The Diary Game : Pagdiriwang Sa Ikapitong Kaarawan Ng Aking Pamangkin | 20% to Steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Hello Mga Kababayan!

Kumusta po kayo? Sana po nasa maayos na kalagayan ang lahat.

Ito pa po yata ang aking kauna-unahang blog na nakalathala sa wikang Filipino. Gusto ko lang din pong masubukang muli ang pagsulat o paggawa ng artikulo na puro salitang tagalog ang gamit. Sana po ay mairaos ko ito nang maayos, pagsulat pa lang ng iilang pangungusap ay talagang nahihirapan na ako.

Sa araw nga po palang ito, gusto ko lang ibahagi sa inyo kung paano po ang ganap namin noong isang araw sa aming pagdiriwang sa kaarawan ng aking pamangkin, bilang aking "entry" sa nangungunang Community contest na "Diary Game" ng Steemit Philippines.

* * *

Nakagawian na po namin na sa tuwing sasapit ang kaarawan ng kaninuman sa pamilya ang magtungo sa simbahan o sa bahay ng aming Pastor upang magpapapray over bilang pasasalamat sa karagdagang pagkakataon na ipahintulot ng Panginoon na mamuhay dito sa mundo, at bilang pagpapaubaya na rin sa pagkakaton na ito. At ayon nga, ang aking pamangkin ay pinagpray over po ng aming Pastor sa kanyang ikapitong kaaraawan.


Malaki po ang aming tiwala sa lakas at kapangyarihan ng dasal ng isang Pastor na sadyang pinili at ipinagkaloob ng Diyos. We can pray on our own for ourselves and for others pero iba lang talaga sa pakiramdam yung alam mong pinagpray ka ng isang Pastor at rinig na rinig mo mismo ang mga pinapanalangin niya para sa 'yo. Ang sarap!

Pagkatapos ng pagpapapray over, dumeresto kami sa bahay at naghanda ng kaunti para sa pampamilyang salo-salo. At upang mas maramdaman ng aming baby boy ang kanyang espesyal na araw, binilhan namin siya ng Cake na pinacustomize namin sa paborito niyang laro na Minecraft. Of course, sa nakasanayan, may mga kantahan ng birthday song na naganap bago ang pagpapablow sa kanyang birthday candle.

Matapos ang kantahan at hilingan over the birthday candle, sinimulan namin ang aming munting salo-salo. Simple lang na pagdiriwang sa kaarawan pero lubos naman ang aming kagalakan at pagpapasalamat sa panibagong taon na ito para sa aking pamangkin, at maging sa buong pamilya, sa kabila ng lahat ng dagok sa buhay lalong-lalo na sa sitwasyon na kinakaharap ng buong mundo ngayon.

At yun na nga. Dito lang muna po ako. Maraming salamat po sa inyong oras. Hanggang sa muli mga kaibigan!


About the Author

Welcome ! Jenesa is a millennial public school teacher. She's an outdoor enthusiast who loves to travel in groups. She currently resides in Cebu, Philippines. Join her as she explores places, enjoys adventures, and tries new dishes. As always, thank you for your support.

Sort:  
 3 years ago 

Happy Birthday po sa iyong pamangkin. Sigurado ako nag enjoy sya sa kanyang kaarawan dahil anjan kayo na pamilya nia.

Thank you for sharing your Diary post. For updates pwede nio pong bisitahin ang mga post ng ating community curator @steemitphcurator.

Ingat po palagi.

 3 years ago 

Thank you po!

 3 years ago 

Happy Birthday Nathan!

 3 years ago 

Thank you kalai.

 3 years ago 

Happy Birthday! asang manok?

 3 years ago 

Way manok.. Baboy ra. Hahq

Congratulations, your post has been upvoted by @scilwa, which is a curating account for @R2cornell's Discord Community. We can also be found on our hive community & peakd as well as on my Discord Server

Manually curated by @abiga554
r2cornell_curation_banner.png

Felicitaciones, su publication ha sido votado por @scilwa. También puedo ser encontrado en nuestra comunidad de colmena y Peakd así como en mi servidor de discordia

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.11
JST 0.029
BTC 69305.77
ETH 3681.81
USDT 1.00
SBD 3.25