ANG KAHARIAN NG ROMELANDIA.
>Halo-halong emosyon ang nananahan sa kaniyang puso. Pagkadismaya at galit sa sarili, dahil hindi niya na inabutan ang lolo dahil sa poot na inalagaan niya sa kaniyang dibdib, ang poot sa taong pinagkatiwalaan niya nang husto. At ang pangungulila sa taong nag-aruga sa kaniya mula nang magkamalay siya. Hinayaan niya nang lumaya ang kaniyang damdamin. Unti-unting umagos ang mga luhang kay tagal niyang pinigilang humulagpos. Hindi niya namalayan ang pagbabagong nagaganap sa kuwaderno sa bawat pagpatak ng kaniyang luha rito.
Sa mabilis na pagpatak ng luha ni Sam ay biglang lumiwanag ang kapaligiran ng kaniyang kwarto at biglang lumabas ang isang maganda, maalindog at makinis na diwata.
Pitlag na pitlag ang dalaga at hindi makapagsalita, nang makita niya ang diwata na nagmula sa kwaderno na ipinamana sa kaniya ng kaniyang lolo. Hindi rin niya sukat akalain na may lalabas na diwata, nang dahil sa pagpatak ng kaniyang luha.
Lumuhod ang diwata sa harap ni Sam at sinabing "ikaw ang missing piece na nakatakdang magligtas sa kaharian ng Romelandia. Sana'y tulungan mo kaming mabawi ang batong nawawala sa aming kaharian. Nang sa gayon ay mawala na ang peligro doon".
"Haha! Anong kalokohan ang pinagsasasabi mo? Anong malay ko riyan sa mga 'yan? Wala naman espesyal sa akin. Hindi ako sasama sa'yo ok? Kasi tumatayo ang mga balahibo ko sa mga sinasabi mo". Sagot ni Sam sa paliwanag ng diwata.
"Marahil ay alam mo na, kung bakit 'yang kwaderno na 'yan ang ipinamana sa'yo ng iyong lolo, sapagkat ibig niyang malaman mo kung sino at ano ang nangyari sa'yong mga magulang. Batid ko rin ang nagaganap sa buhay mo. Simula bata ka hanggang ngayon, sapagkat ako'y iyong tigapagbantay". Buntong hiningang paliwanag ng diwata.
"Anong alam mo sa buhay ko diwata? Anong alam mo sa sakit na nadarama ko? Anong alam mo sa pighating dala-dala ko? Marahil gusto mo lang samantalahin ang kagustuhan ko na makita ko ang aking mga magulang". Usal ng dalaga, kasabay pa nito ang pagbaha ng luha mula sa maaamong niyang mga mata.
Dinig na dinig sa buong mundo ang paghagulgol ni Sam. Lumipat ang diwata at niyakap na parang kapatid niya ang dalaga. Hinimas-himas likod at pilit pinatatahan ang tila isang musmos na ayaw lumubay sa pag-iyak.
Hanggang sa lumipas ang ilang sandali at pumayag na rin si Sam na sumama patungo sa Romelandia. Batid kasi niya na baka nasa Romelandia na ang sagot sa mga tanong niya. Tila nabunutan ng tinik itong si Sam at tinangay pa ng hangin ang kaniyang masamang panaginip.
"Halika na at magmadali na tayo, sapagkat 48 oras na lang ang natitira at aatake na ang pwersa nila haring Juan Paolo at reyna Em-Em. Doon ka na lang ipaliliwanag sa'yo ang lahat-lahat". Ani ng diwata.
Lumiwanag muli sa buong kwarto ni Sam, mas maliwanag pa sa sikat ng araw. Nang biglang may bumukas na isang lagusan.
"Tara na sa Romelandia!"
Ilang minuto ang lumipas at nakarating na nang ligtas sa kastilyong ubod ng laki sa Romelandia ang diwata at si Sam. Sa nasabing kastilyo ay bumungad kaagad ang masipag at maagap na dama. Tawagin na lang natin siyang Luna.
"Maligayang pagbabalik Mystica! At sa'yong pagbabalik kasama mo na ang missing piece. Kay tagal mong nawala. Natutuwa ako sa'yong pagbabalik Mystica. Maligayang pagdating sa'yo binibini". Malugod na bati ni Luna.
"Utang ko ang buhay ko sa kaharian ng Romelandia. Kaya gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng ating kaharian". Tugon ng diwata.
Tumungo na kung saan naroon sina reyna Romeskie at haring Richard kasama na rin nila si prinsesa Aya. Nang makarating sina Mystica at Sam sa lugar kung nasaan ang mga maharlika ay lumuhod kaagad-agad itong si Mystica.
