?

in #life6 years ago (edited)

Maputi. Kayumanggi. Matangos ang ilong. Mahaba ang buhok. Maninipis ang mapupulang labi. Singkit. Mapungay ang mga mata. Mapilantik ang mga pilik. On fleek ang kilay. Maliit ang baywang. Mahugis ang dibdib. Malapad ang balakang. Bilugan ang puwitan. Mahaba ang binti. Matangkad. Balingkinitan.

woman-751235_1280.jpg
Pinagkunan

Maganda ka ba?

O mas magandang tanong: Pasok ka ba sa mga klasipikasyon ng kagandahan?

May isang batang lalaki. Normal lang naman siyang binatilyo kung tutuusin. Pero sumikat siya sa social media dahil ginawang katatawanan ang kaniyang mukha. Ginawang meme kung saan-saan ang mukha niya. Nang may nagbigay ng pagkakataon ay agad siyang um-oo sa facial reconstruction. Para maging katanggap-tanggap sa lipunan ang hitsura niya. Ipinaayos ang ilong para tumangos at numipis, pinagawa ang bibig para maging kissable, pinagamot lahat ng taghiyawat, ang kulay ay pinapusyaw ayon sa kulay na katanggap-tanggap sa mapanghusgang masa. Lahat ng ito para lamang hindi siya magmukhang katawa-tawa.

images (19).jpeg
Pinagkunan

May isa pang binata. Maayos ang pangangatawan. Katanggap-tanggap naman ang hitsura ayon sa pamantayan ng mapanghusgang lipunan. Pero hindi siya kuntento. Nawala siya bigla nang dalawang buwan. Sa muling pagbabalik, ang lahat ay nagulat nang siya ay nakita. Wala siyang ipinabawas o pinaliit, bagkus ay may pinalaki siya. Mahihiya ang mga model ng panlangoy na damit pambabae dahil sa pinagawa niyang malaki ay mayamang hinaharap.

Kanina lamang ay may kakilala akong nawala rin nang dalawang buwan na pagbalik ay ibang tao na. Napakanta na lang ako ng "sampung mga daliri, kamay at paa. Dalawang tenga, dalawang mata..." Dahil ang pinagawa niya ay "ILONG NA MAGANDA."

make-up-1209798_1280.jpg
Pinagkunan

Karamihan ng mga kakilala kong babae ay gumugugol ng ilang oras sa pagpipinta sa mukh. Babawasan ang kilay para numipis at "luminis" at pagkatapos ay guguhitan ang mga ito para makuha ang tamang fleek. Iinom o magpapa-inject ng gluta para lamang pumusyaw at pagkatapos ay lalagyan ng kulay ang pisngi para hindi magmukhang maputla. Kukulayan ang labi at pagmumukhaing manipia kung ito ay makapal at dadagdagan ng hugis kapag masyadong manipis. Ang maliit na mata ay guguhitan din para magmukhang mabilog. Ang mabilog na mata ay pagmumukhaing singkit.

Lahat ng ito ay para lamang masundan kung ano ang pamantayan ng kagandahan nanitinatalaga ng lipunan. Lahat ay sinusubukan para lamang hindi mapag-iwanan sa larangan ng kagandahan. At habang tumatagal nang tumatagal ay tumataas nang tumataas ang pamantayan. At tingin ko ay susubukan at susubukan itong sabayan kalalakihan man o kababaihan. Para hindi mapag-iwanan. Para hindi mapagtawanan.

paint-2990357_1280.jpg
Pinagkunan

Pero ano nga ba ang kagandahan? Ito ba ay kung ano ang kaaya-ayang pagmasdan? Ito ba ay kung ano yung magaang sa pakiramdam? Masasabi bang maganda ka kung ikaw ay hinahangaan sa pisikal mong katangian? O dahil sa linis ng iyong kalooban?

May nabasa ako dati at hanggang ngayon ay naaalala ko pa. Ang tunay na mahalaga ay hindi nakikita ng mata.

Gaano kahalaga sa iyo ang hitsura? Kung talagang naghihirap ang Pinas, bakit may mga nakakayanang gumastos ng malaki para sa pagpapaganda? Gaano kaya ang kinikita ng mga make up artist? Magkano kaya yung pagawa ni bakla ng ilong?

Ikaw? Ano ba ang pamantayan mo ng kagandahan?


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


2123526103.gif

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  
Hello.😊

Congratulations @romeskie, your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.

You may check the post here.


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.


See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

Thank you @bestofph! More power to you guys! :-)

Ang tunay daw na kagandahan ay yong hindi kumukupas. If you are beautiful on the outside, you are blessed. If your beauty is on the inside, then you are a blessing.

Wow! What beautiful words to ponder. We should all be a #blessing rather than be #blessed. :-)

Hi @romeskie, your post will receive 100% upvote from your SteemPH.Manila Family!

SteemPH Manila Daily Featured Posts (July 10, 2018)

This is @steemph.manila's effort to provide additional exposure to budding Steemians who exert effort to make awesome contents.

napakahusay ng pagkakagawa :) para sakin ang kagandahan ay kung ano ang totoong nasa kalooban.

Salamat @judeey03. :-) pareho tayo ng paniniwala. Kaya hindi na ako nag-e-effort mag make up tatanggalin din naman bago matulog. Haha. Advance ako mag-isip.. hahaha

hahahaha. i love your thinking! :)

sa panahon ngayon halos lahat ng tao hindi na kuntento o kaya ay nadadala sa sinasabi ng lipunan. nasaan na ang mga panahon na ang natural at simple ay maganda. at ang mag aasal ang napapansin at hindi and mga panlabas na katangian. :)

Tama ka diyan. Malakas ang peer pressure sa mga panahon ngayon. Kaya mahirap ibalik ang mga makalumang mga gawi.

Maganda po talaga ako. Iyan ang palaging bilin sa akin ni inay. At mas maganda daw po ako sa nanay ko. Iyan naman ang pambobola sa akin ni itay. Pero kahit walang magsabi sa akin, alam ko po na maganda talaga ako inside and out. Almost perfect yata ang beauty ko! 'Di ba sis @romeskie? (wink wink)

Oo naman @lingling-ph. Mahuhumaling ba naman si Henry sa iyo kung hindi? Basta wag lang masyado matakaw para finesse pa rin. Haha


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.