#233 Filipino Poetry: "Ang Dati"
"Ang Dati"
Simulat sapul ang puso'y biglang hinatol
noong ang mga mata nagsing-abot
damdamin ko ay humagulgol
dahil sa ikaw pala ang habol habol
Biglang sumigla ang araw
at ang mga sandal ko
lalo na noong ikaw ay napa oo
nang ikaw ay tinanong ko
Abot langit ang aking kaligayahan
nang tayo ay magkasintahan
para bang isang panaginip
na ayaw ko nang magising
Ang pagmamahal mo ay walang kupas
pag-ibig mo ay wagas
para lang ang dati
ang tamis ay nanatili
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash
Nice poem @themanualbot, the first stanza it sounds funny, but the contents of your poem is true. Naka relate lang ug gamay... hehehe....