Hanggang kaibigan lang ba?

in #filipino-poetry7 years ago

Capture.PNG

Tulad niyo din ba ako?
Nagmahal , nasaktan at naloko?
Di alam kung bakit todo-todo
Todo-todo ang pagmamahal ko sayo

Kahit na alam kong kaibigan lang ako
Nagasam pa rin para sayo
Na balang araw mapapasaken ang puso mo
Kahit ang mga ito ay imposibleng mangyari at magkatotoo

Ako'y nagmahal pero kinaibigan
Kahit alam kong ako'y masasaktan
Patuloy pa rin ang laban
Kahit na iba sa puso mo ang nilalaman

Parating nasa tabi mo
Kahit na sa aki'y kaibigan lang ang turing mo
Kapag nasaktan ka ng kahit sino
Asahan mong ako'y masasandalan mo

Bawat segundo o minuto
Nagmamahal pa rin sayo
Kahit ilang beses mo pang ipagtabuyan
Ako't ako parin ang iyong maaasahan

Pag kausap ka'y lahat nagiiba
Na para bang wala kong kasama
Sa isip ay parang kasama ka
Kahit ang mga ito'y hindi magkakatotoo pa

Pag nakikita ka'y puso'y di maiwasang pumintig
Kahit alam kong hindi ako ang iyong iniibig
Sa bawat oras o araw na ito'y nangyayari
Gayunpama'y puso'y di maiwasang ngumiti

Oh aking kaibigan
Salamat sa pagmahahal na diko maiwasan
Na sayo'y nararamdaman
Ako'y masaya kahit na masakit man

Sort:  

Beautiful poem:)
Steem On!

Take some imaginary @teardrops (Smart Media Tokens)

this is soooo nice , love the words dear :) we love because it is our choice and we feel it, there is nothing wrong with that, even if it hurts , just love...

Thank you. Yeah. Love can make people Contented even if it hurts

@shinize, yep even if it hurts. it's okay to feel that way, it's not love if you won't get hurt. If it pains you that means you really love that person.... just love

wat a char!

What a beautiful @allenench

Hahaha.. anah jud shinize.

I have been seeing more photos like this lately where to girl holds the guys hand and walks with him. Interesting but also a little strange for my tastes.