MAGPASALAMAT TAYO SA PANGINOON NG BUONG PUSO

in Freewriterslast year

1.jpg

Madalas kung lumalapit tayo sa Panginoon kung nagdarasal tayo ay meron tayong sinasabing kailangan natin o di kaya naman ay naglalabas tayo ng sakit o sama ng loob natin. Walang mali dito dahil bilang Ama natin, gusto ng Panginoon na binubuhos natin ang puso natin Sakanya.

Pero sana tandaan din natin na hindi lang natin Siya Ama pero Diyos (Master and Lord) din natin Siya. At dahil dito kailangan pinupuri natin Siya sa lahat ng ginagawa natin hindi lang sa pagdasal natin. Kahit sa lahat ng aksyon, desisyon, at pati sa iniisip natin ay dapat pinapapurihan natin Siya.

2.jpg

Ang reyalidad ay kung lagi natin pinupuri ang Diyos, kahit anong hirap ng pinagdaraanan natin ay magpapasalamat padin tayo Sakanya dahil kung kilala talaga natin Siya at na-experience natin ang pagmamahal Niya sa atin at ang kapayapaan na Siya lang ang kayang magbigay at ang true joy na Sakanya lang nanggagaling ay hindi tayo magsasawa at hindi tayo titigil na magpasalamat Sakanya araw araw kahit ano ang sitwasyon na hinaharap natin.

3.jpg

GIVE THANKS to the Lord with ALL your HEART today. He loves you so much. Seek Him with all your heart so you can find Him and experience Him personally in your life. God is NOT just a concept. He is real. He is alive. 🙏❤️

Photos are mine and taken by me using my A10s
@ San Fenando City, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


me.png
image.png