"Word Poetry Challenge #8". Tema : "Tagpuan" | Tagalog Edition
Hello mga Makatang Pinoy!
Nais kong ipahayag panibagong edisyon ng "Word Poetry Challenge" (Tagalog Edition), ito'y isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain.
Ngayon, nasa ikatlong edisyon na tayo ng naturang paligsahan na may panibagong tema para sa inyong mga entries.
"Tagpuan"
Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada apat na araw para mas kapana-panabik para sa mga Pilipinong makata.
Panibagong Tuntunin : Upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang mga Steemians na manalo sa naturang paligsahan, ang mga nanalo bilang Champion at 1st runner-up sa Word Poetry Challenge #7 ay pwedeng magsumite ng kanilang entries (na bibigyan ng upvotes), ngunit bilang pagbibigay ng pagkakataon sa ibang Steemians na manalo, ay hindi pwedeng hirangin sa paligsahan ngayon.
Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?
"Tagpuan"
Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema para patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Tagpuan". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.
Alituntunin | Panuntunan
Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan"
Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge
Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog.
Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.
Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.
Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makalahok sa paligsahang ito.
Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapatunayan)
Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.
Gantimpala
Winner - 5 Steem Dollars
1st runner-up - 3 Steem Dollars
2nd runner-up - 2 Steem Dollars
Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong June 29, 2018 at 11:59 a.m. (UMAGA) (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.
Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa June 30, 2018 (Sa Gabi) kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.
Ang Ating Hurado ay si : @blessedsteemer
Maraming Salamat sa Sponsor ng Paligsahang ito
@donkeypong
At kay @surpassinggoogle na patuloy na sumusuporta sa mga gawa ng mga makatang Pinoy.
Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :
- Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
- I-upvote ang post na ito.
- I-resteem ang post na ito.
- Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
- Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email ijassenn@gmail.com
Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)
Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.
Wow! Isang napakalaking karangalan po ang maging isang hurado sa patimpalak na ito ni ginoong @jassennessaj! Salamat po sa napakalaking oportunidad na ito na isa ako sa mga pipili sa mga magagaling at batikang mga makata na lalahok sa patimpalak na ito. "Tagpuan" napakalawak na tema..at naway bigyan ako ng Panginoon ng talino upang mapili ko ang karapat dapat manalo! Goodluck po sa lahat!😊
Ito po ang aking entry sa edisyon na ito. Maraming salamat po. :)
https://steemit.com/wordchallenge/@oscargabat/word-poetry-challenge-8-tagpuan
Aking tampok sa iyong patimpalak. https://steemit.com/wordchallenge/@tinkerrose/word-poetry-challenge-8-tagpuan
https://steemit.com/wordchallenge/@mhelrose/word-poetry-challenge-8-tagpuan
Magandang araw Ginoong @jassennessaj ito po ang aking akda.
#2
https://steemit.com/wordchallenge/@twotripleow/word-poetry-challenge-8-tema-tagpuan-or-tagalog-edition-2nd-entry-a4de5978884d9est
Narito ang aking inilalahok sa iyong munting patimpalak. Muli salamat @jassennessaj..
https://steemit.com/wordchallenge/@reginecruz/word-poetry-challenge-8-tagpuan
Mabuhay mga Makatang Pilipino! Narito ang aking akda https://steemit.com/wordchallenge/@wondersofnature/word-poetry-challenge-8-tagpuan-f38ebff865f2d
Mapagpalang gabi po! Narito po ang aking akda para sa inyong #wordchallenge. Maraming salamat po!
unang entry ko boss, salamat.
https://steemit.com/wordchallenge/@mrnightmare89/word-poetry-challenge-8-tagpuan
Ito po ang aking lahok! Sana po magustuhan ng ating hurado.😊
https://steemit.com/wordchallenge/@greatwarrior79/word-poetry-challenge-8-tagpuan-my-entry