Mga Kwento Ni Lola Anle: BAKASYON (Part 1/2)
Naaalala ko pa noong ako'y nasa ika-apat na baitang palang, isa ako sa laging napapagkatuwaan ng aking mga kaklase. Pinagtatawanan ng isang pangkat pagkat ako'y baguhan sa aming paaralan. Noong una'y walang kaibigan at ang tanging kausap ay ang aking "Imaginary Friend".
Magmula noo'y nahilig akong gumawa ng maiikling kwento, karamiha'y may kasamang kababalaghan at ang tanging nakikinig sa akin ay ang aking "Imaginary Friend".
Huwag sanang masamain, ako'y walang sayad sa pag-iisip hahaha. Hindi ko maalala kung ako'y mayroon talagang nakikitang kaibigan na hindi nakikita ng mga normal na mata, ni pangalan niya ay hindi ko na rin maalala. Ngunit siguro'y iyon ang aking naging paraan para damayan ang sarili sa mga panahong ako ay napapagkaisahan ng aking mga kaklase. Uso na ang bully noong 90's.
Ang larawan ay pagmamay-ari ni StockSnap ng Pixabay
Ang kwentong BAKASYON ay naisulat ko sa aking kwaderno noong ikaw-dalawa ng Mayo taong dalawang libo't lima at natapos makalipas ang 3 araw, ikaw-lima ng Mayo ng nasabing taon, alas-diyes kwarenta ng gabi.
Ang BAKASYON ay kwento ng wagas na pagmamahal. Ito ay kwento ng magkakaibigang umuwi ng probinsya upang ipagdiwang ang kaarawan ng Kambal nilang kaibigan. Ngunit higit sa pagdiriwang, isang nakakatakot na lihim ng nakaraan ang nabunyag, gayun pama'y hindi natinag bagkos mas tumibay ang kanilang pagsasamahan dahil sa di inaasahang pangyayare.
Ito'y orihinal na pinamagatan kong TAMBAYAN, Saksi Sa Kanilang Samahan. Ngunit noong ito'y nalimbag sa aking blogspot account noong ika-isa ng Hulyo taong dalawang-libo't labing-isa, pinamagatan ko itong BAKASYON at nahati sa Siyam Na Kabanata.
Nais ko itong ibahagi sa inyo sa kadahilanang ito nalang ang natitira kong akda na mayroon pa akong kopya. Ako may nag-aalinlangan sa ating kaibigang si "Cheetah", ngunit akin paring susubukan.
Unang Kabanata — Bakasyon: "Tambayan, saksi sa kanilang samahan!"
...BZZZ... BZZZ... BZZZ...
Brent: Yes! Pare sa wakas matatapos na ang paghihirap ko kay Mr. Mendoza, pare sobrang lupet!! Buti nalang last class na natin 'to! Clearance nalang tapos na!
Tol, ok ka lang?!
Drew: Ha?! Ah eh, oo, oo ok lang ako!
Brent: May problema ba?
Drew: Ha?!
Myka: Hoy Drew, hinahanap ka ni Lyka kanina pa, nagkita na ba kayo?
Drew: Ay oo nga pala, may usapan kasi kami ng kambal mo. Sige pare, kita nalang tayo mamaya.
Myka: Bilisan mo, baka ibe-break ka na, sobrang lungkot eh... (giggle)
Drew: Teka, asan ba s'ya? Sira ka talaga!
Myka: Nasa computer room, nagsa-submit ng project.
Drew: Sige, salamat! Kita-kits nalang mamaya...
Myka: Brent, bakit?
Brent: Ha? Eh kasi, kanina lang ang lungkot ni Drew at mukhang wala sa sarili, pero ngayon...
Myka: Hay naku! Don't mind him, syempre masaya yun kasi pupuntahan si Ly noh! para namang... hmmpp... tara na nga lang sa tambayan, tsak nandun na'ng tropa, halika na!
....habang naglalakad sila patungong tambayan ay pinag-uusapan ang mga subjects nilang dapat pang kompletuhin para sa kanilang nalalapit na graduation, habang sa tambayan naman ay nag-uusap na tungkol sa outing nila....
Andrei: Aimee, san ba talaga ang outing natin, ketagal na nating pinagpaplanuhan hanggang ngayon wala pa atang disisyon.
Aimee: Masyado pa kasing busy ang mga tao sa pag-complete ng mga requirements nila kaya wala pang excat details na napapag-usapan.
Lanie: Ewan ko ba diyan kay Andrei, masyadong atat, e di pa nga nya alam kung magma-martsa s'ya!
Andrei: Hoy mga ulol! Sigurado ako dun!
Lanie: Wish ko lang! Joke!
Andrei: Atribida ka talaga!
Aimee: Dong, masyado kang busy d'yan ah, 'no ba yan? Gusto mong tulong?
Dong: E, kasi... si Ma'am Minerva, badtrip!
Aimee: Bakit?
Dong: Diba mula't sapul pinag-iinitan na n'ya ako! Ayun, s'ya nalang ang walang pirma sa clearance ko.
