Diary Game Contest Featuring "My Parents in 10 Pics" | Nang Umibig Ang Hilaga Sa Kanluran

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Magandang araw Steemians! Sana ay nasa mabuting kalagayan ang lahat. Natuwa ako ng malaman kong may patimpalak tungkol sa ating mga magulang. Lahat tayo ay may magagandang kuento tungkol sa kanila. Sa artikulong ibabahagi ko ay ibig kong ilahad ito sa Tag-lish para mas mailarawan ng mainam ang kuento ng aking minamahal na magulang.


Mom and Dad with their First Photo as Husband and Wife

Sa Pantukan, Davao del Norte na tinatawag na ngayong Pantukan Davao de Oro unang nagkita sa Araw ng Kasarinlang Hunyo 12, 1959 ang aking ina at ama, at unang pasok sa bagong paaralan na kanyang pagtuturuan. Bagong salta at baguhang tagapagturo sa mababang paaralan ng sentral ang aking ina sa unang baitang ng elementarya. Ang aking ama at ina ang pinili na maging "Flag Bearer" sa okasyon na iyon. Yan ay ayon sa kanilang Ninang sa kasal (tinatawag kong Lola Naty) na tagapangasiwa sa mataas na paaralan na kung saan ay tagapagturo sa agrikultura at kumandante ng PMT (Philippine Military Training) ang aking ama.

Matagal din daw ang panliligaw ng aking ama sa aking ina dahil marami siyang karibal ayon kay Lola Naty. Kahit maraming karibal ang aking ama nasa panig naman niya ang kanilang prinsipal, superbaysor, kasera at iba pang mga kasamahang guro. Ang anak naman ng kasera ng aking ina na si "Auntie Coling" ang tagadala ng sulat ng aking ama para sa aking ina dahil estudyante siya ng aking ama sa mataas na paaralan kung saan nagtuturo ang aking ama at isa din siya sa mga nagkwento sa akin sa "Love Story" ng aking Ama at Ina.



Mom and Dad

Ayon kay Lola Naty at Auntie Coling sa dami ng manliligaw ng aking ina nahirapan din ang aking ama na dumiskarte sa aking ina dahil nagkakasabay silang dumating sa kinakaserahan ng aking ina pero mautak daw ang aking ama dahil siya ang huling umaalis sa kinakaserahan ng aking ina. Habang inientertain ng aking ina ang kanyang ibang manliligaw, ang ama ko naman bukod sa may dalang pasalubong sa kasera ng aking ina kaya napalapit siya ng husto sa mga ito.

Tuwing araw ng Sabado umuuwi sa lungsod ng Dabaw ang aking ina sa kanyang mga pinsan. Lingid sa kaalaman ng aking ina, sinusundan siya ng aking ama at inalam kung saan siya pumupunta tuwing araw ng pahinga sa pagtuturo. Minsan niyaya ng kanyang mga pinsan ang aking ina na manuod ng sine na kasama naman ang isa sa kanyang manliligaw. Ang hindi alam ng aking ina ay sinundan sila ng aking ama sa sinehan (pareho pa silang dalaga at binata). Pinanuod nila ang isang pelikulang may pamagat na "Summer Place". Kung saan naging "theme song" nila ang kantang iyon.



Daddy and Mommy's Wedding Day

Tag-araw ng taong 1961, umuwi ang aking ina sa kanyang mga magulang sa Phillips, Del Monte sa Bukidnon. Dun sila nanirahan ng kanyang mga magulang dahil ang aking Lolo ay isa sa mga Supervisor sa Agricultural Section sa Del Monte Philippines. Sumama ang aking ama sa aking ina dahil gusto niyang makilala ang mga magulang ng aking ina.

