Burnsteem25|| Club75|| Diary Game Season 3|| March 16,2023|| "River Exploring Activity"

in Steemit Philippines2 years ago

IMG_20230316_190906.jpg

Edited By: Canva Application

Isang mapagpalang umaga sa ating lahat. Napakagandang maglakbay lalo na kapag maganda ang panahon. Kahapon aynaisipan kong maglakbay dito malapit sa aming lugar at dahil malapit lang kami sa ilog ay ito ang pinunterya kong puntahan. Ang ilog ng manticao ay isa sa mga ilog na makikita dito sa polo ng Mindanao. Nagsisilbi din itong hangganan sa pagitan ng dalawang Barangay, ang Poblacion at Paniangan. May malaking ginagampanan ang ilog namin dito at isa na ang nagbibigay ng matabang lupa mula pa sa matataas na bundok at tinatangay pababa. May mga lamang tubig din na makikita dito gaya ng alimasag, hipon, isda at marami pang iba. Dahil sa nagdaang sama ng panahon ay hindi talaga maiiwasan na hindi magkaroon ng landslide o paguho ng lupa, at ito ang una kong pinuntahan. Nangangamba na ang mga residente na baka magpapatuloy pa ang paguho nito at aabot na sa kanilang daanan.

IMG20230313171917.jpg

Hindi talaga maiiwasan ang ganitong sitwasyon sa ilog lalo na kapag malambot ang lupa. Dito sa lugar na ito nagkakaroon ng mga malalaking paguho ng lupa. Ang mga itinanim na mga puno ng Madre de Cacao ay tinangay at nilamon ng tubig baha. Ang puno ng kawayan na ito ay lumubog na rin sa tubig. May mga bahagi ng daan ang nagkakaroon na ng mga bitak kaya pahirapan na ang ang mga malalaking sasakyan na makapasok dito maliban lang sa mga motor o di kaya ay maglakad na lang.

IMG20230313171744.jpg

May mga puno ng niyog ang malapit nang malubog sa tubig. Ang sanhi kasi ng problemang ito ay dito pumupunta ang tubig at ang malakas na agos nito ay dito tumatama. Habang natatamaan ng malalakas na agos ay unti-unti naman nanlalambot ang lupa dahilan na guguho talaga ito at patuloy pang lumalaki at lumalapad. Daanan ng mga tao lugar na ito dati, pero ngayon ay tubig at ilog na ang makikita dito. Kahit anong paraan ang ginagawa nila gaya ng pagtatanim ng mga punong-kahoy at paglalagay ng mga bato sa sako ay wala pa ring silbi.

received_942565060104430.jpeg

Dahil dito, pansamantalang gumawa ng paraan ang lokal na Pamahalaan. Iniba nila ang daanan ng tubig para hindi na tatama sa naturang lugar ang malalakas na agos nito. Isinara nila ang lugar kong saan dumaraan ang malakas na agos at nilaliman ang bagong daanan ng tubig dito.

received_879727836445399.jpeg

Pumunta ako sa ibabang parte ng ilog para matingnan ko ng mabuti ang sitwasyon nito at ito ang tumambad sa akin. Malaking lupa na gumuho. May malaking puno ng kawayan ang nakatanim dito noong una at dahil sa nagdaan sama ng panahon ay natangay na ito ng malalakas na daloy ng tubig baha. Dahil sinara ang daanan ng tubig dito at iniba ang daanan ay sa ngayon ay wala nang tubig sa lugar at hindi na matatamaan ang apektadong lugar na ito.

received_3557034534575034.jpeg

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakbay napansin ko rin itong bagong paguho ng lupa. Malapit lang ito sa kinatatayuan ko kanina habang nasa ibabaw na parte ako ng ilog. Kahit maiinit ang panahon ay patuloy pa rin itong gumuhuho at nanglalambot at ayon sa mga residente dito ay sana masulosyunan ito ng lokal na pamahalaan. Nangangamba kasi sila na baka pagdating ng panahon ay hindi na sila makadaan dito, nagsisilbi kasi itong shortcut ng mga tao dito.

received_200931849216661.jpeg

Ito ang bagong dadaluyan ng tubig sa ilog. Pagkatapos takpan ang dating dinaraanan nito ay naghukay naman sa ibang parte ng lugar para makadaan ang tubig. Naging matagumpay naman sila sa kanilang temporaryong sulosyon at habang wala pang sama ng panahon ay makakatanim naman ng mga residente ng mga punong-kahoy na siyang nagsisilbing panangga sa malalakas na agos ng tubig mula sa ilog.

received_623224046258565.jpeg

Para maayos ang kanilang pagdaan papunta sa ilog lalo na sa gustong maglaba o di kaya ay maligo, nilagyan din ng Lokal n pamahalaan ng daanan kong saan nilalagyan nila ito ng mga bato at buhangin. Nawasak din kasi ang lugar na ito dulot ng nakaraang sama ng panahon at bagyo kaya agad nila itong binigyan ng sulosyon.

received_1693967327699103.jpeg

Ito ang tinatawag naming, Atabay. Kadalasan kumukuha ng tubig ang mga tao dito bilang panggamit sa pagluluto ng pagkain, pagpapakulo ng tubig, panghugas ng plato at pinagkainan at pangligo. Nililimas lang ito para mawala ang kulay brown na tubig. Gumagawa kami ng ganito malapit sa ilog at para hindi mawasak ay nilalagyan namin ng malalaking bato sa gilid nito pati na ang sa boung lugar para mas kaaya-ayang tingnan.

download (3).png

Kahit ganito ang aming sitwasyon ng lugar dito sa aming probinsya ay maituturing din na mahalaga ang aming ilog. Nagbibigay ng mauulam sa araw-araw at panghanap-buhay para sa pamilya. Ang tanging gagawin nalang ay alagaan at mahalin ang kapaligiran habang hindi pa huli ang lahat.

Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa isang talaarawan at ang 25% mula sa post kong ito ay mapupunta sa @null.

Sort:  
 2 years ago 

TEAM 5 CURATORS

This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and with any tags.
Curated by: @chant

 2 years ago 

Thank you very much..