Samantala si Sam naman ay lingon nang lingon sa kapaligiran, manghang-mangha sa nakikita, sapagkat ngayon lamang siya nakarating sa kastilyong ubod ng laki, ubod ng luwang at ubod ng gara. Natulala naman ang lahat, nang makita na kakaiba ang kasuotan ng dalaga. Modernong-moderno kasi ang datingan ng dalaga. Ang mga kawal naman ay nakabaluti at nakasuot pandigma.
Napansin ni Sam na siya lang ang nakatayo, kaya naman ay lumuhod din siya nang dahan-dahan. Nang mapansin ito ni reyna Romeskie ay agad siyang pinatayo at sabay sabing "iha ikaw ang missing piece, mabuti at napagpasiyan mong sumama sa iyong tigapagbantay".
Pagkaraan naman ay nagsalita na rin ang mahan na haring Richard. "Eksakto ang iyong dating, marahil ika'y nagtataka kung bakit ika'y nandito. Ipaliliwanag ko sa'yo ang lahat-lahat, nang sa gayon ay hindi ka malito. Ikaw ang tinatawag na "missing piece" na ang ibig sabihin ay "ikaw ang nakatakdang magligtas sa kaharian ng Romelandia". Marahil ay nagtataka ka kung ano ang iyong magagawa sa kalagayan mong iyan.
Ang kwadernong ipinamana sa'yo ng iyong lolo ay ang magsisilbing grimore mo. Diyan nakasulat ang mga spells para magamit mo ang iyong kapangyarihan. Ang iyong kapangyarihan ay oras.
Ang kapangyarihan ng oras ay ang pinakamalakas sa lahat ngunit ang iyong pisikal na lakas ay mahina. Kaya naman ipinapakilala ko sa'yo ang aking kanang kamay na si Shawn. Siya ang pinakamalakas, pinakamakisig at pinakamabilis dito sa aming kaharian. Kayang-kaya ka niya protektahan sa lahat ng masasamang loob. Higit pa sa lahat ay wala siyang kahinaan. "mahabang paliwanag ni haring Richard".
Binuksan ni Sam ang kaniyang grimore at binuksan niya ito. Lumiwanag ang buong kaharian at nagmula ang mabangis na liwanag sa kwaderno/grimore niya. Sinabi sa kaniyang grimore na kaya ni Sam kontrolin ang oras. Kaya lang ay kailangan niya ng dalawang minuto upang mapagana ang kaniyan mahika.
"Mahal na hari. May tanong po ako. Sino po ba ang aking mga magaluang? Hindi ko pa kasi sila nakikita simula noong ako'y bata pa". Pangahas na tanong ni Sam.
"Ako na ang sasagot mahal. Ang iyong ama ay isang mortal na si Dennis at ang iyong ina naman ay isang elf. Dahil sa kapangahasan ng iyong ama, nadiskubre niya ang isang lagusan na nagdudugtong sa mundo ng tao at ang kaharian ng Romelandia. Tinahak ito ng iyong ama nang walang takot, ni hindi niya alam kung anong panganib ang naghihintay sa kaniya sa kaniyang ginawa, subalit talagang mapilit ang iyong ama".
"Sa kaniyang paglalakbay sa mayabong na kaharian ng Romelandia ay nakilala niya ang iyong ina. Dahil araw-araw tumatakas ang iyong ina sa kaharian ay hindi rin naman nagtagal ay nagkagustuhan sila. Kaya lang isang araw may hindi inaasahang pangyayari". "tugon ng mahal na reyna Romeskie".
"Ano po 'yon mahal na reyna?'
"Sinalakay ang kaharian namin ng kabilang kaharian at kinuha ang bata na kayamanan ng aming kaharian. Noong araw rin na 'yon ay ibinuwis ng 'yong mga magulang ang kanilang buhay bahagyang maprotektahan ang aming kaharian."
"Kung hindi po ako nagkakamali sila po 'yong ikinuwento sa'kin ni Mystica habang tinatahan namin ang lagusan patungo rito".
"Oo sila nga iha ang pwersa nila haring Juan Paolo at reyna Em-Em. Nais din nila na makuha ang 'yong grimore. Nang sa gayon ay maisagawa na nila ang pagpatay o lipulin ang lahi ng tao, kapag napasakamay niya ang iyong grimore ay makokontrol na nila ang oras at makararating sila sa kinabukasan. Tiyak ako alam na rin nila na nandito ka na sa Romelandia".
