Thank you steemit!!!
Do not worry about anything, but pray and ask God for everything you need, always giving thanks.
Philippians 4:6
Noong nakaraang linggo, hindi ko maipaliwanag ang lungkot na aking nadarama ng iwanan ko ang aking anak. Magtatatlo linggo na ng ako ay nagsimula bumalik sa trabaho. Mas masakit pala para sa isang magulang an iwanan ang kanyang anak kapag ito ay gising. Oo, apat na buwan pa lang ang baby ko, hindi pa nya magawa ang humabol at umiyak. Pero makikita mo sa kanya mga mata ang lungkot. Lungkot na maiiwan na naman sya. Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak, lalo na at alam ko hindi ako makakauwi sa susunod na linggo dahil sa wala pa sahod. Wala akong nasambit sa anak ko kundi, mahal na mahal ko siya at huwag nya ako kakalimutan.
Habang nasa byahe ako, ang luha ko wala sawa sa pagpatak. Nananalangin ako sa Panginoon, sana makauwi ako sa katapusan ng linggo. Sobra bait talaga ng ating Dyos, dininig agad ang aking panalangin. Nakita ko na may laman na pala ang aking steemit wallet, halaga $14. Maliit lang kumpara sa iba, ngunit malaki na para sa akin. Ang saya ko ng malaman ko kulang kulang sa lima libo ang halaga noon. Agad ko naisip ang aking anak, magagawa ko umuwi para sa kanya. Agad nagpasalamat sa ating Poong Maykapal.
Thank you steemit, dahil dito nakauwi ako at may dala dala pa lampin at gatas. Napabakunahan ko na rin siya.
Salamat steemit, nakumpleto ulit ang aking pamilya. Nagkasama sama ulit kame.
Dahil sa steemit nakabili ako ng gatas at lampin.
Napabakunahan ko rin ang aking anak ng ROTA(bakuna para sa iwas pagtatae).
Salamat sa inyo lahat.
Salamat @erangvee
Resteemed your article. This article was resteemed because you are part of the New Steemians project. You can learn more about it here: https://steemit.com/introduceyourself/@gaman/new-steemians-project-launch