Burnsteem25|| November 28,2022|| The Diary Game Season 3|| "Food Pack Distribution"

in Steemit Philippines2 years ago

IMG_20221128_155809.jpg

Edited By:Canva Application
Isang mapagpalang araw sa ating lahat..
Maganda ang tumulong sa ating kapwa lalo na sa mga taong malapit mawalan ng pag-asa sa buhay. Makakapagbigay tayo ng kasiyahan sa kanilang sarili dahil sa kanilang natanggap na kahit kaunting tulong lang man ay sa puso nanggaling. Mapanatili rin sa pamamagitan counseling at pagbahagi ng salita ng Diyos na magkaroon sila ng pag-asa at magsimula ng bagong buhay kahit nasa piitan sila. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay ang pagbibigay namin ng mga pagkain sa mga preso doon sa Initao Jail. Parte ito ng programa sa aming simbahan at sa organisayon na tinatawag na Couples For Christ at Gawad Kalinga. Napadisisyunan ng lahat na ang nasabing programa ay doon isasagawa sa Initao Jail.

Screenshot_2022-11-27-21-15-05-04.jpg

Umaga pa lang ay nagsimula nnang nagluto ang mga kasapi ng organisasyon nina Mama at Papa. Kasali kasi sila nito at isa sila sa mga Unit Head dito sa Lungsod ng Manticao. Sa likod ng kombento sila nagluto, maganda doon dahil maluwag ang lugar at maraming panggatong na makikita. Ang una nilang niluto ay ang bihon. Lahat sila ay abalang-abala sa kanilang ginagawa.

Screenshot_2022-11-27-21-15-36-30.jpg

May halong tawanan at biruan kaya napakasaya ng lahat. Maraming myembro ang Couples for Christ dito sa lungsod ng Manticao at ang lahat na ito ay mula sa Simbahang katolika. Bago ang lahat ay humingi muna ng pahintulot ang nasabing organisayun sa kura paruko ng lungsod at sumang-ayun naman ito sa adhikain at isasagawang programa kaya nagkaisa sila. Ang pagkakaisa sa bawat magagandang gawain ay mabuti at magkakaroon talaga ng magandang resulta gaya ng paghahatid at pagbibigay ng kasiyahan ng bawat isa.

Screenshot_2022-11-27-21-19-15-72.jpg

Ang iba naman ay nagbabantay naman sa mga iba pang pagkain na natapos nang maluto gaya nitong mga fried chicken. Isa rin ito sa ilalagay sa food packs para sa mga preso doon sa Initao Jail. Hindi muna nila inilagay ang mga pagkain hanggang hindi pa tapos maluto ang bihon at makikita din sa larawan na kuha ko ang kanin na nakalagay rin sa malaking mesa. Malinis naman ang nilagyan dahil hinugasan at nilagyan ng dahon ng saging na hinalub muna sa mainit na apoy.

Screenshot_2022-11-27-21-15-59-89.jpg

Nang naluto na ang bihon ay inumpisahan nang ilagay ito sa lalagyan kasama na ang kanin, friend chicken at bihon. Hindi lang pagkain ang ibibigay sa mga preso kundi kasama na ang personal hygiene kit gaya ng sabon na panligo at panlaba , face towel, tooth brush at toothpaste. Pero ang sabi ng pamunuan ng Initao Jail ay mas maganda kong yung toothbrush na ibibigay ay yung hindi matulis ang hawakan, bawal din ang plastic na kutsara kaya kakain sila na nakakamay na may plastic gloves na transparent. May kape, gatas, at biscuit rin ang ibibigay sa kanilang lahat.

Screenshot_2022-11-27-21-17-41-71.jpg

Di natagal ay dumating ang iilang mga personahe ng Initao Jail kasama ang leader ng mga tauhan ng Initao jail. Sila ang naging convoy namin papunta ng sa Naturang lugar. Limang sasakyan ang nagamit papunta sa Initao jail, kinakailangan pang dumaan sa ilog ng Initao bago makarating sa lugar. Makikita doon ang mabundok na lugar na napapalibutan ng mga nagtataasang pader, bobwires mga puno ng niyog at rehas.

Ayun sa pamunuan ng Initao jail ay bawal sa loob ang mga cellphones, camera at iba oang mga gamit. Kaya hindi na ako nakakuha ng mga larawan sa loob ng lugar. Pero ang ginawa namin sa loob ay bago ibinahagi ang mga pagkain at gamit ay nagdaos muna ng misa. Pagkatapos ng pamamahagi ng pagkain at personal hygiene kit ay may libreng counseling sa lahat.

Ibinahagi sa kanila ang salita ng Diyos na makakatulong kanila para hindi mawalan ng pag-asa sa buhay.

Bago kami umalis ay pinangakuan sila ng aming Pari na makakalabas sila lahat at hwag lang mawalan ng pag-asa at hwag mawalan ng tiwala sa Diyos.

image.png

Sa aking obserbasyon sa lugar, hindi madali ang pagiging preso, marumi, mabaho, at hindi makakaayos sa pagtulog. Pero kahit yan ang sinapit nila ay hindi pa huli ang lahat para magbagong buhay lagi lang may tiwala sa Diyos.
Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, nanay @olivia08 at @jessmcwhite sa isang talaarawan at ang 25% na payout mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
Sort:  
 2 years ago 

Napakagandag adhikain ang inyong ginawa kailangan din talaga ng bisita ng mga preso kahit may mga nagawa sila sa lipunan eh mga tao pa din sila mag naligaw lang ng landas.
Ang isang Gawain ay nagiging maayos at masaya kapag lahat ay gumagawa ng kanilang parte.

 2 years ago 

Tama ka ate.. para makita din nila na may bagong pag-asa pang darating sa kanilang buhay. Maraming salamat po sa pagbisita sa aking post po.

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you very much for the support.

 2 years ago 

Hmm magandang programa yan, dahil sa tulong tulongan lahat ng membro maging successful ang adhikain ng bawat miembro na ang.mga preso ay dalawin kahit saglit man lang.

 2 years ago 

Yes ate.. Kahit papaano ay mabuhayan din sila ng loob na may bagong pag-asa pang darating sa kanila. Maraming salamat po sa pagbisita sa aking post ate.

 2 years ago 

Napaka gandang layunin Ng programa ninyo aking kaibgan iba ang pakiramdam pag tayo ay nakaka tulong sa iba. Pag palain po kayo Sa inyong kabutihang loob

 2 years ago 

Tama ka po. Makakapaghatid tayo ng kasiyahan sa ibang tao kahit sa sumpleng paraan.

 2 years ago 

magandang gawain ito na makapagbahagi sa kapwa.

 2 years ago 

Tama ka ate, maraming salamat po sa pagbisita sa aking post..😊

 2 years ago 

Hello @jb123!

This post is being recommended for Booming support. Thank you for posting quality content in the Steemit Philippines Community. Please continue to do so!

Thank you and have a great day!

@me2selah
MOD

 2 years ago 

Thank you very much ate..