"Kung hindi pinigil ng 'yong ina ang oras ay baka patay na kaming lahat, tapos ay dinala ka na ni Mystica sa mundo ng mga tao. Ang iyong nakagisnan na lolo ay hindi mo kaano-ano, pati na rin ang mga naka gisnan mong kamag-anak".
<h1>48 oras bago magsimula ang digmaan.</h1>
Sa kabilang dako ay inihanda na ni haring Juan Paolo ang 100,000 niyang kawal upang magtungo sa boundary ng kaharian ng Romelandia at kaharian ng Berdihan. Sa pangunguna ni heneral Valeria. Ang kaharian ng Berdihan ay mayaman sa puno at kung ano-ano pang mga tanim.
Si haring Juan Paolo ay isang diktador na hari taliwas sa pamumuno ni reyna Romeskie. Malupit, mapagmalabis at mapaghiganti. Ganoon na lamang ang galit niya sa mga tao, sapagkat isang tao ang sumira sa likas na yaman at pa rin sa pansariling interes. Ang tinutukoy niya ay ang tatay ni Sam.
Ipinag-utos ni heneral Valeria na lumakad na nang maaga, nang masakop na kaagad nila nang maaga ang kaharian ng Romelandia. Magaling na tactician itong si heneral Valeria kaya madalas nagagapi nito ang mga kalaban. Hindi pa rin nananalo ang kaharian ng Romelandia sa pamumuno ni heneral Valeria.
Samantala, nagbabaga ang galit ni Sam nang narinig niya ang kwento ng mahal na reyna. Hikbi at iyak ang naging tugon niya sa sama ng loob na kaniyang nararamdaman. Habang ang palad niya naman at ang kwaderno/grimore ay naglapat, dahil sa lakas ng awrang kaniyang binitiwan. May nabuong bagong spell sa kaniyang grimore.
Bibihira sa isang time magic user ang magkaroon ng isang spell na atake, dahil kakaiba itong si Sam, nagkaroon siya ng isang makapangyarihang spell. Ang black magic time warp zone. Ang nasabing spell ay dadalhin nito ang sino mang nais niya sa lugar kung saan siya lang mag-isa. Doon sa lugar na unti-unti kang papatayin, at kailaman ay hindi na makababalik sa mundong nakagisnan. Kung baga sa mundo ng kawalan.
Maramdaman agad ni Shawn ang malakas na awra, kaya naman hinanap niya ito at tinunguhan.
Habang nag-aapoy sa galit itong si Sam, unti-unti namang nagpapalit ang korte ng kaniyang grimore. Nagkaroon ito ng tatlong dahon sa gitna. Na ang ibig sabihin sa ay kapayapaan, pagmamahal at pag-asa.
Hindi makapaniwala ang dalaga sa nasaksihang pagbabago, ulti mo dami niya ay nagbago rin. Kung dati ay makabago, moderno at makatao ang kaniyang kasuotan, ngayon ay isang pandigma na akala mo isang dyosa dahil sa ganda ng hubog ng katawan niya.
Ang dating masiyahin at matalinong babae, ngayon ay punong-punong ng galit ang kalooban. Gulat na gulat naman si Shawn nang makita niyang nag-iba ang bihis ng dalaga. Kaya naman ay hindi niya napigilan ang humanga rito. Napa holy shit! na lang itong si Shawn.
Umilaw ang mga mata ni Sam, kasing liwanag ng isang nagniningning na bituin. Napatingin siya kay Shawn na akala mo papatay ng tao. Sadyang matalas lang talaga itong si Shawn kaya naman dumistansiya siya kaagad. Batid niya kasi na delikado na lumapit sa dalaga, sapagkat tila hindi ito nakakikilala.
"Pangahas na nilalang. Ano ang iyong pakay". "ani Sam".
"Hindi ako kalaban magandang bibini, nagtungo ako rito sapagkat may naramdaman akong kakaibang awra na nagmumula sa lugar na ito. Isa pa inatasan din ako ng mahal na reyna na maging iyong panangga sa kahit anong masamang elemento sa buong mundo". "tugon ni Shawn".
Tumigil pansamantala ang nag-aapoy na galit ni Sam. Napagtanto rin niya na hindi niya dapat sinasaktan ang kaniyang mga kakampi. Bagkus ay nakikipagkoopera siya rito.
Humingi ng paumanhin si Sam at sinabing kung maaari ay gusto niyang mapag-isa at kung pwede rin ay maghintay na lamang ito sa labas bago maganap ang digmaan.
Walang nagawa si Shawn, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Kaya naman sa labas na lamang siya nagbantay at doon nagpalipas ng magdamag.