Napilitang magpakasal ang aking ina sa aking ama sa isang "Civil Rights" bago sila umuwi ng Pantukan dahil ayaw pumayag ng aking Lolo na hindi sila makakasal (alam mo naman sa panahon ng ating mga magulang kapag nakikitang magkasama ang babae at lalake -- maraming Marites). kaya ng umuwi na sila sa Pantukan, Davao de Oro, sila ay mag-asawa na ngunit napagkasunduan nila na wag munang magsama sa iisang bubong dahil gusto g aking ama at ina na makasal muna sila sa simbahan. Ngunit dahil sa mga Marites, nakarating sa asawa ng Supervisor na si Lola Teklang pakialamera na isa ring kasamahan ng aking ina sa paaralan ang balitang mag-asawa na ang aking ina at ama at bakit di pa raw magsama sa iisang bubong? Kaya ipinaalam ng aking ina at ama sa kanilang mga magulang na sila ay magpapakasal sa simbahan ng Sta. Ana sa Lungsod ng Davao. Ikinasal sila nuong taon ng Octobre 1, 1961.


Bumukod at nagsama ang aking ina at ama sa isang bahay na malapit sa kanilang mga paaralan. Ako ang kanilang naging panganay at ipinanganak naman ako ng taong 1962. Lima kaming naging anak ng aking mga magulang na may mga pagitan na tig-dadalawang taon bukod sa pang-apat at bunso naming 6 na taon ang pagitan. Marami ding dumaan na unos sa buhay mag-asawa ng aking mga magulang ngunit nalampasan nila ang mga ito dahil mahal nila ang isa't-isa at nasa sentro ng kanilang buhay ang Diyos. Nariyan ang mga temtasyon ng mga karingking na mga babae, selosan at iba pang problema ng buhay mag-asawa. Habang tatlo pa lang kaming mga anak nila nagdesisyon ang aking ama na magtuloy ng kanyang Masteral sa UPLB sa Agronomy.



Daddy in CYMMIT Mexico City Headquarters

Pagkatapos ng kanyang pag-aaral. Nagtrabaho ng tatlong taon ang aking ama sa UPLB kapalit ng kanyang scholarship. Pagkatapos ay nag-apply siya sa CIMMYT at nagtrabaho sa Mexico.


Pagkatapos ng ilang taon at lima na kaming magkakapatid, lumipat ang aming pamilya sa Lungsod ng Dabaw at ang aking ama ay kinuha naman ng CIP (Centro Internacional de la Papa - Potato International Center) na ang "Headquarters" ay sa Lima, Peru. Meron silang Regional Center sa Los Banos, Laguna kung saan siya nag-oopisina ngunit lagi naman siyang nagbibiyahe sa ibang bansa kung saan meron silang mga proyekto.


Dad with Co-Scientist in Peru Headquarters


Habang ang aking ina ay natanggap naman sa trabaho sa Post Office ng Davao City. Siya ang Nanay at Tatay sa aming magkakapatid habang habang kami ay nag-aaral sa Davao City at nasa Los Banos naka-base at nagtatrabaho ang aking ama.


Mom and her officemates in Post Office Davao City


Kapag hindi naman masyadong busy ang naka-schedule na trabaho ng aking ama isinasama niya ang aking ina sa iba't ibang lugar na kung saan meron silang proyekto.


Dad and Mom in Peru Potato Project

Minsan ipinapasyal ng aking ina sa ibang bansa o kaya sa iba't-ibang project station nila dito sa Pilipinas, parang honeymoon ulit nila o kaya ay magkaroon ng oras para sa sarili nila pagkatapos ng kanilang mga trabaho na talaga namang nararapat dahil malalaki na rin naman kami. Nag-aaral na sa kolehiyo kaming apat na magkakapatid maliban sa aming bunso na nasa mataas na paaralan pa lamang sa UP Los Banos ng mga panahong iyon.



Dad and Mom in Hongkong


Dad and Mom in Singapore


Dad and Mom in Tagaytay

Masaya ang aking pamilya lalo na ang aking mga magulang at mahal nila ang isa't-isa. Wala sila gaanong problema habang kami ay lumalaki at naitaguyod ng sagana sa buhay at napag-aral sa magaganda at prestihiyosong unibersidad dahil sa kanilang pagpupunyagi sa buhay.

