The Diary Game Season 3 (10-10-21): Sharing Our Lunch To Strangers

in Steemit Philippines3 years ago

20% of payout to @steemitphcurator

Magandang Araw Steemit Philippines!

Maaga kami gumising ngayong araw na ito dahil ngayon ay araw ng Linggo at araw ng pagsamba sa Mahal na Panginoon. Umalis kami sa bahay ng sakto alas 9 ng umaga para pumunta na sa simbahan, magsisimula ang worship alas 10 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon.

Nung lunch time na ay lumabas muna ako saglit para maghanap ng sabaw para sa pananghalian ng aking anak. May mga carenderia na malapit lang sa church namin. Pinakain ko muna ang aking anak at pagkatapos ay ipinabantay ko sya sa aking papa para makakain din kami ng aking partner ng tanghalian. Habang nag oorder ng food ang aking partner ay naghanap ako ng mesa na pwede kami makakain. At nung nakahanap at nakaupo na ako ay may mag ina na kumakain sa aking harapan. Napapansin ko na hindi kumakain ang kanyang anak at tila may gusto itong ibang pagkain. Napatingin ako sa kinakain ni ate at ang ulam nya ay gulay na pakbet lamang. After 3 minutes ay dala na ng aking partner ang aming kakainin na kanyang inorder. Ang ulam namin ay utan bisaya at barbecue (2 isaw, 3 bbq na baboy, 1 choriso). Binigay ko naman kay ate ang dalawang barbeque na baboy at nag order nalang ako ulit ng dalawa para idagdag sa aming ulam. At ayun nga, kumain na ang bata na anak ni ate. Siguro gusto nya lang ng ibang ulam, kasi ganun din ako nung bata ako hindi din ako mahilig sa gulay.

IMG_20211010_123002.jpg

IMG_20211010_123102.jpg

At nung patapos na kami kumain ay nag order ako ng dalawang softdrinks, ang isa ibinigay ko kay ate at ang isa ay share lang kami ng aking partner kasi di naman ako mahilig mag softdrinks. Tuwang tuwa pa ang bata dahil binigyan ko sila ng maiinom.

IMG_20211010_123602.jpg

Pagkatapos namin kumain ay binayaran ko ang inorder namin at isinali ko din sa pagbayad ang kay ate na pakbet at 1 rice. Nagpapasalamat sya sa amin ng pangalawang beses. Ang sabi ko naman "okay ra ate, gamay ra gani to basta mabusog ra mo malipay na ko". Nag smile sya saamin habang nagpapaalam.

IMG_20211010_123949.jpg

Nakakatuwa pag may taong nakakaappreciate kahit sa maliit na mga bagay. Sana ay nabusog sila sa kaunting ulam na sinishare ko sa kanila.

Hanggang dito nalang po. Maraming Salamat!

Have a Blessed Sunday Everyone!!!

Regards,
@zoe21

Sort:  
 3 years ago 

Hello Ma'am @zoe21 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 20 ng Diary Game Contest.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Dairy Game post.

Para po sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest Alert: Diary Game Week 20

God Bless po!!!