Kainuman Blog #19: Boy Teleport

in #kainumanblog7 years ago (edited)

Huleng hule sa CCTV, ang isang lalakeng tumatakas sa inuman. Ang sabe ng mga nakakita, "Sabi nya iihi lang daw sya pero 10 minuto na wala pa den" putang ina napakalaking krimen ang nasaksihan naten sa San Pablo Laguna. Tang ina ng mga ganto, hindi naman masama na magpa alam sa mga kainuman, hindi yung bigla kang nawawala tang ina mo. Back to you mel, mike!!

Eto pre pag may nakainuman kayong ganto kung ako sa inyo ikandado nyo yung paa tapos piringan nyo puta para mo naring kinidnap. Eh kasi naman si gago bigla biglang nawawala. Puta mas mabilis pa silang mawala kaysa sa ex mo pre. Mga karaniwang modus nyang mga putang inang yan yung iihi e. "Pre asan cr nyo?" tas sasagot ka kung di ka bobo, "Ah andun sa kusina kaliwa ka tas diretso", 2 minutes later "Pre tagal ng tao sa loob ng cr, sa labas nalang ako iihi". At ayan na dyan na mag uumpisang mag teleport yan gago. All the way hangang bahay gagawin nyan gago.

Di ko alam kung bakit di maubos ubos yung mga gantong klaseng tao. Bakit kaya di sila nagpapa alam? Siguro nagnakaw ng sandok? Oh kaya nasipa nya yung aso nyo tapos namatay? Putang ina pwede naman kasi mag-paalam ng maayos e. Ngayon kung nag-paalam ka tapos di pumayag, dun ka na lumayas.

Recommendations:

  1. Karaniwan na ba yang ganyang technique mo? Gawin mo yung sa patalastas ng Generics Pharmacy pre. Yung may saket yung nanay tapos dire-diretsong lumabas.
  2. Ohh gago alam na nila susunod mong gagawin gasgas na ule yan.
  3. Kung tatakas ka wag ka nang magdala ng kung ano ano gago mahiya ka naman.

#TagayKaMunaPare

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 61574.21
ETH 3389.80
USDT 1.00
SBD 2.52