Alak Blog #7: San Miguel Beer (Pale Pilsen)

in #alak7 years ago

Pangalan pa lang pre parang tumanda ka na ng sampung taon.
Eto ang serbesa sa paborito ng mga tatay at lolo ng kahit sinuman. Masarap na kahalo neto yung videoke na nirerentahan tapos may kumakanta ng a man without love ni engelbert humperdinck tapos yung singer na tatay wala sa tempo kung di late e advanced. Kadalasan sila yung sinusugod ng barangay.
Eto din ang best seller sa mga bar na nasa liblib dahil may mga GRO na kasama. At madalas pale pilsen ang nagiging sanhi ng mga tambay na magkakaaalitan kaya nauuwi sa suntukan sa hangin.
Purong kalawang yung lasa neto pre. Isipin mo na lang na umiinom ka ng carbonated na tansan. Pag nadighay mo to e baka isipin mo na kumakain ka ng bakal. Masarap na pulutan dito yung mani na may bawang na nabibili sa tabi-tabi.
Pag nakarami ka neto sobrang sakit sa ulo. Ikaw ba naman uminom ng tansan e tangina. Saka ang bigat sa tiyan neto. Pero pwede na din. Kung nararamdaman mo na ang midlife crisis e eto ang beer mo.

Lasa: 7.5/10
Tapang: Kung takot ka sa tatay mo matapang to
Chaser: No need. Lamig lang pwede na

SOURCE: https://www.facebook.com/TKMPv2/photos/a.244731859380538.1073741828.244706269383097/245085732678484/?type=3&theater

Sort:  

This post has received a 1.04 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 61574.21
ETH 3389.80
USDT 1.00
SBD 2.52