KATHANG TULA PARA SA MADLA: "KAIBIGANG TUNAY" - FILIPINO POETRY #17
"KAIBIGANG TUNAY"
Magkasama simula pa ng una
Samahan tumibay sa twina
Sanggang dikit na di pinilit
Nahinog sa panahon at itoy nahubog
Nariyan palagi kapag kailangan mo
Mga taong handang umalalay sayo
Kasama sa tuwa at sa saya
Di ka iiwan sa gitna ng problema
Kayamanan na maaring ituring
Sa salapi ay di maaring ihambing
Pagkat itoy higit na mahalaga
Sa lahat na kayang bilhin ng pera
Saludo ako sa iyo aking kaibigan
Pagkat kailan may di ka nang iwan
Mahirap humanap ng gaya mo
Na handang tumulong kung kailangan mo
mahusay ka talaga kaibigan
isa kang tunay na makata.
Salamat tol!
Thank you for collaborating with me to promote this post as explained at https://steemit.com/steemit/@jerrybanfield/10-ways-to-fund-a-steem-growth-project.