Lumipas ang ilang araw at nalalapit na ang paghuhukom. Nakarating na sa boundary at hukbo nina heneral Valeria at heneral Shawn. Abot tanaw na ang magkabilang panig. Isang hudyat lang ng kanilang mga hari/reyna ay magsisimula na ang nadugong digmaan.
Sa kadahilanang mapusok itong si haring Juan Paolo ay agad niyang ipinalapit pa ang kanilang hukbo papunta sa hukbo nila heneral Shawn. Agad naman dumepensa ang hukbo sa mapupusok na mga kawal.
"Sugod mga kawal. Narinig niyo na ang senyales ng mahal na hari". "ani Valeria".
Habang nagkakana ang magkabilang hukbo. Gulat na gulat naman si heneral Valeria, sapagkat dalawa lamang ang kaniyang kaharap. Sina Sam at Shawn lang ang humarap sa natitirang 70,000 mga kawal.
Inilabas ni Sam ang kaniyan grimore at inilipat sa pahina kung nasaan naroroon ang bago niyang spell. I-cinast na niya ang spell at nilipol nito kaagad-agad ang 70,000 kawal ng kalaban.
Hindi pa dito natatapos ang dark magic ni Sam, habang umaagos ang dugo sa battlefield ay may nabubuong isang mabagsik na creature. Ang nasabing creature ay nagmula sa mga patay na tayo na nilipol ng black magic ni Sam.
Hindi makapaniwala sa nasaksihan sina Valeria at Juan Paolo. Bumaha kasi ng dugo sa buong battlefield at sa isang iglap ay naubos ang kanilang mga tauhan.
Samantala si Sam naman ay naubusan ng MP. Mga kalahating oras pa ulit bago siya makapag-cast ulit ng spell. Kaya naman si Shawn ay matiyagang nagbabantay sa kaniya.
"Lumakad pa tayo Shawn. Tapusin na natin ito". Nagpupumilit na sabi ni Sam.
Walang nagawa ang nerbyos na nerbyos na si Shawn, kaya lumapit na lang sila kung nasaan ang mapagmalabis na hari.
Ilang minuto lang ang pagitan at nagtagpo na ang magkatunggali. Hindi pa rin bumabalik ang kapangyarihan ni Sam. Kailangan pa niya maghintay ng 20 pang minuto.
"Ito ba ang hinahanap niyo? Ito ba huh? Mamamatay muna ako bago niyo makuha itong batong ito". "galit na galit na wika ni haring Paolo".
Binunot niya ang kaniyang matulis na espada, ganoon din si Shawn. Ipinagilid muna ni Shawn si Sam sapagkat cool down pa ang kaniyang skills.
Nagbuno ang dalawa hanggang sa huli nilang mga hininga. Pagod na pagod parehas ang magagaling na swords man. Kaniya-kaniyang tira nang skills ang magkatunggali na nagresulta sa pagkahapo. Na tila lantang gulay ang mga pobre.
Maya-maya pa'y bumalik na ang lakas ni Sam. Biglang lumiwanag ulit dahil sa malakas na awra ni Sam at sinabing "magbabayad ka sa mga kasalanan mo sa mga magulang ko haring Juan Paolo. Dadalhin kita sa mundo ng kawalan".
"Yami maho, yami matoi". Iyan ang huling katagang binitawan ni Sam upang dalhin si haring Juan Paolo sa ibang dimension.
Samantala inutusan ni Valeria na retreat ang mga buhay pang kawal. Wala namang dahilan sina Sam na ubusin pa ang mga ito, sapagkat walang dahilan upang ipagpatuloy pa ang labanan, sapagkat ay natapos na niya si haring Juan Paolo.
Naibalik na nila ang batong hiyas na dapat nitong paglagyan at nagbalik na rin ang kaayusan at katahimik sa buong Romelandia. Salamat kay Sam.
Posted from my blog with SteemPress : http://twotripleow.steemitblog.com/wp/2018/10/15/ang-kaharian-ng-romelandia/
Hi! I am a robot. I just upvoted you! I found similar content that readers might be interested in:
http://notableph.blogspot.com/2018/01/ito-pala-ang-mga-dahilan-kung-bakit.html
OMG! That's way different. The link you posted is all about PORK. Dang cheetah why you gotta be so mean?
Ang astig ng fight scene! Siguro may resbak pa yan si heneral. haha. Abangan!
Haha hindi na 'yan. Tahimik na ngayon sa Romelandia. Baka nga si Aya na ang Reyna ngayon doon haha.
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.