Ngunit dumating ang delubyo ng aming pamilya ng biglaang bawian ng buhay ang aking ama habang nasa kanyang trabaho at inuwi siya sa amin na nasa kabaong na. Sa mga sandaling iyon, parang isang ibon ang aking ina na nabalian ng pakpak sa pagkawala ng aking ama.

Hanggang dito na lamang ang kuento ng pagmamahalan at pagpupunyagi ng aking mga magulang. Sana ay naibigan niyo. Salamat sa pagbasa.


Iniimbitahan ko ang aking mga kaibigan na sina @olivia08, @sarimanok, and @jurich60 na lumahok sa patimpalak na ito.

Pakibisita lamang ang aking pagkakilanlan upang makilala ninyo ako ng husto: Re-introducing Myself To The Steemit Blockchain

👉20% goes to @steemitphcurator

Poetry | Flash-Fiction Story | Floral Art & Fresh Blossom Calligraphy | Crochet | Gardening | Baking and Cooking | Photography


All glory and honor belong to God
Stay blessed
Sort:  
 2 years ago 

Ang ganda naman ng kwento ng pag-ibig ate.. 😊😊

 2 years ago (edited)

Nainggit nga ako eh. Iba kasi nung unang panahon. Matitino p mga tao. Salamat sa pagdalaw.

 2 years ago 

Tama ka ate.. yan din sana sasabihin ko. 😂😂 Walang anuman po.

 2 years ago 

Malayo na sa hinagap ang paguugali ng mga tao ngayon.

 2 years ago 

Ang Ganda Ng love story ni mommy at daddy mo. Salamat sa pag imbita ngunit Ako ay di masali dahil lahat Ng picture Ng mga magulang ko ay nasunog at Ang iba ay nadaanan Ng Bahay kaya Wala akong picture na nila.

 2 years ago 

Salamat, Sis. Sarap ng buhay nung time nila. Ay, sayang ang memories. Sabagay yan pics nila mommy yan lng 3 old nakuha ki kasi nasa Davao ang iba

 2 years ago 

ate gwapo kaau si papa nimo ..hehe

he loves your mother dearly.. it's sad na he died na wala sa inyung piling...

 2 years ago 

Salamat dai. That dayhe left for work para sa pagtrain sa mga farmer sa Tarlac, birthday niya. Ingon ko dili ba pde nga magleave siya kay gikan siya sa abroad. Pahinga muna kay birthday niya at saka the following day birthday nako. Abi nimu gihulat lang muagi akong birthday, the following day namatay sya. Atake de corazon.

 2 years ago 

Ganda ng lovestory ng mama at papa niyo po, auntie. Sobrang sakit nun na inuwi yung papa niyo po na nasa kabaong. Di ko maimagine ang sakit.

 2 years ago 

Salamat..oo nga eh. Hinintay lng nyang lumipas birthday ko at kinabukasan sya namatay ang ninong ko ang naunang ummuwi para kami iprepare sa pagdating ng bangkay ni Daddy.

 2 years ago 

Hi!

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

DetailsRemarks
#steemexclusiveYES✅
At least #club5050YES ✅
Plagiarism freeYES✅
Bot freeYES✅
At least 300 wordsYES✅
Verified member/visitorYES✅

Congratulations!

Luzon Moderator
@kneelyrac

 2 years ago 

Thank you.

 2 years ago 

ang ganda ng kwento ng iyong mga magulang Ate. Tama ka, pag nasa sentro ng bawat relationship ang Diyos, wlang unos ang hindi malalampasan. Pero ang sad naman na bigla lang binawian ng buhay si Daddy mo. In my case naman si Mama ko. kinuha sya ng Diyos araw ng bagong taon. Pero ganun talaga ang buhay..

 2 years ago 

Magaganda mga love story ngung araw dai. Meronprin ngayon tulad ng sa inyo. Salamat sa imung pagbisita. Unya ko agi sa inyo.

 2 years ago 

hala wow, ang ganda ng love story te... at may pictures pa talaga sila.

 2 years ago 

Salamat, dai. Masinop c mommy kaya nakatabi album. Wala nga yun gusto kong pics nasa Davao pala.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 69121.30
ETH 3739.33
USDT 1.00
SBD 3.75