Gawin ko daw muna ang mga pinapagawa n'ya.
Andrei: Ayaw mo kasing pansinin s'ya, kita mo naman kung gaano magpa-cute sayo! Tapos!
Dong: Gago ka talaga!
Aimee: E ano bang pinapagawa nya sayo?
Dong: Survey, Fessib, Investigatory at gustong Storytelling!
Aimee: Ha?! Joke ba yan?
Lanie: Di ka naman pala masyadong pinpahirapan ah!
Andrei: Hahahaha, ganun na ba'ng nadadala ng pagiging brokenhearted! Hehehehe....
Dong: Abs ka talaga!
Aimee: Ano'ng pwede naming itulong?
Dong: Ok na ang lahat, storytelling nalang.
Aimee: Ah, ok walang problema, ako na ang sagot d'yan!
Dong: Ha, wag na! nkakahiya naman!
Aimee: Ano ka ba? para ka namang others....
Lanie: Hmmmmm... I smell something fishy...
Myka: Guys, ano? Musta'ng clearance nyo?
Andrei: My, asan si Ly, nakita mo ba? Ibibigay ko kasi yung project nya.
Myka: Hmmpp, Loves na loves mo talaga ang ate ano? Kahit alam mo naman na may Drew na s'ya.
Andrei: Ganun talaga! Teka, Brent si Gilbert and Chelly ba nakita mo? Kanina ko pa sila tine-text di naman nagre-reply.
Brent: Magkasama sila papunta kay Mrs. Palermo tapos pupuntahan si Mau at saka sila pupunta dito, baka mamaya pa sila.
....Habang abalang-abala ang magkakaibigan sa nalalapit na garaduation, hindi nila namamalayan ang problemadong kaibigan... si Drew...
Kinabukasan...
Myka: Hei guys, kumusta na ang mga clearance nyo? Mga teachers and officers na nagpapahabol at nagtatago?
Chelly: Ok na yung sa'min, si Andrei at si Lanie nalang ang may kulang sa Fessib pero isa-submit na nila ngayon.
Dong: Tapos na rin yung sa'kin, tinulungan ako ni Aims.
Brent: Ako treasurers nalang kasi wala pang bayad yung graduation fee ko eh!
Myka: Eh yun naman pala, ok na'ng lahat... settled na, so pwede na natin pag-usapan ang... OUTING??
Lyka: Oo nga! Pereo bago ang lahat, sure na ba kayong gra-graduate kayo?!
Andrei: Oo naman!!
....Habang nagkakasiyahan ang lahat, seryosong nag-uusap naman sina Brent at Drew....
Brent: Drew pare, parang napapansin ko mukhang problemado ka, project ba? Clearance, teacher, ano?
Baka may maitutulong ako, kami!
Drew: Wala pare, pagod at puyat lang
Brent: Pare, para namang di kita buddy nyan eh! Tol, bagong tuli palang tayo buddy na tayo, kilala na kita kaya wag ka nang magtago. Ikaw iyong taong hindi namomoroblema, nagigi ka lang seryoso kung talagang di mo na kaya 'yong bumabagabag sa isip mo.
Ano ba 'yon, sabihin mo na!
Drew: Kasi pare, si Lyka eh!
Brent: Bakit?
Drew: Sumabay pa sa problema ko sa bahay at sa clearance! Nakikipag-break na pare, tapos ayaw pang pirmahan ang clearance ko ng treasurers, 6 thou kasi'ng balanse ko pa!
Brent: Yung una mong problema, di ko kayang solusyonan. Pero yung pangalawa, ako na ang bahala.
Natanggap ba sila ng credit card? hehehehe...
Drew: Naku pare nkakahiya naman, di ko pa nga nababayaran ang
Brent: Pare, what friends are for?
Drew: Pare, salamat ha! Wag kang mag-alala at
Brent: At pagnagka-trabaho ako, mababayaran din kita, sa ngayon, lista nalang muna... blah-blah-blah!
Drew: Ikaw talaga!
Brent: Halika na nga, magbabayad din ako ng grad fee.
Hey, punta muna kaming treasurer's office, magbabayad lang ako!
Aimee: Sige, kita-kits nalang mamaya!
....Naayos ang clearance ng lahat.
Dumating ang kinasasabikang araw ng pag-martsa sa entablado.
Masaya ang lahat kahit may nag-iiyakan. Feel na feel nila'ng ma-emotional na tagpo nang gabing 'yon. Nang matapos ang programa, masayang nagpi-picturan ang magkakaibigan...
Aimee: Guys, tara-lets sa tambayan, baka ito na ang huling punta natin na kompleto tayo! We will celebrate and talk about vacation! about our outing!
Lanie: Yes, buti pa nga!
Andrei: Tara na!
Ikalawang Kabanata — Bakasyon: "Ang Pagpa-plano!"
....Masayang naglalakad ang magkakaibigan papuntang tambayan.
Tuwang-tuwa ang bawat isa at nakatapos na sila ng hayskul, kaya sa tambayan pinag-usapan nila ang outing....
