STEEMIT PHILIPPINES PHOTOGRAPHY CONTEST WEEK 2: ANG AKING MAHAL NA PAMILYA

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Una po sa lahat, magandang gabi po sa inyo. Nais ko pong ibahagi ang larawang ito. Dahil ito ang pinaka di malilimutan kong regalo na natanggap sa pasko taong 2016. Ito ang unang gabing nakasama namin si mama sa loob ng isang taong di namin siya nakasama dahil nag trabaho siya abroad.

20210820_182635.jpg

Ang gabing pong iyan ay di ko malilimutan. Kasama namin si mama sa aming pagtulog. Pitong taong gulang pa po ako diyaan at para sa akin sa edad kong iyan napakahirap po malayo sa mama ko. Kahit na andyan naman si papa inaalagan naman po niya kami. Naalala ko pa sa tuwing pumasok na si papa sa trabaho kami lang tatlong magkakapatid ang naiiwan sa bahay, kami pa lang kasing tatlo ang anak noon. Kapag oras na nang pasok ko sa paaralan pumupunta ako sa lola ko para magpatali sa buhok ko. Hinde pa kasi ako marunong noon.

Talagang napakahirap po na walang nanay na sa bahay. Kasi simula pagka silang ko dito sa mundo nasa tabi ko na ang nanay ko. Naalala ko pa nung kwento niya sa akin na isinakripisyo niya ang trabaho niya para sa lang sa akin kasi simula nung naturukan ako ngipin naging masakitin na ako kaya si mama nag resign na lang sa tinatrabahuan niya. Ipinagpalit niya iyong trabaho niya nang dahil sa akin.

Sobrang saya naming lahat nang dumating si mama na wala pa ang pasko. Ibinigay sa amin ang matagal naming ipinagdasal. Sa araw na iyan hinde na talaga kami humiwalay sa mama namin. Kahit pumunta siya ng palikuran sinasamahan namin siya. Natawa tuloy siya at naawa sa amin kaya nang gabing iyan bago kami natulog naisipan ni mama na magkuha ng larawan at nangako na hinde na siya magta trabaho abroad dahil ayaw na niyang mawalay sa amin.

👉PAALALA:
Kaya sa mga batang katulad ko diyan. Huwag po kayong masyadong pasaway sa mga magulang ninyo. Maswerte kayo at di niyo naranasan minsan ang magdiwang ng pasko na di kumpleto.
Magandang gabi po sa inyong lahat

Ang inyong batang steemian,

@autumnbliss

Sort:  
 3 years ago 

You've got a free upvote from witness fuli.
Peace & Love!

 3 years ago 

Thank you

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 2.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

 3 years ago 

Thank you din po.

 3 years ago (edited)
PanuntunanPuna
1. Theme
2. Verified
3. Proper Title
4. Posted on Steemit Philippines
5. Only 1 photo
6. Proper tagging/steemexclusive❌it must be #photography-contestph
7. No. of words339
8. No. of entries1
9. Plagiarism ratepassed
10. Curators rate8
 3 years ago 

Salamat kuya sa pag correct.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 67396.07
ETH 3510.28
USDT 1.00
SBD 3.15