Nagkita Tayo - Filipino Poem

in #pilipinas6 years ago

Note:
4th poem written in Filipino language. Already posted on my page Leero de Pepperono


Nagkita tayo
Sa lugar na kung saan
Hindi ko inaasahan
Na makikita ko ang mukha mo

Tinawag mo ako sa pangalan ko
Ang tono
Ang boses mo
Wala pa ring pinagbago

Mga ngiti sa iyong labi
Mga matang para bang bituin sa gabi
Kumikinang
Kay sarap titigan

At nung palad na'tin ay nag-isa
Puso'y tumitibok ng sabay
Dugong buhay
At sa ugat ko'y nananalaytay
Doon ko nasabi
Na hanggang ngayon
Ika'y aking iniibig

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 64582.42
ETH 3502.70
USDT 1.00
SBD 2.46