Aimee: Saan tayo mag-outing? 2 days ba o 3?
Andrei: Diba mas maganda kung 1 week?
Lanie: Can't afford na kung 1 week noh!
Dong: Ano kaya kung, bakasyon nalang sa Tagaytay? as in Tagay-Tay-o sa kanto... hahahaha
Chelly: Puro ka talaga kalokohan Dong!
Brent: E sa Baguio? Tamang-tama tag-init na!
Gilbert: Mga 'tol, maganda kung may pupuntahang sulit! Sulit sa budget!
Aimee: chelly, diba taga Infanta ka?
Chelly: Wag dun, kakabagyo lang sa'min, madaming namatay na tao, mahirap magsaya dun!
Brent: Kung sa inyo Mau, sa Padre Burgos?
Mau: Naku, dulok kami ng Pandre Burgos, di kayo mkakatagal doon, wala duong kuryente!
Andrei: Maganda nga doon, may thrill!!!!
Gilbert: E di sa...
Chelly, Mau: Atimonan?
....Lahat ay napatingin sa kambal...
Brent: Tama kina My!
My, Ly: Ha?!?! Eh....
Myka: Ate... (worried)
Lyka: Ha?!? Ahh,,,
Aimee: May problema ba?
Myka: Ha? W-wala! Tatanong muna namin kina Mamang
Lyka: O-oo nga! T-tama!! Baka kasi di pawede, tanong nalang muna namin!
Lanie: Sana pumayag para... doon natin i-celebrate ang debut nyo! Diba 18 na kayo sa April 13?!
Lyka: Haaa, 'wag nalang kaya dun! Sa iba nalang, last year dun na tayo eh!
Myka: Oo, wag nalang dun! B-baka kasi, ano....
Lyka: Ammm....
Chelly: May problema ba?
Myka: Ha? H-hindi, w-wala, baka kasi ano... amm... baka di pumayag sina Mamang!
Mau: Ha, bakit? Nagalit ba sila sa'min last year?
Aimee: Ganto nalang, magpaalam muna kayo, pag pumayag go tayo, pag hindi, sabihan nyo kami ka'agad para mapag-isipan natin kung saan tayo magbabakasyon, ok?
Myka: Ha, o sige! Mabuti pa nga!
Lyka: Tara na! Uwi na tayo, 10:00 pm na, tiyak hinahanap na nila tayo!
Chelly: Maaga pa, nagkakatuwaan pa sa gym yung mga magulang natin oh!
Lyka: Pero gabi na, tara na!
Drew: Mabuti pa nga, tayo na!
Lanie: Sige, bye mga friendships, text-text nalang, okey?
....Umuwi ang kambal ng hindi alam kung paano sasabihin sa mga kaibigan ang problema. Alumpihit silang dalawa sa bahay upang magsabi sa kanilang Mamang...
Mamang: May... Lay.... Halina kayo't kakain na!
....Bumaba ang dalawa't kumain ngunit lubhang binabagabag ng kaba ang kanilang dibdib, halos hindi natapos ang pagkain at agad na nagsipasok ang dalawa sa knilang silid. Mayamaya....
Mamang: May, Lay, pwedeng pumasok?
....Binuksan ni Lay ang pinto at naupo ang mamang nila sa gilid ng kama matapos isara ang pinto....
Mamang: Natatakot kayo? Bakit hindi nyo hayaang makilala kayo ng mga kaibigan nyo? Doon nyo masusukat ang kanilang katapatan. Lay, 'wag mong isipin si Drew, diyan mo malalaman kung totoo ang nararamdaman niya sayo.
Sige na, gabi na, magsi-tulog na kayo at bukas na bukas tawagan ninyo ang mga kaibigan nyo at sabihing pumapayag ako. Pino-problema nyo ang bagay na di naman problema, hayaan nyo lang. Sige na!
....At lumabas na ang kanilang mamang sa silid. Naiwang tahimik ang dalawa, kapwa nag-iisip kung pa'no nalaman ng kanilang mamang ang pina-plano ng barkada. Gayunpa man, nanduon parin ang pangamba sa maaaring mangyari....
Kinabukasan....
....KRINGGG...KRINGGG...KRINGGG....
Aimee: Hello?
Myka: Aims, pumayag na si Mamang.
Aimee: Talaga? Buti naman, so pano natin paplanuhin?
Myka: Kaw na'ng bahala, i-text mo nalang kami kung saan magkikita-kita ok? I have to go na, may gagawain pa ako eh, kaw na ang magbalita sa knila, ok?
Aimee: Ha?! amm, ok, sige, bye!
....Nagtatakang ibinaba ni Aimee ang telepono, kilala niya ang kambal pag mayroong problema, gayun pa man, tinawagan niya ang lahat at ibinalita ang napag-usapan nila. Nagpasya ang magkakaibigan na magkita-kita at pumunta sa bahay ng kambal para mapag-usapan kung kelan sila pupunta sa Atimonan....
Brent: Tao po!! Mamang?? Myka, Lyka?
Aimee: Mamang, tao po!
