Burnsteem25|| The Diary Game Season 3|| November 27,2022|| "Ang Kaarawan Ng Aking Pamangkin"

in Steemit Philippines2 years ago

png_20221127_134407_0000.png

Edited By: Canva Application
Isang mapagpalang araw sa ating lahat.
Espesyal na araw para sa aking pamangkin ngayon na si Letizia dahil unang kaarawan niya ngayong araw. Kahapon ay inimbitahan ako ni tita para sa kaarawan ng kanyang apo ngayong araw kaya umaga pa lang kanina ay naghanda na ako sa aking dadalhin gaya ng charger, cellphone,panyo, at selfie stick. Ito kasi ang ginagamit ko para sa pagkuha ng mga letrato.

IMG20221127121245.jpg

Lolan sa isang motorsiklo ay agad akong nakasakay, maswerte naman ako dahil ako lang ang pasahero at hindi pa gaanong makapal ang sasakyan sa daan dahil umagang-umaga pa. Itong sinasakyan ko ay napakauso dito sa aming lugar dahil ito ang isa sa mga sasakyan na naghahatid ng mga tao sa kanilang ibat-ibang lugar.

IMG20221127125520.jpg

Pagdating ko doon ay abalang-abala sila sa paglalagay ng dekorasyon gaya ng mga banderitas, mga lubo, mga letra na nagsasabing "Happy birthday" mga mesa na paglalagyan ng mga pagkain. Dito sa lungsod namin ay usong-uso na ang by package na pagkain gaya ng lumpia, kalderita, bihon, mga kakanin at cake. Sa halaggang 5,500 pesos ay makakakuha na ng package sa kaarawan, binyag, at iba pang mahahalagang okasyon.

Ang mga iniligay sa kurtina bilang mga palamuti ay inorder pa sa isang online shopping, naging uso din yan ngayong panahon ang online shopping. Mabuti nalang at hindi matagal dumating ang nasabing order na pangdekorasyon sa isang kaarawan.

Di nagtagal ay dumating na ang inorder na pagkain sa halagang 5,500 pesos. May mga ibat-ibang uri na ng pagkain na pwedeng ihanda sa isang okasyon. Sakto naman at malapit nang mag-alas dose at handa na ang lahat ng pagkain, tanging iilang mga bisita lamang ang hinintay bago simulan ang isang simpleng salo-salo.

IMG20221127125326.jpg

Pero kinaugalian na talaga na natin na bago kumain ay una kunan pa ng letrato ang magdiwang ng kaaarawan gaya nito. Ito Ate at ang kanilang anak na si Letizia. Abalang-abala si kuya sa pagkuha ng mga gamit sa kusina kaya hindi siya naisali sa pagkuha ng letrato. Unang- una pa nilang anak si baby letizia at una ring kaarawan. Makikita rin sa mukha ni ate ang pagiging masaya habang kandong niya si letizia sa harap ng pagkain lalo na sa cake.

IMG20221127125639.jpg

Pagkatapos magpicture-picture ay sinimulan na ang panalangin para sa pagkain at sa nagdiwang ng kaarawan. Ang nanguna sa isang panalangin ay si mama habang kami naman at ay taimtim na nakikiniga nagdasal. Ito talaga ang kinaugalian namin dito na magdasal bago kumain.

IMG20221127152249.jpg

Bago kami umalis ay hindi talaga mawawala ang kinaugalian nating pilipino o pinoy, ang BH o bring house. Pinapadalhan ng maraming ulam na natira sa isang okasyon para hindi na magluluto pag-uwi ng bahay at deretso nang kumain kapag nagugitom na. Isang masayang araw talaga ang nangyari kanina.

image.png
Para sa pamangkin ko, nawa ay bigyan ka ng maraming biyaya at maraming kaarawan na darating sa kanyang buhay, manatiling malusog ang katawan kasama ang pamilya.

Bago ko tapusin ang talaarawan ko ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, nanay @olivia08 at @manticao at ang 25% na payout mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
Sort:  
 2 years ago 

Happy Birthday sa pamangkin mong si Letizia I like her name...

 2 years ago 

Thank you ate..

 2 years ago 

Wow! Dami daming foods! Ang saya saya naman ng birthday celebration ng pamangkin mo del, happy birthday sa kanya, ganda ng name nya, Latizia! Love it! God bless her with good health.

 2 years ago 

Salamat sa greetings ate..😊😊

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

Magandang araw aking kaibgan paumanhin sa aking naantalang pag bati sa iyong bibong pamankin. Akoy nagutom sa mga pagkain aking nakita at bago kopa ito tapusin binabati ko si Letizia ng maligayng kaarawan. Pag palain pa siya ng ating amang lumikha

 2 years ago 

Salamat sa pabati mo po. 😊