ANG AMING PAGTITIPON PARA PAGBISITA SA MGA BAHAY NA BENEPESARYO NG MGA YERO

in Steemit Philippines3 years ago

Isang manigong bagong taon po sa inyong lahat. CHIBAS.ARKANGHIL po nagpapaalala, Bawat pagsubok ay may nakalaan na dahilan, kaya huwag mawalan ng pag-asa dahil habang may buhay may pag-asa.

20211231_055551.jpg

Ako po ay nagagalak at nakasama kami ng asawa ko sa aktibidad na ito na gagawin ngayong araw. Kahapon lang ay iniimbitahan kami ni @bien na sumama sa gagawing survey o pagbisita sa mga bahay na nasalanta ng bagyong odette. Ang aming aktibidad ay pinamumunan ito ni @bien at kasama rin namin ang aming mga kapwa steemian na sina @jonabeth, @marlon82 @agentlin423 @melinjane at ang aking asawa na si @natz04. May mga kapwa rin namin ka steemians na nabisita namin ang kanilang bahay.

received_618559776066323.jpeg

Bandang alas 9:00 a.m ay nagtipon muna kami sa bahay nina sir @bien. Nag usap-usap at maya't-maya pa ay sinimulan na namin ang aming pag bisita. Binisita namin ang isa rin sa mga benepesaryo ng 10 yero ang bahay na medyo malaki-laki rin ang na damage ng bagyong odette kasi halos wala ng nakatayo sa kanyang bahay o masasabi nating totally damage. Bakas sa mukha ng may-ari ang kalungkutan dahil sa isang iglap lang nawala ang kanilang pinaghirapan. Ngunit patuloy pa rin ang buhay 🤜🤜laban lang.

20211231_055551.jpg

Sa sumunod naman na bahay na aming nabisita ay halos lahat ng bubong nila ay natanggal. Pinalitan na lang muna nila ito ng isang trapal pansamantala upang hindi sila maulanan. Kagaya rin ng sa amin, ang aming tatlong yero ay nilipad rin ng hangin noong bagyong odette. Ang ginawa namin ay namulot kami ng mga ligaw na yero at aming ipinalit sa aming bubong na nilipad. Kasi wala pa kaming pambili ng bagong yero. Ngunit sa kasamaang palad ang aming napulot na ligaw na yero ay may marami rin palang butas. Hahahha maraming tulo kapag umuulan. Itinawa ko na lang para maibsan ang kalungkutan.

received_1459391964462188.jpeg

Ngunit ganunpaman sa kabila ng hagupit ng bagyong odette. Hindi kami pinabayaan ng Panginoon. Agad niyang sinagot ang aming mga panalangin. Dahil ang mga bahay na aming nabisita kahapon ay makakatanggap ng tig-sampung bagong yero bawat bahay. Malaking tulong ito para sa mga nawalan ng yero noong bagyo. Lubos ang aming pasasalamat sa mga nagbigay ng tulong dito sa pilipinas galing sa ibang bansa specially sa @wordsmiles, thank you very much. Sobra po naming na appreciate ang tulong na ibinigay po ninyo dito sa amin. At kay sir @bien na ginawa nilang tulay upang mapaabot sa amin ang tulong, daghang salamat sir, @bien.

received_2701811063297871.jpeg

Magkaiba man ang lahi, pagdating sa kalamidad nagiging isa ang lahat. Kaya sa iba diyaan, huwag mawalan ng pag-asa. Ika nga ng aming mayor sa siyudad "kasabay ng mga dahon sa puno na sumibol isabay rin natin dito ang ating pagbangon sa bawat isa.

Lubos na gumagalang,

@chibas.arkanghil

Sort:  
 3 years ago 

Thank you @worldsmiles for helping my friends in Mactan. It is really needed, thabk you so much.

 3 years ago 

Salamat dai.