Mga Tulang ginawa para sa kanya.

in #inaparaluman6 years ago (edited)

Ikalawa.
Hindi ko alam.
Hindi ko alam kung nandun pa.
O nawawala na?
Nakakatakot isipin na baka nga wala na.
Yung alaala nating dalawa na minsan ko ng pinilit mawala.
Sa kadahilanang nalimot mo na.
Gusto kong masilayan ang iyong mukha pero nasa piling ka na ng iba.
Di mo man makita, minahal kita ng sobra sobra.
Sa puntong nakalimutan ko ng magtira.
Magtira para sa sarili ko noong araw na lumisan ka.
Kasabay ng pagpatak ng ulan.
Kasabay ng ihip ng hangin.
Kasabay ng pagtibok ng puso ko.
Kasabay ng pag asang pwedeng maging tayo.
Kasabay ng mga ala ala mo.
Kasabay ng lahat ng mga ito.
Hindi ko alam kung bakit minamahal pa rin kita.

IMG20180503183641.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 60681.54
ETH 3358.73
USDT 1.00
SBD 2.49