Sa Wakas Nakita Ko Si Haring Araw
Halo steemit philippines family,
Opo, tama yang nabasa ninyo sa aking titulo post, ako'y lubos nagpasalamat ngayong umaga nasikatan ni haring araw ang aking mga balat.
Noong martes ng takip-silim isinugod ko sa hospital ang aking asawa dahil bigla nanaman siya nanginig dahil sa infection. Noong Pebrero na hospital din siya sa parehong kadahilanan, tumaas ang blood sugar niya at namaga ang paa. May sugat konti ang paa niya na di namin pinansin yon pala pumasok na ang bacteria naging sanhi ng cellulitis.
Kaya apat na araw akong nasa loob lang ng kuarto nag asikaso sa kanya. Ngayong umaga, dahil wala na siyang lagnat at mabuti na konti ang kanyang dinaramdam, puede ko na siyang iwanan at bumili ako ng pagkain sa katabi lang ng hospital. Hayon ng lumabas ako mga bandang alas dyes ng umaga kanina, ako'y tumayo lang ng mga 3 minuto, ninamnam ko ang sikat ng araw na humaplos sa mga balat ko.
At tinanaw ko ang magandang tanawin sa may bandang likuran ng hospital, nawala ang aking antok. Carcar is Nice talaga.
Ngunit na lungkot ako ng bahagya dahil mga ilang taon lang mawala na itong tanawing ito mapalitan na ng malalaking gusali. Dyan ipatayo apat na palapag na hospital at eskuwelahan.
Nang nasa harap na ako ng tindahan ng ulam napansin ko agad ang maganda bulaklak sa gilid ng tindahan. Lalo kong naramdaman ang lubos na galak na di ko mawari. Kaya ito'y aking kinunan ng larawan.
Pag balik ko sa hospital, tumawag ang aking pangalawang anak na may tenant siya na taga Carcar at umuwi kaya pinadalhan kami ng Gynura Procumbens at Snake plant.
Nagpasalamat akong lubos dinaan ng tenant niya dito sa hospital. Hang lulusog ng dahon ng gynura procumbens.
Dahil nasa hospital kami at ang food service ng hospital ay kulang sa gulay, ito ang magiging gulay namin. Kaya kumain kami agad ng tag 7 dahon fresh after ko hinugasan.
Nag pm din ang aking anak ng mga video paano ang katas snake plant magpagaling ng sugat. Gagawin ko pag uwi na namin ng bahay.
Hanggang dito na lang muna mga kabayan, dahil ako'y antok na antok pa simula martes kulang ako sa tulog. Sabi ko sa asawa ko pag uwi namin ang anak muna namin mag asikaso sa kanya dahil ako'y babawi ng tulog ko yon bang tuloy tuloy at walang istorbo.
Ang aral ng buhay na aking tinandaan sa ngayon ay pansinin agad ang maliit na bagay gaya ng maliit na sugat dahil ito ay mabigay ng malaking gastos sa hinaharap.
Maraming Salamat po sa supporta @steemphcurator lalo na sa Steemit Team
@steemcurator1 @booming01
@steemcurator2 @booming02
@steemcurator3 @booming03
@steemcurator4 @booming04
@steemcurator5 @booming05
@steemcurator6 @booming06
@steemcurator7
@steemcurator8
@dobartim
@mers
@otom
@atongis
Sa walang sawa sa pag supporta sa mga Steemians.
Salamat sa pag basa...
Ako ay lubos na nagagalak at kayong dalawa ay nasa mabuting kalagayan. Tama! ang gulay ay mahalaga sa ating kalusugan at dapat meron tayong supply sa araw araw!
Maraming salamat sa supporta.
maganda Ate at nakalabas ka kahit sa saglit na panahon lang. sana po ay gumaling ang iyong asawa.
Salamat @me2selah
Hangad ko ang agarang paggaling ng iyong mister ate ng maclear na mind niyo at balik focus ka na sa blogging
Maraming salamat @june21neneng oo nga ipagkaloob gumaling na siya.