Celebrated World Teachers' Day At Waterfront Hotel Lahug, Cebu Philippines

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

20221004_100652.jpgWorld Teachers' Day Celebrated at Waterfront Hotel Cebu

Hello po, ilang days na lang at matatapos na ang buwan ng October kaya susulitin ko nang e habol ang pag post ng mga beautiful memories ko as a teacher.
One of my favorite months kasi ang October. Sa buwan na ito kami todo na appreciate. Both sa aming department at ng mga bata. Kung baga kami ang bida, kahit sa first week lang of this month ito nangyayari.. good to go na ako.

Ayon na nga, bidang bida nga talaga, dahil ang DepEd Lapu-Lapu ay sa WaterFront Hotel Lahug kami dinala. Doon kami nag celebrate ng "World Teachers' Day". Syempre excited ako dahil first time po itong nangyari ever. Seguro balato na din after two years of just staying at home.

20221004_104455.jpg

Pero pagpasok pa lang namin, aba ang aura hindi ko bet. Ang bigat sa dibdib, ang dilim, tsaka yong ilaw hindi carry ng power ko. Nakakahilo, ewan or ako lang ba bigla sumakit ang ulo. Pero girl scout tayo kaya may lagi tayong dalang white flower pang first aid. So tuloy pa rin ang adventure.


20221004_105010.jpg

Lahat ng table may label na para sa bawat district kaya no stress kami sa paghahanap ng mauupuan. At syempre hindi mawawala ang signing of attendance para walang bawas sa sahod. Actually ito talaga ang unang hinanap namin... kami ng mga friends ko, sina mam @abby0207 , @kyrie1234 at @bisayakalog, ang unang hanap talaga ay log sheet. You know na sa ganitong okasyon, "attendance is life".

20221004_092555.jpg

Napaka productive at napakaganda po ng programa na inihanda sa araw na ito. Hinati po ito sa dalawa. Sa umaga, ang paksa ay tungkol sa breast cancer awareness. May mga living testimonies of survivors na inimbeta. Kaya labanan ng emosyon nong pinagsasalita na sila. Napakahusay din nilang magsalita talagang kuha nila ang attention namin. At luluha ka rin sa bigat ng pinagdaanan nila, pero syempre kasi nga mga survivors happy ang ending ng story nila.

20221004_121050.jpg

Sa tanghali naman ay iba't ibang paligsahan na ang participants ay ang mga guro na talaga. At from time to time may mga pa raffles pa. Pero bago pa man, punta muna tayo sa pinaka exciting part ... ang "kainan na!" at dahil busog much kaya break muna kami sa kakaupo inside.

Lumabas muna kami para lumanghap ng preskong hangin at ng makakuha na rin ng pictures sa lugar. Yong isang friends namin naging instant remote emcee kaya hindi nakasali sa paglilibot namin sa labas ng venue.

received_825075512270689.jpeg

Minsan na ngang sinabi ko sa sarili ko, mabuti na lang talaga at ang pagiging guro ang pinili ko. Although napaka stressful ng work pero wala pong dull moment kapag guro ka. Oo nga, occupied lagi utak mo, laging may hinahabol na deadline pero napaka genuine ng experience. At totoong tao pa ang makasalamuha mo sa araw araw.
At isa pang gusto ko sa trabahong ito, any moment of the day pwedeng nakangiti ka, tapos biglaan ang shift ng mood. O, ang saya di ba.

Kaya thank you lord, at thank you DepEd Lapu-Lapu sa pa hotel ninyo sa amin.
Hanggang dito na lang po. Keep safe everyone!

Cheers,
@fabio2614

Sort:  
 2 years ago 

Nice one miga... After 100years🥹🥹🥹

 2 years ago 

gi pang apas miga...😁

 2 years ago 

ang saya naman sa Waterfront! pero grabe ka girl scout naa gyud dalang white flower hehe

 2 years ago 

laban jud ta aning dapita sis,... basta mga gors naa jud na perme ang hapas😁

 2 years ago 

niyahaha laban!

TEAM 4 CURATORS

Congratulations!
This post has been upvoted through steemcurator07.
We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @mato445

amazing.gif

 2 years ago 

@mato445 thank you so much for the support😊

 last year 

Saludo ako sa mahabang pasensya sa lahat ng guro. Dili lalim mag handle ug mga bata everyday.

Kami naman noon mga studyante attendance din una hinahanap kasi para dagdag sa grades hihihi, sa inyu na mga guro para hindi mabawasan ang sahod, sayang din yun pang bili na yun ng bigas.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 61220.17
ETH 2979.22
USDT 1.00
SBD 3.73