#4 Filipino Poetry: "Kaibigan" (PowerUp Poem)steemCreated with Sketch.

5.png
Finally got my Filipino Poetry Banner from @deveerei. Thank you dude! You're one of the best here in steemit. 😎😎

Ito ang pang-apat na tula ko na para inyo at sa steemit lang makikita.

Kaibigan

Nag-iisa sa isang isla,
ngunit nandiyan ka
Humihingi ng tulong,
agad-agad ang tugon.
Umu-asa sa isa't isa,
nagbibigay lakas-pawi ang pangamba!

Sa tagumpay at lumbay,
lage kang sumusuporta
Sa iyong pilosopiya
ikaw ay hinahangaan
Dahil sa makataong paninindigan
at maka-Diyos na kabaitan
Sanay hindi magbago ang
pagiging sino ka
Kung magbago ma'y
sa ikabubuti rin pala.

Nagdaan ang panahon
at ako'y may nabalitaan
Nahulog ka raw sa balong
puno ng kasalanan
Naghihinagpis na puso
at kalooban
Ngayo'y sumisigaw ka ng tulong
na sanay ika'y ibangon
Wag kang mag-alala
at nandito ako handang tumulong

Humawak ka aking kaibigan
Nandito ako para mailigtas ka
sa bingit ng kamatayan
Sama-sama ko ang ibang tao
Nandito kami para sa iyo
Wag mong isipin na ika'y nag-iisa
Dahil ang walang buhay ang buhay
pag wala kang kasama.

Mag-isip ka at magmuni-muni
Na ang mundo ay bilog at umiikot ito
Ang lahat ng taong nandito
ay gusto kang i-angat
Habang ang isipan mo'y
nababaon sa walang kasiguraduhan
Hindi mo na matitikman ang pait
at kalungkutan.

Tayong lahat ngayon
ay magkakaibigan
Magkaibigan na tatagal kailanman
Hanapin mo ang magpapasaya sa iyo
Nandito lang kami,
mga kaibigan mo.

Aalis lang kami, pag
ang buhay ay nasa dulo
Ngunit habang nandito pa,
hindi kami magbabago sa iyo
Nakita ko ang pag-ngiti mo,
indikasyon na kami ay kaibigan mo
at importante para sa iyo.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

"best of time"

Previous Filipino Poetry

Sort:  

Salamat kainbigan. Napakangandang tula ng tunay na pagkakaibigan. Astig din ang banner sir.

Magandang tula. :)

Thank you so much! Glad you like the banner. :D Amazing work on this piece too. I should still post more things in my Tula series.