Mamang: O hija, kayo pala, pasok at tatawagin ko sila. Upo-upo kayong lahat...
Manang Yolley, Manag Yolley.... Ipaghanda nyo nga ho ang mga bata ng merienda.
Aimee: Salamat po, Mamang!
Mamang: O siya sige, upo lang kayo at tatawagin ko sila...
Mamang: May at Lay, buksan nyo ang pinto.
Bumaba kayo at huwag mangamba, sige na!
Myka: Hello, musta na? Handa na ba kayo?
Lanie: Eto ok naman, excited na nga eh!
Andrei: Hay salamat, may mararating din ang matagal na nating pinaplano! Natutuloy narin sa wakas!
Brent: Oo nga, mase-settle na natin.
Lyka: Teka, kelan nyo ba gusto?
Gilbert: Diba mas maganda kung dun na natin ipagdiriwang ang inyong debut?
My, Ly: Ha?!? Eh....
Gilbert: Kasi una, wala naman masyadong paghahanda, tayo-tayo lang naman unless meron pang iba kayong iimbitahin.
Lyka: Wala namang iba, kaya lang....
Drew: Kaya lang, ano?!
Myka: Haa?? Eh, hayaan na nga! Planuhin nalang natin!
Aimee: Mabuti pa nga...
....Natapos ang pag-uusap, nag-aalinlangan maý walang nagawa ang kambal, doon sila magdiriwang ng ika-labing walang taong gulang nila.
Ika-walo ng Abril pa lamang ay pupunta na sila at mananatili duon ng isang linggo. Ipinagdarasal na lang nila na sana'y walang mangyaring masama na tulad ng kanilang ikinakababahala....
....BEEEEP...BEEEEP...BEEEEP... BEEEEP....
Aimee: Oo, anjan na!
Bye Mommy, bye Dad! I love you!
Mommy Esmie: Mag-iingat kayo ha?! Andrei, ingat sa pagmamaneho, ipinagkakatiwala namin sayo ang unica-hija ko!
Andrei: No problem, tita! Sige po tito, una na po kami para hindi kami abutin ng hapon sa daan!
Daddy Franco: Siya sige, mag-ingat kayo!
Guys: Bye tita! Bye tito!!
Lanie: Aims, dito ka dali, tabi tayo! Ang tagal mo ha!
Aimee: Ako nalang ba ang kulang? Sina kambal?
Andrei: Dadaanan palang natin.
Aime: Mamang, nandito na po kami!
Mamang: Saglit lang mga hija, pababa narin sila...
Lyka, bilisan ninyo at ng hindi kayo ginagabi sa daan.
Ly, My: Opo Mamang, anjan na po!
Lyka: Hello!!! c",)
Andrei: Are you ready?
Lyka: Yup! Paalam Mamang, sunod kayo agad ha?!
Mamang: Oo, sige na! Ang bilin ko ha!
Myka: Opo mamang, paalam!
Mamang: Sige, mag-ingat kayo! Umalis na kayo at ng hindi kayo hapunin masyado.
Mag-ingat kayong lahat, Brent, Drew, ang mga dalaga ko ha! Andrei, ingat sa pagmamaneho!
Andrei: Makakaasa po kayo,Mamang!
Brent, Drew: Opo Mamang, sige po!
Mamang: Sige, Ingat!
Ly, My: Bye Mamang!
Ang larawan ay pagmamay-ari ni Activedia ng Pixabay
Ikatlong Kabanata — Bakasyon: "Pagbabalik-tanaw!"
....Habang daan ay nagkakasiyahan ang magkakaibigan, nagtatawanan, kantahan at kwentuhang walang humpay habang ang kambal na nakaupo sa likuran ni Andrei ay halos tumatalbog papalayo ang puso sa kaba!
Pahapon na nang sumapit sila sa bungad ng Barangay Tagbakin na pupuntahan nila. Maya-maya pa'y nakaratin na sila sa bahay-bakasyunan ng kamag-anak at ninuno ng kambal....
Myka: Manang Ason, Manang Ason!!
Manang Ason: Aba, Dýos ko, ang mga bata!!
Benito, anak, ang mga kababata mo nagsidatingan!
Lyka: Magandang hapon po, Manag Ason!
Manang Ason: Magandang hapon din sa'nyo! Sige't magsipasok kayo!
Napasugod ata kayo, bakit walang pasabi man laáng?
Myka: Nagdisisyon po kasi ang Mamang na dito namin idaos ni Lyka ang aming ika-labing walong kaarawan.
Manang Ason: Ha, pero, diba?
Lyka: Hayan na po natin, bahala na!
Benito: Myka, Lyka? Sino ba sa inyo si Lyka-laki-mata!! Hahaha...
Lyka: Ikaw talaga Ben-tot! Kumusta ka naman?
Benito: Eto, wala paring asenso! Syanga pala, si Caloy, tanda nyo pa ba?!
Myka: Hahahaha.... Teka, siya yung batang uhugin sa puno ng mangga tuwing bakasyon!
Caloy: Hindi naman! Noon pa yun, kalimutan na natin un...
....at lahat at nagkatawanan.....
