Diary Game Season 3| September 28, 2021| Ang Aking Mga Trabaho

in Steemit Philippines3 years ago

0001-8812983457_20210928_175349_0000.png

Magandang gabi sa ating lahat mga ka steemians, kumusta na kayong lahat? Sana ay nasa maayos palagi ang inyong kalagayan at hwag kalimutang magpasalamat sa Panginoon sa mga magagandang araw na ibinigay niya sa ating kahat.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa mga trabaho ko ngayon at noong unang araw. Pinagsama ko ito para mas maganda at madetalye ang lahat ng mga pangyayari sa aking buhay.

Ang Pagpapakain Ng Manok

IMG20210928163019.jpg

Tuwing sumasapit na ang gabi ay hindi ko talaga kalilimutan ang pagpapakain mg aking mga alagang manok. Isa din ito sa aking libangan dito sa aming bahay. Nakakawala ng pagod kapag nakikita mong masisigla at may mga sisiw na ang inahing manok.

Ginawan ko talaga ng kulungan ang aking mga alagang manok upang hindi ito pupunta sa malayong lugar. May posibilidad na nakawin at tangayin pa ng ibang tao kapag nakita nila ito. Ganito sa lugar namin maraming nangunguha ng mga manok kahit hindi kanila.

Kapag pagsapit ng umaga ay pinapakain ko rin sila para hindi magutom. Nilalagyan ng tubig para may maiinum sila. Kaya kinaugalian ko na talaga ito dahil lang din sa aking mga alaga.

Pagluluto Ng Gulay

IMG20210927062849.jpg

IMG20210927062859.jpg

Tuwing pagsapit ng gabi, ay magluluto na naman ng makakain para sa haponan. At ang lolotuin ko ngayon ay malunggay, simpleng haponan at ulam pero nakapagbibigay ito ng sustansya sa ating katawan. Ito kasi ang pangunahing pagkain namin dito sa probinsya, ang sinabawang malunggay at minsan may kasama pa itong isda o di kaya ay tuyo.

Ang Aking Pagdesenyo

IMG_20210909_074354.jpg

Nais ko lang din isali itong ginawa ko noong nakaraang araw. Dahil walang magawa sa bahay ay naisipan kong gumawa ng kahit na ano. At ang unang naisip ko ay ito, mag dedisenyo ng pangalan gamit ang malapad at malaking dahon. Medyo nahirapan ako kasi isang pagkakamali lang ay masisira ang dahon na denisenyohan.

IMG_20210909_074440.jpg

Kailangang dahan-dahanin lang ang pagtabas o paghiwa nito upang hindi masira ang pagdedisenyo sa dahon. At sa wakas ay natapos ko na ang ginawa ko, masaya naman ako dahil nagawa ko ito, hindi naman sa kagandahan pero nakita ko naman na hindi ako nagkamali, kailangan lang talaga ng ensayo sa sarili.

Naging produktibo at naayos naman na nagamit ang araw at oras ko, kasi ayon sa nakakatanda mahalaga ang bawat oras at minuto.

Bago ko tataposin ang talaarawan ko sa araw na ito ay nais kong imbitahan sina ate @me2selah, nanay @olivia08 at sir @long888.

Salamat sa pagbasa, lubos na nagmamahal,
@jb123

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Nice baya yang pag design sa dahon, ipagpatuloy mo yan.

 3 years ago 

Salamat ate sa pagbisita dito sa aking munting post. 😊

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Maraming salamat din po sa pagbisita sa aking post. 😊

 3 years ago 

Ang galing naman. Naalala ko tuloy nung nasa ComVal, de Oro pa kami may maliit na manokan ang Daddy ko at tuwing hapon ako ang nagpapakain ng mga inahin at panabong. Ako rin ang nagtsetsek kung may mga itlog sa kanilang "pugaran". pati sa pagpakain ng baboy. Nuon Darak, kangkong at dahon ng gabi ang pinapakain namin sa baboy kaya hindi mabaho ang dumi nila. Ako kasamahan namin sa bahay at ako ang nagluluto ng pagkain ng baboy habang siya ang naglilinis ng bahay nito. Enjoy ako sa ganung gawaing lalake. Marami akong natututunan. Gimingaw hinuon ko nagtan-aw sa imung pictures, bro. Salamat sa pagbahagi.

 3 years ago 

Salamat sa pagbisita sa akong post ate. 😊

 3 years ago 

Dong gae kog hiniktan beh🤣🤣 may na lang pasanayan unya ipares sa gulaman kong naay birthday.

 3 years ago 

Sige ate, kon dool pa ka, ako pa ihatud hejeje.. salamat sa pagbisita sa ako post ate. Godbless you 😊

 3 years ago 

Dong manari tingali ta daghan mn kag manok diha.,

 3 years ago 

Sige sir.. di lang ta magpasapon 😂 salamat sa pagbisita sa akong post sir.

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 3 years ago 

Thank you very much

 2 years ago 

Okay kaayo...kamunggay paresan ug manok ahahah payts na hehe