KANTA NA NAGPAPAALALA SA AKING NAKARAAN. (UNANG BAHAGI.)
Ang kantang ito ay nagpapaalala sa aking kabataan. Kaya ito ang aking napili sa libo-libong mga kanta, sapagkat maraming masasayang alaala ang aking kabataan.
Ang aking kabataan ay makasaysayan, makabuluhan at makulay. Napakasarap maging bata. Unang-una dahil hindi ikaw ang nagbabayad ng lahat-lahat. Pangalawa tayo'y malakas at mapusok. Gayon pa man kahit naman sobrang masiyahin ako noong bata pa ako, ay hindi ako kailanman lumabag sa batas. Nanatili akong "law abiding citizen" sa wikang Ingles.
Sa kadahilanang libo-libong milya na ang layo namin sa isa't-isa, ay hindi na kami nagkikita ng aking mga kaibigan. Buwan at araw, ang naging saksi sa mga ginawa ko noong ako'y bata pa. Andiyan iyong tumanggap ako ng palakpak dahil sa aking tagumpay. Andiyan din iyong pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa kabiguan ko.
Hindi man kagandahan itong kantang ito, subalit ang kantang ito ay mas makapangyarihan pa sa isang time machine. Sobrang daming alaala talaga ang maaalala mo kung tayo ay magkaedad. Kasagsagan pa ng kabataan natin ito.
Kagaya nga ng sabi nila "kabataan ang pag-asa ng bayan". Totoo naman iyan, kaso nga lang mahirap na lokohin o dayain ang ating sarili. Kahit itakwil ang ng buong mundo ay gagawin ko kung ano ang magpapaligaya sa akin. Humadlang man sila ay hindi nila ako mapipigilan dahil alam ko namang wala akong ginagawang masama.
Masarap, masakit, at matalinghaga ang magmahal. Dahil kapag tumibok ang puso hahamakin ang lahat! Kaya lang andiyan din talaga ang mga tukso. Mapapasabi ka na lang sa sarili mo na "tukso, layuan mo ako!" haha. Kahit kailan naman noong kabataan ako alam ko na ang tama at mali pagdating sa pag-ibig. Kaya naman hindi ko nagawa ang saktan ang damdamin ng iba.
Kahit naman hindi ko natapos ang aking pag-aaral, ay hindi ko pa rin nakalilimutan ang pinagdaanan ko. Lalo pa at napakikinggan ko itong kanta ni Vitamin Z. Humagulgol ang langit nang ako'y maka-graduate at bumaha ng luha sa buong campus nang ako'y maka-graduate. Sa High School itong aking tinutukoy, sapagkat hindi ko naman natapos ang aking kolehiyo.
Hindi ko kasi makalilimutan ang mga kaibigan ko noong kabataan ko. Hindi kasi nag-iiwanan kahit saan kami magtungo. Matindi ang samahan namin para bang magkapapamilya na kami. Kasi noong nag-aaral pa kami, isa ay para sa lahat, lahat para sa isa. Ganiyan kami dati. Kaya naman noong natapos na namin ang High School ay humikbi ang langit, at ang mga ulap ay tila magsasabog ng maraming luha dahil sa kalungkutan na aming nadarama, sapagkat kami'y magkakahiwalay na.
Masasabi ko na ang alaala ay mas makapangyarihan pa talaga sa isang mahika, sapagkat kung kaya ng mahika na maglaho na parang bula, ang alaala ay hindi kayang burahin kahit magiba man ang bundok o magunaw man ang yelo sa Antartica.
Hindi ko na masyadong ikinwento ang lahat-lahat, sapagkat nahihirapan din akong alalahanin ang masasayang alaala. Naiiyak talaga ako para bang tutulo ang lahat nang tutulo sa akin.
Iisa lang ang masasabi ko at bibigyan ko ito ng Senekdoke. "Ang aking alaala ay ang aking nag-iisang kayamanan".
Nostalgic! This was such a special song for me. Ito 'yong kanta ng barkadahan for our elementary farewell party. Napaghahalataan ang edad. 😅
And love the last line too. Indeed, memories are our biggest treasure.
Haha. 1st year HS ako noong inilabas iyang kanta na iyan, dahil sikat na sikat ito, ito rin ang ginamit ng teacher namin para sa graduation namin noong HS. Hindi naman ako ganoong katanda. 33 pa lang haha.
Haha. 1st year HS ako noong inilabas iyang kanta na iyan, dahil sikat na sikat ito, ito rin ang ginamit ng teacher namin para sa graduation namin noong HS. Hindi naman ako ganoong katanda. 33 pa lang haha.
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Thank you kindly.
ngayon ko lang ito napakinggan ng buo at ngayon ko lang napanood :)
Nasaan ako noong panahon ng kantang ito.
haha