Lyka: Anak ka ni aling Maring, tama ba?
Kumusta na siya?
Caloy: Patay na ang inang
Lyka: Ha?! Ikinalulungkot ko, pasensya na!
Caloy: Ok laang, noong isang taon pa naman! Magbababang luksa nga sa a-trese.
Myka: Ha?! Lyks, diba noon yung....
....siniko ni Lyka si Myka at binulungang, "shhh... 'wag kang maingay!"
Lyka: Bakit Caloy, ano'ng nangyare?
Caloy: Atake sa puso, hindi naagapan. Alam mo naman dito, napakalayo natin sa ospital.
Manang Ason: Ay mamaya na ang kwentuhan, tulungan nyo na silang maipasok ang gamit nila. Hala dali't siguradong pagod na pagod sila sa byahe! May bukas pa naman.
Benito anak, sabihin mo sa ate mo, magluto at dumating na sila.
Benito: Opo, Inay!
Myka: Mamang Ason, asan nga po pala si ate Benilda?
Manang Ason: Nasa likuran la'ng, naglilinis ng bakuran! Pasok na kayo at magpahinga!
Mau: Chelly, parang may kakaiba ngayon sa bahay na ito! Mayroon akong ibang nararamdaman, di ko maipaliwanag! (pabulong na sambit sa kaibigan...)
Chelly: Pagod at puyat laang yan!
Mau: Ay naku, tumigil ka ha! Magkasama tayo kagabi, 7:00 pm palang tulog na tayo!
Chelly: Naku, wag mo nalang pansinin yaang....
Mau: Bahala ka, pero talagang iba'ng pakiramdam ko!
Chelly: Hmmpp... pwede tigilan mo na yan, pati ako inaaning mo eh!
....Matapos kumain ng hapunan, niyaya na ng kambal na matulog muna't pagod lahat sa byahe ngunit sila mismong dalawa ang hindi madalaw ng antok....
Hating-gabi naý gising pa ang kambal...
Myka: Ly, gising ka pa?
Lyka: Gising ka parin, bakit?
Myka: Naalala ko si aling Maring eh, yuong panaginip natin bago tayo mag-birthday last year, tanda mo?
Lyka: Oo nga eh!
Myka....
Myka: Ha?
Lyka: Na-natatakot ako eh!
Myka: Ako rin, parang aya ko nang matulog para di na sumapit ang kaarawan natin, pano kasi kung....
Lyka: Natatakot talaga ako eh! Lalo na sa sinabi ni Mamang tapos yung sinabi ni Caloy...
Pero meron pa kayang posibilidad na hindi totoo?
Myka: Ha?! E-ewan, sana!
Lyka: Pano natin mapapatunayan? Patay na si aling Maring, siya lang ang kasama ni Mamang, siya ang nagpaanak kay Mamang, sa'ting tatlo ni Fyka!
Kaya lang si Fyka ang napagbalingan ng galit ni lolo, inakala niyang solo lang siyang anak kaya siya lang ang kinuhaan ng buhay!
Myka: Kawawa naman si ate Fyka, ano? Pero, pano natin malalaman? Pano natin haharapin ang....
Lyka: Tanungin kaya natin si Manag Ason?
Myka: Sa palagay mo magsasalita siya? or, may nalalaman siya?
....Gustohin man nilang alamin ang nagyare pero wala silang magawa. Hindi nila alam kung ano ang gagawin kaya pinanghawakan nalang nila ang... "BAHALA NA!"....
Caloy: Magandang umaga ho, Manang Ason!
Manang Ason: Magandang umaga hijo!
Caloy: Gising na po ba ang mga bisita?
Manang Ason: Naku, napagod atang sobra kaya mga tulog pa. Hayaan nyo na muna magpahinga, isang linggo daw naman sila dito kaya mahaba pa ang panahong makipag-kwentuhan.
Mamaya, igala nyo sila duon sa kweba o kaya sa kahit saang lugar na gusto nilang puntahan. Kayo na ni Benito ang bahala na ipasyal sila, napaka bihira nilang pumunta dito kaya inaasahan kong kayo na ang bahala sa kanila.
Caloy: Oho, kami na po ni Benito ang bahala!
....Sa sobrang sarap ng tulog, nagising na ang magkakaibigan ng mga bandang alas-diyes na. Matapos mag-almusal, tulad ng napagkasunduan ni Caloy at Manang Ason, iginala nila ni Benito ang mga bisita. Pumunta sa kwebang pinaglalaruan nila dati....
Myka: Wow, ang tagal na rin nating hindi nakapunta dto. Halos pitong taon na rin ngunit napakaganda parin at wala parig pinagbago.
Lyka: Oo nga! Hindi ko inasahang makakabalik pa ulit ako dito. Madaming alaala!
Benito: Halika kayo, meron akong ipapakita sa inyo.
Natatandaan mo ba itong punong ito? Dito natin binaon ung mga pangarap natin na pangakong tutuparin. Nangako tayo na babalik dito pag-18 na tayo para maalala ang lahat ng mga pangarap natin at pag-25 na para malaman kung natupad natin.
