Bituin - Ang Wakas at Simula ng Kwento II
Isang araw lumiban si Marites sa pagpasok sa klase dahil siya ay tinamaan ng lagnat. Nakuha niya ito noong nagpuyat kami sa isang patimpalak sa kabilang ibayo. Inabot na kami ng umaga dahil sa napaka habang litanya ng mga konsehal at kagawad ng bayan na bagay na ikinainis ng mga miron at kalahok.
Panahon na kasi ng eleksyon, at alam naman natin na kung ito ay nalalapit na lahat ng pagkakataon para maka kalap ng boto ay kanilang gagawin. Bagama't hindi naangkop para sa kaganapan ay wala na din kaming nagawa dahil sa isang bagay. Sila ang pinaka malaking isponsor ng patimpalak.
Naisip naming dalawin si Marites sa kaniyang bahay dahil ganun kaming magkakaibigan at kasalanan ko din naman kung bakit siya nagkasakit kaya't marapat lamang na ako ay bumisita.
Sa daan naisipan naming bumili ng prutas para naman may makain si Marites, sigurado akong panay lugaw nalang ang kaniyang kinakain sa ngayon. Bumili kami ng bayabas at santol na siyang paborito niya at amin na itong ipinabalat kay Aling Charing.
Ngayon parang napansin ko na may kakaibang kinikilos si Luis, parang hindi siya mapakali at parang may gustong sabihin pero hindi ko nalang ito pinansin. Nauna na akong maglakad dahil sa sobrang bagal na niya at gusto ko nading makita si Marites para naman may makausap akong medyo matino.
Hindi pa sementado ang daanan, ni wala pang aspalto dito kaya't medyo malubak ang kalsada papunta kila Marites. Nagtataasan din ang mga damo sa paligid at medyo masukal din kaya't wala nang masyadong tao papunta sa kanila dito tumigil si Luis at biglang sumigaw.
"Mahal kita Esang!"
Pagkarinig ko sa sinabi ni Luis ay tumigil ako ng sandali at lumingon sa kanyang direksyon.
"Ha? Luis ano ang sabi mo?" Sambit ko sa kanya
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin, nangangatog at hindi mapakali at muli sinabi niya na "Esang mahal kita pwede ba kitang ligawan?"
Ako ay medyo natahimik sa kanyang sinabi, medyo maayos naman ang hitsura ni Luis at mabait ngunit hindi ko siya nakikita bilang isang nobyo. Para lang syang isang kapatid, ganoon at tsaka gusto siya ni Marites, ayaw ko namang masira lang ang pagkakaibigan namin para lang dito.
"Alam mo Luis, mabait kang tao at gusto din kita pero di sa paraang gusto mo na maging nobya ngunit bilang isang kaibigan. Alam mo yun yung bestfriend habang buhay. Ganun, kaya pasensya na ha alam kong may mas mabuting nakalaan para sa iyo" Ang tangi ko nalang naisagot kay Luis
Pagkatapos noon ay nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa bahay ni Marites medyo nagkakailangan pa dahil sa nangyari kanina.
Para maging pamilyar sa karakter ni Luis at Marites maari mong basahin ang mga naunang sipi.
Tinig - Unang Bahagi
Tinig || Ikalawang Bahagi
Tinig || Ikatlong Bahagi
Tinig || Ika-apat na Bahagi
Tinig || Huling Bahagi - Wakas
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series II
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series III
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series IV ( I Knew You Were Trouble)
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series V ( At the Beginning)
