#club5050 - The Diary Game (March 16, 2022) Face To Face Classes Orientation

in Steemit Philippines2 years ago

PhotoGrid_Plus_1647389236398.jpg

Mapagpalang araw sa atin lahat lalo na sa komunidad ng steemitphilippines. Hangad ko na nasa maayos na kalagayan kayong lahat lalo na ang kalusugan ng bawat isa.

Sa araw na ito ang ibahagi ko ang naganap na orientation sa paaralan ng anak ko para sa pagsisimula ng face to face classes. Malaking bagay ito sa mga magulang at sa mga anak namin na makakapag aral na sila sa paaralan. Di tulad nh nakaraang taon sa pamamagitan lang ng modular learning at saka sa pamamagitan ng google meet classroom. Mahigit dalawang taon ganoon ang naging sistema ng kanilang pag-aaral.

IMG_20220316_082748.jpg

IMG_20220316_082724.jpg

IMG_20220309_113553.jpg

Dito sa lugar na ito nag-aaral ang anak ko sa lugar ng leyte. At makikita natin dito sa larawan kung saan ginanap ang Orientation sa isang covered court. At maraming mga dumalo na mga magulang.

IMG_20220309_113550.jpg

IMG_20220309_113332.jpg

IMG_20220309_113311.jpg
Suportado ng mga magulang ang face to face classes dahil mas matututo ang mga bata kaysa sa bahay lang. Sa loob ng dalawang taon dahil sa pandemya malaki ang nawala sa mga mag-aaral hinggil sa edukasyon at batid ito ng mga guro at mga magulang. Bilang magulang napakalaking bagay na may mga programa ang DEPED sa tulong ng ating gobyerno para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

IMG_20220309_110819.jpg
Napag usapan namin doon ang kahalagahan ng face to face classes na dahan- dahan ng ibabalik sa normal ang pamaraan ng poagtuturo pero may mga alituntunin na dapat pa rin sundin para makaiwas sa sakit. bagama't level 1 na ang sitwasyon dito sa lugar namin hingil sa pandemya kailangan parin mag-ingat.

IMG_20220316_080415.jpg

IMG_20220316_080350.jpg
Kahapon lang namigay ng tablet sa mga mag-aaral. At isa ang section ng anak ko ang napili dahil limitado lang ang makakatanggap. Malaking bagay din na nakapasa ang anak ko sa SPJ (Special Program in Journalism) dahil marami pweding matanggap na benepisyo, katulad ng tablet na eto, bali 21 lang sila nakatanggap para magamit nila sa bahay at sa school.

Hanggang dito nalang, sana nasiyahan kayo sa maikli kung talaarawan.

I hope you enjoyed this post and thank you for stopping by!

God Bless!
@caydenshan
ChYr1cJZCH5JkqXe3tdrNiB7sRxTnhdm6CFm8J2c3fftEJMdJtdywWnAJM5ZwWFByzSbnNZNUKNiPkS62U88Xq9BuRJdcZW9amscM3yCc3gKYLKou2WSAL5aP59JDRgrSUy6MHvCj1ShgqaGuTTD5iqATSNUmeGqgbkr2XPsTVkpvazFrbuZKXwSvRmCTx.png

Sort:  
 2 years ago 

marami na ang nag hihintay sa pagbabalik ng face to face talaga... gusto na ng mga studyante na makapasok sa paaralan ulit.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 68433.35
ETH 3735.63
USDT 1.00
SBD 3.66