Araw ng pamimigay ng mga yero sa pamilyang benepesaryo
Magandang araw po sa inyong lahat. Isa na namang panibagong araw at panibagong pag-asa para sa aming lahat ng nasalanta ng bagyong odette.
Excited at puno ng pag-asa ang araw na ito. Ng nakarating sa amin ang balita na ipamimigay na sa mga pamilyang benepesaryo ang mga yero. Masyado akong nasiyahan sa balitang aking natanggap. Isa kasi ako sa makakatanggap ng mga yero. Magkatapos marinig ang balitang iyon ay may dumating sa aming bahay na isa rin sa benepesaryo na nagpa-alam na kailangan naming pumunta sa bahay nina sir @bien. Di kami nagpalipas ng oras at agad kaming pumunta sa bahay ni sir @bien.
Sa paghahatid ng mga yero sa bawat pamilyang benepesaryo ay kasama kaming dalawa ng asawa kong si @natz04. Isa rin kasi siya sa tagabuhat ng yero ka partner niya si sir @melvinlumacad. Naka-alalay kami sa paghahatid ng mga yero sa ibat-ibang benepesaryo. Sumabay rin sa amin ang maulan na panahon subalit kagaya noon sa aming pag survey hindi parin ito naging balakid sa aming aktibidad. Tuloy-tuloy ito at walang makakahadlang. Bakas sa mukha ng mga benepesaryo ang saya at sobrang kaligayahan. Masyado silang nasiyahan sa mga yerong natanggap. Na siya namang tulong na galing sa @worldsmile.
Ang makita ang mga mukha ng mga pamilyang aming nahatiran ng mga yero na masaya at punong-puno ng pag-asa tanggal lahat ang aming pagod na nadarama. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagkakataong ito. Sobrang pasasalamat ko at naging parte ako ng aktibidad na ito. Kay sir @bien na siya ring pinaka abala sa aming lahat. Laking pasasalamat namin sa iyo sir dahil isa kami sa mga pamilyang nabenepisyuhan ng yero. Natz04, ok lang na naputulan ng tsinelas worth it naman sa mga yero na ating natanggap. Hehehe naputol kasi tsinelas niya dahil sa maputik na daan sanhi ng palaging umuulan.
Ang huli naming nahatiran ng mga yero ay ang kapwa rin namin steemian. Ang sarap ng pakiramdam pagkatapos maihatid iyon sa mga pamamahay na nangangailangan nito. Ilang minuto pa matapos kaming maghatid ay naisipan na namin ng asawa ko na umuwi na ng bahay. Mga bandang alas 2:30 na kami nakauwi sa bahay. Nauna na kaming mag-asawa na umuwi kasi mga bata lang ang naiwan sa bahay. Nagpa-alam na kami kina sir @bien, @jonabeth, @melvinlumacad, @richel at iba pang mga kasamahan namin. Isang matagumpay na araw ang aming natapos.
Panibagong taon, panibagong simula para sa mga pamilyang nasalanta ni odette. Patuloy pa rin ang buhay at parating magdasal sa maykapal.
Gumagalang,
Maraming salamat din sa walang sawang pagtulong po. Kahit babae at lalaki tsenilas ni @natz04 d naging sagabal tuloy parin sa pagbubuhat at pamimigay.
Salute to both of you!
Way sapayan sir, may gid pud nakakaplag ug walay pares nga tsinelas sa dalan hahaha... walay problema na sir anad nana siya ug kinawboy.
Lage murag ge andam rapud guro to para iyaha 😁😁
Hahaha maojud sir.
Your welcome bai. 👍message lng bai kung nagkinahanglan kag tabang diha.
Oo bai..basin unya or ugma bai. Mo chat rako bai.
Karon bai naa pa raba ko diri sa probinsya sa san remigio niuli ko ganiha. Pero akong asawa naa ra diha lapu2x bai.
Sabado pako kabalik diha bai.
Maka apas paka sa isa bai.. imu lang sa asawa para naay ma post bah.
Ok bai. Ako inform ako asawa. Paanhaon nko
Ito ang magandang naidulot sa atin ng Steemit. Kaya tuloy tuloy pang tayo sa buhay, kahit nabagyo babangon tayo. World smiles sana ay marami pa kayong matulungan. Ito ang kahulugan ng buhay, malasakit sa kapwa.
By the way friend, tagpila na ang palid sa sen dihaa? Mahala kaajo sa amo sa leyte, pinakanipos tag 500. Unsaon nalang ni.
Bitaw friend ang laki ng naitulong ng worldsmile dito sa amin. Mao man sad diri paghuman sa bagyo friend. Pero gi adto sa mga pulis ang nagpamahal presyo mao nang nibalik nas normal. Kani nga mga sen kay si sir bien ang nanganvas unya nag ask kos amo silingan nga nakapalit ang pinakanipis 200 plus na daw ang price. Kani amo gipang deliver baga mani.
Maajo dihaa, intawn sa amo. Nagapalabi lang ang namaligya kai daghan man mamalit ug nagkinahanglan. Grabe gyud ning uban mapahimoslanon sa panahon. Siguro pod kai layo ang gigikanan sa materyales, ambot ba ug naa bay gibuhat ang lungsod para mahunong na ang ingon ani nga presyo. Pinakanipis 500? Dili mada.