#177 Filipino Poetry: "Dating Ginagawa"
"Dating Ginagawa"
Hindi ko gustong balikan
Ang mga bagay na nagdaan
Mga dati nating gawi
Ngayon ay sa iba na kinukubli
Lahat na lang sa aki'y bumabalik
Pati mga bagay na ikaw ang dahilan
Bakit sa akin ito nakakapit
Bakit sa akin malaki ang sinapit
Dating ginagawa, di na mauulit
Marinig man lang ang iyong tinig,
Ay parang kanta
at sirang plaka na paulit ulit
Hindi ko gustong malaman
Na ako ang pulo't dulo ng iyong naranasan
Ayaw ko ring gawin,
Na maging sunodsunuran at maging alipin.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash
sad
Mahusay ka tol! Resteemed well deserved.
Galing idol...