"Susana Diaz" SAKRIPISYO NG ISANG LOLA

in #magigiting6 years ago (edited)

Siya si nanay Susana ' Susan ' Diaz. Si nanay ay taga Lorega San Miguel, Cebu City at napadpad lamang dito sa Pajo, Lapu - Lapu City. Hindi na masyadong makakita si nanay kahit anino ay pinagkamalan nyang isang bangin.

Noong Mayo 17, 2018, alas 8 nang gabi ay magkasama kami ng nobya ko nang makita namin si nanay na hirap kung maglakad kaya inalalayan namin siya. Tinatanong namin siya kung saan siya galing at saan siya papunta. Nagulat ako ng sinabi niya ay papunta siya sa Lorega San Miguel, napakalayo nang lugar na lorega San Miguel. Paulit - ulit kong sinabi na hindi tama ang direksyon niya kaya nag desisyon akong papasakayin si lola ng jeep at hindi ako umalis hanggat hindi siya makakasakay at ma swerte talaga kase nang paghatid ko sa kanya sa terminal ay may dalawang lalaki na sinasabing ihahatid si nanay susan sa patutungohan niya.

May aral akong natutunan nung gabing yun. Nagpapasalamat ako dahil may Lola at Ina pa akong gumagabay at sumasakrisyo para sa aming magkapatid at ni minsan hindi ko pinagsasalitaan ng masama Nanay ko at ang lola ko. kaya hangga't nandyan pa sila, alagaan niyo ng mabutiIMG_20180517_211606.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 67227.10
ETH 3137.71
USDT 1.00
SBD 3.76