Caloy: Madaya ka naman Benito eh, tanda ko pagka-alis nila Lyka, nahuli kitang hinukay mo iyan at binasa ang mga pangarap nila!
Myka: Ang daya mo naman! Sige nga, hukayin natin, hindi ko na matandaan kung anong isinulat ko diyan. Parang pati yung crush ko sinulat ko diyan na gusto kong mapangasawa! Hahahaha....
Lyka: Yuck, Myka, si Anton! Hahahaha....
Myka: Tanda mo pa pala siya, asan na pala siya ngayon?
Benito: Naku, may-asawa at anak na! Maagap nakapag-asawa kasi nabuntis niya yung taga Maynila na kaibigan ng pinsan niya ng nagbakasyon dito.
Caloy: Wag mo na pagpantasyahan iyun!
....Habang nagku-kwentuhan sila ay naggagala naman at nagpi-picturan ang mga kaibigan nila. Ine-enjoy ang sariwang hangin na kahit katanghalian ay malamig parin ang simoy dahil sa daming puno na sumasayaw at umaayon na galaw ng hangin.
Inuli nila ang lahat ng magagandang lugar na kalapit ng kweba at pagkatapos ay umuwi na rin. Kahit pagod ay sobra naman nilang na-enjoy. Tulad ng bilin ni Manang Ason, umuwi sila ng bahay bago pa mag-takip-silim....
Nang dumating sila ay nakaluto na ng hapunan at nakahanda na sa lamesa. Sariwang gulay na Pinakbet at pritong dalagang-bukid kasama ng halos umuusok pa sa init na puting-puti at kumikintab-kintab na kanin.Takaw pansin din ang dilaw na dilaw na manggang hinog na animoy sobrang tamis lalo na ang kumakatas sa sabaw na pakwang pulang-pula sa pagkaka-gayat.
Madaming nakain ang magkakaibigan at sa pagod at busog ay maagap silang nakatulog.
Lumipas pa ang dalawang araw na normal, walang kakaibang nangyayare maliban sa sayang dulot ng kanilang pagsasama-sama kaya kinumbinsi nalang ng kambal ang sarili nila na tapos na ang paghihiganti, di na sila kasali, at ang lahat ay isa lamang masamang panaginip at sadyang nagkataon lamang.
Huwebes ng umaga, a-dose ng Abril, maagang gumising ang magkakaibigan at napag-pasyahang maligo sa dagat kasama nina Caloy at Benito....
Aimee: Myka, Lyka, anong ihahanda natin? Ano'ng gusto ninyo?
Myka: Tamang pansit at softdrinks tapos tasty, ok na yun!
Lyka: Oo nga, tsaka bukas pa yun, hayaan nalang natin si Mamang magdisisyon at maghanda, nakausap ko siya kanina, bukas daw ng umaga andito na siya.
....Hapon na ng dumating sila sa bahay, pagod ngunit sulit! Inabutan nila sa balkonahe ni Manang Ason, magpapaalam at pupuntahan daw muna ang kanyang anak na si Benilda sa kabilang bahay tutal marami namang tao ngayon....
Manang Ason: Mga anak, ipagpaumanhin ninyo pero nais ko sana munang pumunta sa aking anak na si Benilda, kabuwanan niya kasi at akoý nag-aalala. Dito na laang muna si Benito para makasama ninyo, ikaw ba Caloy? Teka, hindi mo ba pupuntahan ang ate Corazon mo?
Lyka: Sige Manang, salamat po, mag-iingat po kayo!
Caloy: Ay, oo nga pala! Ngayon siya darating, babang-luksa kasi ng Inay bukas. Sige, sasabay na ako kay Manang Ason, tiyak hinahanap na ako ni ate.
Myka: Sige, mag-ingat po kayo!
Manang Ason: Ako nga pala'y nagluto na diyan, kumain na muna kayo bago ako umalis!
Lyka: Kami na po ang bahala dito, kayo po ay magsimula na at nang hindi kayo abutin ng gabi sa daan, malayo-layo rin po ang bahay ng ate Benilda.
Manang Ason: Ay sige, maraming salamat hija!
Lyka: Sige po, ingat po kayo. Caloy, pahatid muna sa Manang ha, ikaw na ang bahala.
Caloy: Sige, walang problema, babalik nalang ako baka bukas na ng hapon.
Benito: Sige tol, salamat!
Ika-apat na Kabanata — Bakasyon: "Tatag ng Samahan!"
....Alas-syete na ng gabi nang matapos kumain ang lahat. Nakaalis na sina Manang Ason at Caloy at kasalukuyan silang nanonood ng palabas sa telebisyon....
Brent: Drew, anong oras na? Parang sobrang dilim na sa labas! 10:00 pm sa relo ko, sayo ba? Para kasing di akma sa kulay ng langit di tulad kagabi.
Drew: Advance naman yang relos mo, 08:00 pm palang ah!
Brent: Hah? Bakit ganun?!
Drew: Baka naman sira na ang battery?
