Diary Game Season 3||December 10, 2021|| Ang Pagpunta Ko Sa plaza
Magandang gabi sa ating lahat mga ka steemians at sa lahat ng mga myembro dito sa @steemitphilippines.
Tuwing Disyembre, ang lokal na pamahalaan ng Manticao ay nagsasagawa ng Christmas light openings kaya napaka excited at napakasaya dito.
Nagpasya ako kagabi na pumunta sa Plaza upang saksihan ang mga makukulay na mga series lights, mga parol at mga desenyo nito.
Una kong pinuntahan ang fountain na ito na sa wakas ay gumana at pinaandar. Matagal nang panahon na hindi pinapaandar itong fountain kaya laking gulat ng mga tao na umandar na kagabi.
Maraming mga tao ang pumunta kagabi kahit may malakasang pag-ulan ang nagaganap, makasilip lang sa ganda ng lugar. Marami talaga ang naaliw sa mga palamuti dito. Ang iba naman ay nagpapakuha ng mga larawan at ang iba naman ay nagmamasid muna sa paligid.
May mga malalaking parol ang nakatayo dito sa plaza, at ikinamamangha ko talaga ng lubusan. Dagdag pa dito ang makukulay at magagandang mga dekorasyon sa naturang parol na siyang nakakabighani sa mga taong nagdaraan.
Ito ang pangalawang malaking parol na pinuntahan ko. Nakakabilib talaga dahil hindi madaling maglagay ng dekorasyon lalo na at dapat perpekto ito para mas magandang tingnan.
Maaliw ka talaga kapag nakita mo ang naglalakihang mga parol, may mga maliliit ding parol na inilagaysa gilid ng daan na nagsisilbing ilaw sa mga taong dumadaan o dadaan.
Para mas gaganahan ang mga panauhin ay may mga kantahan at sayawan din dito. May BANDA kasi at sila ang nagpapatugtug para mas maging masaya ang programa.
Ang mga dalaga at binata ay naaliw talaga sa mga kanta at sayaw na ibinida ng Banda. Habang ako naman ay nakikinig laman sa tabi at tinitingnan lang silang nagsasayawan at nagkakantahan.
Ito ang parte ng munisipyo kong saan nilalagyan din ng mga Christmas lights at iba pang dekorasyon ang kanilang opisina. May mga tao din na umaakyat at nagpapakuha ng letrato dito.
Maliit lang ang aming munisipyo pero organisado at malinis ang lugar. Napapalibutan ito ng mga Christmas lights.
Napakasaya ko nang gabing iyon, at ramdam ko na talaga ang diwa ng Pasko sa aking buhay.
Ganda ng Christmas sa plaza ninyo.
Yes ate... Salamay sa pagbisita sa aking post ate.. 😊😊
Bibo na sa inyo
Bibo na gyud na gyud sir.. 😊😊