The Diary Game Season 2, 9-11-2021 Ang pagaalaga ko sa aking Anak na si King2x

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw sa ating lahat lalo na sa ating Steemit Phililippines family.

Sadyang gusto kolang ibahagi ang paglaki ng aking anak na si King King. Kasiyasiyang pakiramdam na makita kong unti unting lumalaki ang aking anak dahil naalala ko pa noon na sobrang liit niya talaga pero ngayon lumalaki na.

received_1670184406525072.jpeg

Ngayon ay ipapakita ko sa inyu ang picture nya habang natutulog at talaga namang napaka cute niyang tignan dito. Nakikita nga natin na napaka himbing nang kanyang pagtulog kaya masaya akong makita na ganito siya.

20210723_065258.jpg

20210723_065225.jpg

Ngayon ay nagising na rin ang aking anak at oras na upang alagaan pa siya nang mabuti dahil alam kong ito ang trabaho at obligasyon ko bilang isang ina. Kitang kita naman na masaya ang aking anak sa pag gising niya at nagpapasalamat ako nito sa Dios dahil sa bagong araw na ibinigay sa aming buong pamilya. Simula na din ito nang aking umaga kaya tiyak na marami na naman kamingnsusuongin pero sa tulong nang Dios ay makakaya namin ito.

20210725_090013.jpg

Ngayon din ay unti-unting nang natutunang ni King King ang kanyang palalakad dahil ito sa tulong nang kanyang walker at sa tuwing mailagay ko na siya dito ay talagang napaka likot pero masayang masaya siya dito at minsan nga ay tumatakbo na siya, baka ilang buwan ngayon ay marunong na siyang maglakad ang bilis talaga nang panahon.

Ngayon ay ang tanging dalangin ko lang sa Dios ang proteksyon at magandang pangangatawan sa aming buong pamilya.

Hanggang dito lang po ako at maraming salamat sa inyong lahat at sanay tankilikin ninyu ang yugto ng aking buhay. Ngayun nga ay si King King ay 9 na buwang gulang nah....darating ang araw lalaki at makakamit niya ang kanyang pangarap..

Thank you po at God Bless....

Ang inyong kaibigan,

@chishei2021

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Diary Game Contest Rule

Diary Game Contest with new Rule Added

God Bless po!!!