A Filipino SteemPress Guide - Pag-install, Pag-setup at mga karagdagang kaalaman tungkol sa SteemPress!
Steempress
Sa gabay na ito, matututunan mo ang mga sumusunod:
- Saan i-download ng steempress plugin.
- Paano i-set up ang iyong steemit account sa wordpress.
- At ano ang mga dapat na meron ka para makapag-umpisa sa mga nabanggit sa itaas.
Ito ang mga unang bagay na dapat mong gawin bago mag-install ng steempress plugin:
- Gumawa ng account o mag-sign up sa steemit.com
- Gumawa ng account o mag-sign up sa wordpress.org
- At gumawa ng blogsite sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Bluehost- rekomendando ng wordpress ngunit may bayad.
2. O magpagawa ng isang blogsite sa @vornix o @xopus(sila ang tutulong sa iyo) - rekomendando para sa mga bagohan.
Pag-install ng steempress at pag-set up ng steemit account
https://wordpress.org/plugins/steempress - Download
Kapag nakuha mo na ang mga kailangan mong makuha, sundin lamang ang mga sumusunod ng hakbang:
Pumunta sa https://login.wordpress.org/ at mag log-in. Hanapin ang steempress plugin at i-install
Pumunta sa Settings at pindutin ang SteemPress para maayos ang pagkonekta ng iyong steemit sa iyong wordpress.
Sa SteemPress Settings, ilagay ang iyong steemit username at ang iyong private posting key.
Ang iyong private posting key ay makikita sa iyong steemit account, Wallet > Permissions > Show Private Key
Kopyahin ito at ilagay sa SteemPress Settings.
Maaari kang pumili kung ano sa dalawa ang gusto mong paraan ng pagtanggap ng rewards: 100% Steem Power o 50% SBD and 50% Steem Power. At maaari mo ring i-set ang defualt na tags para sa iyong mga katha.
Pagkatapos mong mailagay lahat ng importanteng detalye para kumunekta ang iyong steemit account sa wordpress. Nararapat lamang na ito'y iyong i-save
Mga karagdagang tulong at kaalaman ukol sa Steempress at mga kaugnay nito:
- Ang Steempress ay isang decentralisadong applikasyon ng steem blockchain kung saan ito ay naglalayong mag-bigay ng nararapat na gantimpala sa mga akda na karapat-dapat sa kanyang ginawang lathala o katha.
- Ang Steempress ay isang kumunidad ng binubuo ng mga magagaling na curator at mga taong nagbibigay halaga at importansya nito. Binubuo rin ito ng mga taong malikhain at kapakipaki-nabang sa kumunidad. Sumali sa kanilang Munting Kumunidad sa Discord.
- Bisitahin ang @vornix at @xopus na account para sa karagdagang tulong tungkol sa pag-gawa ng blogsite na nakakabit na sa wordpress na account. Napakalaking tulong ng kanilang serbisyo para sa mga bagohan sa steemit o sa pag-blog at napakamura lang para magpa-gawa ng blogsite sa kanila.
Steempres has also been developed in Indonesia. Post @fredrikaa and @howo released the information, about a month ago. Many wordpress users in Indonesia combine both systems.
I myself joined @steempress-io on the 12th of last month 6. So far there have been 30 postiungan that I publish through @steempress-io.
Success to all of us from @munawir91 - Indonesia.