Gilbert: Parang sobrang init naman, maalinsangan ang paligid, hindi naman ganto kagabi ah, parang Maynila lang!
Brent: Gilbert, anong oras na?!
Gilbert: Ahmm, teka, parang hindi ata nagana ang relos ko, 07:00 pm palang eh sobrang dilim na! Sira na kaya ang battery?
Andrei: Ano bang pinagtatalunan nyo?
Brent: Tol, kasi yung relos namin, di pare-parehas! Sabay-sabay ata'ng pagkakasira!
Andrei: Eh, 09:10 pm na sakin
Chelly: Anong 09:10? Eh, 10:30 pm na sa'kin! Ikaw Mau, anong oras na sayo?
Mau: 10:35 pm, bakit?
Andrei: Ah, ewan ko!! Ang gulo ng mga orasan nyo!
....Tumayo si Andrei at lumapit kina Lyka....
Andrei: Lyka, may DVD bang pwedeng mapanood diyan? Maganda sana kung horror.... aawwhhhooo!!!
Lyka: Loko-loko!
Aimee: Wag horror! Ang dilim-dilim kaya baka mamaya mag-brown ou....
....Di pa natatapos magsalita si Aimee ay nawalan nga ng kuryente....
Aimee: Brown out?? Bakit naman ngayon pa... tamo, di ko pa natatapos ang sasabihin ko, nag-brownout na nga!
Lanie: Naku Aimee, yan talagang dila mo... hindi ko alam kung may pagka-sa-anghel... ko kung may-pagka-ano!!
....Biglang nagliwanag ang bumbilya, namatay sindi ang mga bumbilya hanggang sa tuluyang nawala!
Dong: Myka, alam nýo ba kung nasaán ang fuse ng ilaw? Parang nagloko lang ata eh, kasi parang tayo lang ang walang ilaw.
Myka: Hah? Anong ibig mong sabihin?
Dong: Tingnan nyo, maliwanag sa mga kapitbahay
Mau: Chell, sabi ko sayo eh!
Chely: Wag ka ngang paraning, para namatay lang yung ilaw eh!
Mau: Iba talaga....
Chelly: Wag ka ng maingay, pati ako tinatakot mo eh!
Gilbert, Gilbert, asan ka na?
Gilbert: Eto ako, dito ka lang!
Lyka: Ben, alam mo ba kung nasaán ang fuse ng ilaw?
Benito: Naku nasa labas, pero imposibleng masira ang fuse, kakapalit lang noon kanina ni Mang Juanito.
Dong: Pare baka di masyadong naayos ang pagkakalagay, pwede mo ba akong samahan kung nasaan para matingnan?
Benito: O sige, dito pare.
Aimee: Pwede ba akong sumama, itong cellphone ko'ng gamitin nating ilaw.
Lanie: Sama rin ako!
Benito: Sige, dito ang daan!
....Hindi pa natatagalang umalis sina Benito, Dong, Aimee at Lanie ay umilaw ang bumbilya sa itaas....
Brent: Myka, meron bang tao sa itaas?
Myka: Wala naman, tayo lang, bakit?
Brent: Para kasing may nagbuhay ng ilaw sa kwarto! Halika nga Drew, tingnan natin.
Andrei: Tol, sama ako!
Myka: Ako din!
Lyka: Chelly, dito muna kayo susunod ako kina Drew.
Mau: Pero...
Chelly: O sige, walang problema...
Lyka: Drew, wait, intayin mo ako!
Drew: Halika!
....Nang makarating sila sa silid kung saan biglang nagliwanag ang ila....
Brent: Wala namang tao ah, pero bakit?!
Andrei: Ano ba ang nakita mo?
... BAAAANNNGGGGGG!!!!!......
Isang malakas na sara ng pinto ang gumulantang sa kanila....
Aaahhhhhhhhhhhh.......
Lahat ay napasigaw at nagulat!
...aawwhhoooo..... arrff... aarrfff... aarrrfff....
mga tahol at alulong ng mga aso ang pumatid ng biglang natahimik na kapaligiran...
TIK-TAK.... TIK-TAK.... TIK-TAK....
Ly, My: Alas Dose na!!
...bulalas ng dalawang dalaga nahalos wala ng boses sa takot....
Drew: Bakit anong problema?
....Isang malakas at malamig na hangin ang dumampi sa kanilang balat na naging dahilan ng paggalaw ng mga gamit, paghampas ng pinto, pagbukas ng bintana at naging dahilan ng pagkahampas nila sa dingding....
Aaaahhhhhh.............
Gilbert: Anong nangyayare?
Chelly: Ewan ko!
Mau: Sabi ko sayo Chell eh!!
Chelly: Eh anong gagawin natin?
Gilbert: Tara, puntahan natin sila!
Mau: Hah??
Chelly: Tara na! Alangan namang hayaan natin sila or else, maiwan ka dito sa baba!
Mau: Sasama ako!
....Umakyat sila ng hagdan papuntang kwarto sa taas upang puntahan ang mga kaibigan na nagsigawan habang sina Dong, Benito, Aimee at Lanie ay walang kaalam-alam sa nangyayare sa loob....
