Burnsteem25|| March 21, 2023|| Diary Game Season 3|| "Ang Paglalakbay Ko Sa Zone 9 Poblacion Manticao"

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

IMG20230317145723.jpg

Isang mapagpalang araw sa ating lahat mga ka-steemians, panibagong araw na naman para sa ating lahat at dapat maging produktibo tayo sa araw-araw para makamit natin ang tagumpay sa likod ng lahat ng pagsubok na kinakaharap natin sa buhay. Nakakatuwa at nakakatanggal stress ang maglakbay sa mga magagandang lugar at kadalasan makikita ito sa mga probinsya o sa mga sitio kong saan makikita ang mga ibat-ibang uri ng nagagandahang mga halaman, lugar gaya ng ilog, bundok at marami pang iba. Kanina ay nagpasya akong gumala sa mga magagandang lugar dito malapit sa amin. Umaga pa lang ay naghanda na ako sa mga gamit na dadalhin ko gaya ng cellphone, bag at charger. Ito talaga ang mga pangunhing gamit ang palagi kong dinadala kapag aalis ako.

FB_IMG_16793725725367484.jpg

Kapag mainit ang panahon lalo na ngayong papalapit na ang summer ay lumalabas talaga ang ganitong uri ng mga hayop na tinatawag naming butiti. Magiging palaka ito kapag malaki na sila at nakatira sila sa mga tubig gaya ng ilog at sapa. Kadalasan yung ibang uri nito ay nagtatago sa mga lumot. Nagkakaroon ito sa ilog kapag hindi malakas ang agos ng tubig at kong maliit na ang tubig sa ilog o sa sapa. Nakakaaliwsilang tingnan lalo na kapag lalangoy na sila dahil palagi silang nakasunod sa kasamahan nila.

FB_IMG_16793725768240577.jpg

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakbay ay napansin ko itong isang pugad ng maya. Maganda ang pagkakagawa nito at nakalagay sa damohan malapit sa ilog. Mga tuyong dahon ng kawayan ang ginawang pugad ng ibon at napakaayos ang pagkakagawa nito lalo na ang pormang bilog nito. Lubos akong namangha sa aking nakita at sa pakiwari ko ay mahihirapan talagang mahanap ng iba pang hayop gaya ng ahas ang pugad nito dahil nakatago sa mga damo. Hindi rin ito mababasa ng ulan dahil nakabalot ito ng mga tuyong dahon at maliit lang ng butas na kasya lang ang inahing ibon na papasok sa pugad.

FB_IMG_16793725839793609.jpg

Sinubukan ko ring kumuha ng letrato na pata bang nakahawak sa isang puno ng niyog. Nang tingnan ko ang larawan ay namangha ako dahil parang nakahawak talaga sa puno. Ang pagkuha ng mga larawan ay isa sa mga paborito kong gawin at sa katunayan kinuha na ako bilang taga kuha ng letrato sa paaralan namin. Sakto naman at maganda ang panahon nang ako ay naglakbay malapit dito sa aming lugar kaya makikita talaga ang napakagandang lugar kasama na ang bughaw na langit dulot ng magandang panahon.

FB_IMG_16793725850431434.jpg

Ibabahagi ko rin itong larawan ng isang bahay ng insekto na kong tawagin Namin ay Pasgaw. Ang pasgaw ay isang uri ng insekto na delikado para sa mga tao dahil tumutusok ang suyod nito at mamamaga ang parte ng katawan kong saan tumusok ang suyod ng insektong ito. Kaya iniiwasan ito ng lahat, ang kanyang bahay ay gawa sa lupa at binabasa ito sa pamamagitan ng laway at pinagdidikit sa lugar kong saan gustong manirahan gaya nito sanga ng mangga. Maganda ang pagkakagawa nito dahil sa loob nito ay may dalawang chamber kong saan inilagay ang mga itlog.

FB_IMG_16793726004840566.jpg

Ito naman ang tinatawag naming devil's backbone plant. Ito kasi ang ipinangalan ng ibang tao kaya nakigaya nalang din ako. May magagandang kulay ang halamang ito gay ng yellow green at dark green. Maganda itong pangdekorasyon sa loob o labas ng bahay at maganda ding gawing hanging plant. Madali lang itong patubuin at kadalasang makikita ito sa mga liblib at mababasang lugar gaya ng ilog at sapa. May mg tao namang nagtatanum nito at kinakailangan lang talaga na binyagan tatlong beses sa isang linggo.

FB_IMG_16793726041264375.jpg

Ito ay isang white tiger orchids kong tawagin ng mga tao dito. Kadalasan makikita ito sa mga matataas na lugar gaya ng mga bundok o di kaya ay sa mga kagubatan. Hindi ito tumutubo sa mga maiinit na lugar o yung derektang masisikatan ng araw. Tumutubo ito sa mga malalaking kahoy kaya matatawag din itong parasite plant dahil nabubuhay lang ito sa lugar kong saan ito kumapit at tumubo. Nagtataglay ito ng magagandang puting bulaklak na may kasamang dilaw sa gitna nito. Nasasakop na ito sa tinatawag na endangered species kong saan, bawal talagang patayin o kunin ang mga bulaklak gaya ng orchids.

image.png

Kay gandang maglakbay lalo na kapag maganda ang lugar at maganda ang panahon. Marami tayong makikitang mga kakaibang bagay at mga magagandang bulaklak at makakapagbigay din sa atin ito ng ligaya at mapayapang kaisipan.

Bago ko tatapusin ang talaarawan ko para sa araw na ito ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa isang talaarawan at ang 25% mula sa payout ng post kong ito ay mapupunta sa @null.

Sort:  
Congratulations!
This post has been upvoted through steemcurator07.
We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @loloy2020

TEAM 4 CURATORS

 2 years ago 

Thank you very much for the support.