Diary Game Season 3// December 12, 2021 // Ang Aming Pagdiriwang Sa Kapistahan

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw po sa lahat ng aktibong miyembro ng Steemit Philippines.Sana nasa mabuti tayong kalagayan ngayon at mag ingat sa mga sarili natin kasi may bago na naman tayong haharapin na virus si omicron .Hindi pa nga tayo tapos sa Covid 19 andito na naman si omicron kaya mag ingat.po tayong lahat sa ating mga sarili huwag po tayong magpabaya sa pag inom ng mga bitamina para sa ikabubuti ng ating immune system para maipaglaban ang mga sakit na nakakahawa.
Ngayong araw na ito ibabahagi ko sa inyo ang pagdiriwang namin sa kapistahan ng Mahal Na Birhen Maria sa aming purok December 8,2021
IMG_20211212_224546.jpg
.Sa tuwing nalalapit na ang kapistahan ng aming patron ang lahat ng mga aktibong opisyales.sa aming purok ay magsasagawa ng schedule para sa darating na kapistahan .May nobena para sa patron at gagawin yon ng 9 na araw at sa bawat araw na nobena may naka schedule na mga residente na mangunguna sa chapel para sa preparasyon sa gagawing nobena para pagkatapos ng nobena may kaunting snacks kami.Gabi gabi may maglalaro ng basketball at volleyball at may basketball din sa mga bata edad 10 hanggang 17 ito ay mangyayari pagkatapos ng nobena
IMG_20211212_145335.jpg

Na enjoy naman namin ang mga events bawat gabi kasi may ibat ibang team na maglalaro kong sinong team ang may maraming panalo sila yong champion tapos may first ,second and third at sa mga bata may.tiktok challenge
IMG20211208193028.jpg
at may laro ring basketball sa mga bata .Ito ang unang piyesta na magdiriwang ako sa lugar na ito kasi bago palang kami dito nakatira .
Sa araw mismo ng kapistahan naghanda kami ng konting pagkain na pagsaluhan
IMG_20211212_145114.jpg
iniimbitahan ko yong mga kasamahan ko sa trabaho
IMG20211208175418.jpg
kapitbahay at mga kamag anak ko at mama ko may bisita rin mga senior citizen na nagtatrabaho sa baranggay
IMG20211208133745.jpg
at sa awa naman ng Diyos kahit marami kaming inimbitahang mga bisita nagkasya at nag enjoy naman ang mga bisita at nakakain naman lahat.
Sa bandang hapon may prosisyon kami sa aming Patron para ialay at maipasyal ang santo hindi nga lang ako nakasama at nakakuha ng picture kasi may bisita ako sayang nga kasi isang beses lang sa isang taon ang piyesta mangyayari sa bawat purok May inimbitahan kaming drum and bugle corps
IMG20211208162425.jpg
para sasabay sa prosisyon namin sa awa ng Diyos.kahit medyo maulan matagumpay naman.ang ang aming.pagdiriwang.
Sa gabi naman nag awarding na kami sa mga.nanalo sa basketball , volleyball at ako yong nag pledge ng apat na trophy sa basketball tournament
IMG_20211212_225926.jpg
from 3rd to champion kasi walang ibang nagbigay kawawa naman yong iba walang matanggap.Sa bawat team na nanalo ako ang magbibigay sa kanilang trophy .The champion team
IMG20211208195519.jpg

at may kaunting pera pero iba ang nag sponsor sa pera.Ist place
IMG20211208194604.jpg
Masaya rin ako kasi nakikita ko silang masaya kahit hindi naman kamahalan ang mga tropeo na binibili ko.2nd place
IMG20211208194352.jpg
Ang sarap ng pakiramdam kong makapagbigay tayo sa ating kapwa kahit sa ganitong paraan lamang ang gaan ng pakiramdam kapag nakikita natin silang masaya sa pagtanggap ng kanilang mga awards 3rd place
IMG_20211212_143848.jpg

Naging matagumpay naman kami sa pagdiriwang ng kapistahan namin.Hanggang dito nalang ang aking pagbahagi sa inyo.

To God Be The Glory.
@gracetorrion