Dong: Ben, wala namang problema dito eh!
Benito: Diba sabi ko nga sayo bagong ayos lang yan kanina.
Aimee: Pero bakit ganun? Ang liwanag sa kabila, bakit tayo lang ang walang ilaw? Di kya pundi lang ang bumbilya?
Dong: Alangan naman lahat ng bumbilya, sabay-sabay napundi?
Ang larawan ay pagmamay-ari ni SilviaP_Design ng Pixabay
Lanie: Aims, Aims tingnan mo, ano yun?!
Aimee: Ha? Alin?
Lanie: Di nyo ba nakita, ang laki, ang laki-laking lumilipad... parang yung sa movie... yung Jippers Creepers!
Aimee: Hah?? Hay naku Lanie, pwede ba!!
Dong: O buhay na pala ang ilaw sa loob eh, Tara na!
Benito: Buti pa't kung ano-ano'ng nakikita ni Lanie, gabing-gabi pa naman!
Aimee: Tara na nga!
....Takang-taka si Lanie sa kung ano yung nakita niya, habang papunta sila sa pintoý nakarinig sila ng malakas na tili, malakas na sigaw.... umalingawngaw!
Aaaahhhhhhhhhhhh........
Benito, Dong: Ano yun?!
Aimee: Bilisan natin!
....Nang makarating sila sa back door, sarado ito't parang walang nkakarinig sa loob upang silaý pagbuksan....
Aimee: Buksan nyo'ng pinto... Myka.... Lyka....
Dong: 'tol, buksan nyo ang pinto.... ano'ng ngyayare? Buksan nýo ang pinto!!!
Lanie: Aimee, ano'ng nangyayare?
Aimee: Ewan ko, hindi ko alam!
Dong: Ben pare, may iba pa bang pwedeng daanan?
Benito: Sa unahan, pero diba ini-lock na natin iyon kanina pagka-kain?
Dong: Tara, i-try natin!
...Nang makarating sina Gilbert, Chelly at Mau sa itaas... sarado rin ang pinto at hindi din nila mabuksan....
Gilbert: Andrei, tol buksan nyo!! Ano'ng nangyayare diyan sa loob?
Andrei: Pare, di kami makakilos...
Myka: Tulungan nyo kami!
....boses ng mga kaibigan na nasa silid na parang hirap na hirap at pagod na pagod....
Chelly: Ano bang nangyayare?!? Bakit hindi kayo makakilos?
Mau: Heyy!!! What's happening ba??
Lyka: Aahhhhhh..... Aarraaayyy!!!!
....paiyak na sigaw ni Lyka....
Chelly: Lyka!!! Hoy, buksan nyo naman to!! Hindi na nkakatuwa kung nagbibiro kayo!!
....Pilit na binubuksan nina Gilbert ang pinto ngunit talagang kahit konteng awang ay hindi magawa, sina Dong, Benito, Aimee at Lanie naman sa labas ng bahay ay hindi parin makapasok at walang kaalam-alam sa nangyayare sa mga kasama sa loob... habang sina Lyka, Myka, Drew, Brent at Andrei ay nagkakagulo....
Lyka: Mamang!!!! Aarrraaayyy.....
Myka: Ate, bakit??
Drew, Andrei: Ano bang nangyayare??
Lyka: Aahhhh!!! h-h-hi-iinn-dii koo a-aalaaamm...
Aahhhh... Mam...maaanngg..... Mamm...aanngg!!!
Myka: Lykaaaaa....
Lyka: Aaanngg saakkitt...pap-parraannggg.. parrraaannnggg nap-pupunit ang ba-lllaatt koohh!!!
....Kahit sobrang hirap, pinilit nilang lapitan si Lyka ngunit si Myka naman ang binalingan. Nilipad siya ng malakas na hangin sa isang sulok ng silid kung saan malayo sa kinaroroonan ng mga kaibigan....
Myka: Aaaaahhhhh!!!!
Brent: Mykaaaaa!!!!
Itutuloy...
Medyo mahaba ang kwento, sinubukan kong pag-isahin ngunit lagpas sa limitasyon ng steemit. Hayaan nyo munang kilitiin ko ang inyong imahinasyon ngunit huwag mangamba, ang kadugsong ay ililimbag din sa araw na ito.
Salamat sa pagtangkilik, nawa'y nabigyan ko kayo ng isang magandang istoryang naglalaro sa inyong isipan...
Ang kwentong ito'y unang nalimbag sa aking blogspot account: http://aldevangelista.blogspot.com/ noong Biyernes, ika-isa ng Hulyo taong Dalawang Libo at Labing-isa
Edited:
Hi! I am a robot. I just upvoted you! I found similar content that readers might be interested in:
http://aldevangelista.blogspot.com/
Hi @cheetah, yes, that's my blogspot account and the link is also included in my post. Ohh, by the way, there will be part 2 so for sure, I will see you there too... hehehe...
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Salamat @c-squared sa pagtangkilik ng aking likha. Mabuhay! 😊
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by pingcess from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.