A Filipino SteemPress Guide - Pag-install, Pag-setup at mga karagdagang kaalaman tungkol sa SteemPress!

in #steempress6 years ago (edited)

steempress.png

Steempress


Ito ay isang gabay sa pag-install ng steempress plugin sa iyong wordpress account. Ang steempress ay isang bagong kasangkapan o kagamitan sa steemit o sa steem blockchain. Ito ay isang open-source na plugin na ginawa nila @fredrikaa at @howo sa kagustuhang matulungan ang ibang gumagamit ng steemit na maibahagi ang kani-kanilang akda o artikulo sa pangkalahatang mambabasa o mga internet audience kung tawagin. Dahil sa plugin na ito, maaari mong mailathala ang iyong mga artikulo sa iyong personal na blog habang ito naman ay nailalathala sa iyong steemit na account. Kasabay din sa layunin ng steempress na maipreserba ng maayos ang mga akda sa steemit ng pangmatagalan at nang pwede itong mapagkakitaan ng mga may-akda na iba sa kinikita sa steemit. Napalaki ng tulong ng steempress sa mga long-term bloggers o 'yong mga taong kinabubuhay na ang pag-gawa ng blog. Sa kabuohan, hindi lang ito nagpapaganda o nagpapadali ng mga gawain ng isang may-akda sa pag-gawa ng samo't saring atikulo kundi, ito rin ay nakakahatak ng maraming tao o mga users na sumali sa steemit, mga taong may potensyal na maging magaling na may-akda.

Sa gabay na ito, matututunan mo ang mga sumusunod:

  • Saan i-download ng steempress plugin.
  • Paano i-set up ang iyong steemit account sa wordpress.
  • At ano ang mga dapat na meron ka para makapag-umpisa sa mga nabanggit sa itaas.

Ito ang mga unang bagay na dapat mong gawin bago mag-install ng steempress plugin:

  • Gumawa ng account o mag-sign up sa steemit.com
  • Gumawa ng account o mag-sign up sa wordpress.org
  • At gumawa ng blogsite sa pamamagitan ng mga sumusunod:
    1. Bluehost- rekomendando ng wordpress ngunit may bayad.
    2. O magpagawa ng isang blogsite sa @vornix o @xopus(sila ang tutulong sa iyo) - rekomendando para sa mga bagohan.

Pag-install ng steempress at pag-set up ng steemit account

https://wordpress.org/plugins/steempress - Download

Kapag nakuha mo na ang mga kailangan mong makuha, sundin lamang ang mga sumusunod ng hakbang:

  1. Pumunta sa https://login.wordpress.org/ at mag log-in. Hanapin ang steempress plugin at i-install


  2. Pumunta sa Settings at pindutin ang SteemPress para maayos ang pagkonekta ng iyong steemit sa iyong wordpress.

  3. Sa SteemPress Settings, ilagay ang iyong steemit username at ang iyong private posting key.

    snip1.PNG

  4. Ang iyong private posting key ay makikita sa iyong steemit account, Wallet > Permissions > Show Private Key

    snip2.PNG

  5. Kopyahin ito at ilagay sa SteemPress Settings.

    snip1.PNG

  6. Maaari kang pumili kung ano sa dalawa ang gusto mong paraan ng pagtanggap ng rewards: 100% Steem Power o 50% SBD and 50% Steem Power. At maaari mo ring i-set ang defualt na tags para sa iyong mga katha.

    snip3.png

  7. Pagkatapos mong mailagay lahat ng importanteng detalye para kumunekta ang iyong steemit account sa wordpress. Nararapat lamang na ito'y iyong i-save

    snip4.png


Mga karagdagang tulong at kaalaman ukol sa Steempress at mga kaugnay nito:


  • Ang Steempress ay isang decentralisadong applikasyon ng steem blockchain kung saan ito ay naglalayong mag-bigay ng nararapat na gantimpala sa mga akda na karapat-dapat sa kanyang ginawang lathala o katha.
  • Ang Steempress ay isang kumunidad ng binubuo ng mga magagaling na curator at mga taong nagbibigay halaga at importansya nito. Binubuo rin ito ng mga taong malikhain at kapakipaki-nabang sa kumunidad. Sumali sa kanilang Munting Kumunidad sa Discord.
  • Bisitahin ang @vornix at @xopus na account para sa karagdagang tulong tungkol sa pag-gawa ng blogsite na nakakabit na sa wordpress na account. Napakalaking tulong ng kanilang serbisyo para sa mga bagohan sa steemit o sa pag-blog at napakamura lang para magpa-gawa ng blogsite sa kanila.

New-Animation-1.gif

Sort:  

Steempres has also been developed in Indonesia. Post @fredrikaa and @howo released the information, about a month ago. Many wordpress users in Indonesia combine both systems.

I myself joined @steempress-io on the 12th of last month 6. So far there have been 30 postiungan that I publish through @steempress-io.

Success to all of us from @munawir91 - Indonesia.